Cuarenta Y Cinco

136K 2.7K 203
                                    

Cuarenta Y Cinco

Tagapagsalaysay

"Sir, inaantay ka na po niya sa library." Ani ng lalaking assistant ni Theo na si Gregory sa loob ng isa sa mga bahay ng kanyang ama sa Manila kung nasaan nag sestay si Manang Ingrid.

Napangiti si Theo sa narinig. "Good."

Naglakad siya papunta sa library ng kaniyang mansion.

Pagkapasok niya ay naabutan niya ang isang matandang babae na nasa edad sixty pataas. Nag angat ito ng tingin ng maramdaman ang presensya niya.

Ningitian ito ni Theo. "Aling Jordana, it's nice to see you again."

Kumunot ang noo ng matandang babae. "S-Sino ka? Bakit mo ako kilala? Tsaka ikaw ba ang tumulong para maipagamot ko ang aking asawa?" Sunod sunod na tanong nito na tila bang naguguluhan sa mga nangyayari.

Lumapit siya dito. "Kumalma po muna kayo. Sasagutin ko lahat ng tanong niyo." Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit. "Hindi niyo na ba ako natatandaan? Si Migi ito. Pamangkin ng dating amo niyo." He revealed.

Nanlaki ang mga mata ng babae at nagsimula ng mangitab ang mga mata. "M-Migi? I-Ikaw na ba 'yan? Juskong bata ka! A-Anong nangyari sa itsura mo? Bakit iba na ang mukha mo? Ang akala ko ay patay ka na!" Hinawakan ni Aling Jordana ang mukha niya.

Bahagyang natawa si Theo sa inasal ng matanda.

"Opo. Ako na po ito. Still alive and kicking. Mahabang storya kung bakit naiba na ang itsura ko. Pero masaya ako na nakita ko na kayo ulit."

Tuluyan ng umiyak ang matanda. "Masaya din ako anak at nakita na kita ulit. Hindi mo alam kung gaano ko gusto na magpakita sa inyo ng ama mo magmula ng mamatay si Eliza." Niyakap niya ito ng mahigpit.

Tita Eliza... Ang kaniyang napakabuting at mapagmahal na tiyahin. Laking gulat ng pamilya nila ng mabalitaan nilang namatay ito. Mas bata ito sa kaniyang ama ng tatlong taon. Si Eliza lang ang nagiisang kapatid ng tatay niya. Ilang taon nila pinaimbestigahan sa mga autoridad ang nangyari pero lumalabas na suicide ang naganap. But no! His father and him knows na hindi ito magpapakamatay. Ramdam nila na may foul play na nangyari at di sila titigil hanggang sa malaman nila ang totoong nangyari.

Dahan dahang siyang kumalas mula sa pagkakayakap nito. Tinignan niya mabuti si Aling Jordana.

"Kaya ko kayo pinapunta dito at tinulungan ang asawa niyo dahil may gusto akong malaman."

Tumango ang matanda na para bang alam na kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Pero mababakas sa mga mata nito ang pangamba at takot sa maaaring mangyari sa kanya pag sinagot niya ang mga katanungan ni Theo.

Pinaupo niya ang matanda bago nagsimulang magsalita. "Alam kong may alam kayo sa nangyari kay Tita Eliza dati kaya kayo nawala na parang bula. Ni hindi na kayo nagpakita sa libing niya. Alam kong hinding hindi niyo siya matitiis ng walang malalim na dahilan."

"O-Oo.. M-Marami akong nalalaman, anak. Pero ipangako mo sa akin na wag mo kaming hahayaan na saktan ng taong iyon. P-Parang awa mo na." Pautal utal na aniya.

Takot ang namayani sa mukha ni Aling Jordana. Hindi lang takot para sa kanya kundi para sa buong pamilya niya.

Hinawakan ni Theo ang mga kamay nito.

"Pinapangako ko. Wag kayong magalala. Hinding hindi ko hahayaan na saktan kayo ng taong sinasabi niyo. Basta tulungan niyo lang kami." He sincerely said.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon