Diecisiete

177K 3.2K 49
                                    

Diecisiete

Tagapagsalaysay

"Ugh! Istorbo talaga!! Now where are we?" Malanding sabi ng isang nurse na sobrang kapal ng make up sa mukha.

Akmang yayakapin niya ulit ang lalaki ng bigla siyang tinulak nito.

"I'm not in the mood anymore. Just go." He coldly said while fixing his suit.

Napaawang ang bibig ng babae. "But—."

"I said go!" He can't help but to shout at her. Napakakulit kasi nito. Yun pa naman ang pinaka ayaw niya sa lahat. Ang pagiging makulit ng mga playthings niya.

Natakot ang babae sa biglaan niyang pagsigaw kaya dali dali itong bumaba sa lababo at lumabas kahit na dapat siya ang lumabas dahil cr ito ng mga babae.

"Tch. What the hell happened?" He sarcastically laughed at himself. Nawala kasi siya sa mood ng may biglang pumasok na babae na sa tingin niya ay isa ring nurse dito. Lagi naman may nakakakita o nakakahuli sa kanya tuwing gumagawa siya ng mga kababalaghan pero wala siyang pakielam sa mga ito but he just fell out of the mood ng matitigan niya ito sa mata kahit na saglit lang iyon. Nawala lahat ng init ng katawan niya na parang bula.

'Ah, those eyes!' Sabi niya sa isip niya. Yes he's been with so many girls! You can't blame him because he's just a normal male with raging hormones. But when he saw those chocolate brown innocent eyes he can't help but stare at it. He felt something unusual. Marami na siyang babaeng magaganda at sexy na nakasalimuha pero iba ang naramdaman niya sa babaeng iyon. She looked like an angel that fell from the heavens above— no scratch that! She looked like an angel that's been sent by the heavens for him and only him.

Seconds later, after fantasizing the girl that he just saw, he decided to go out already. While walking towards the door he noticed something on the floor near it.

Kinuha niya ito at saglit na tinitigan. His right eyebrow raised.

'A folder?'

Tumayo siya at tinignan kung ano ang nasa loob nito. Unti unting sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa napaka gwapo nitong mukha.

"Well well well! The heavens do want us to meet again, my angel." He closed it and opened the door with a playful smile plastered on his face.

Aura

"Huy, Aura!!" Medyo malakas na tulak sakin ni Yenny na muntik ko pang ikahulog dito sa kinauupuan ko.

"Ay! Yenny, naman! Muntik na tuloy akong mahulog dito!" Sabi ko habang nakasimangot na nakatingin sa kanya.

Tinignan niya lang ako at tinaasan ng kilay. "Eh, kasi naman kanina ka pa tulaley! Kanina pa kaya kita tinatawag! Out na po natin, duh!"

Napatingin ako sa relos ko. Oo nga pala. Out na pala namin. Bakit ba kasi hindi ako makapag focus ngayon? Hay.

Inayos ko muna saglit ang mga gamit ko.

"Tara na nga! Gutom na kaya ako, girl." Dali dali niya akong hinatak palabas ng ospital.

Pagkarating namin sa bahay ay agad siyang nagluto ng hapunan. Sabagay hindi ko naman masisisi si Yenny dahil kahit ako man ay nakaramdam na rin ng gutom. Every other day ako nagluluto ng hapunan namin. Bale salit salitan kami. Kahapon ako ang nagluto so ngayon siya naman ang nakatoka. Pagkatapos namin kumain ay tumabay muna kami dito sa kwarto ko.

"Ikaw nga girl magsabi. Bakit parang lagi ka nalang tulala? Magiisang linggo ka na halos ganyan." Concern na tanong niya habang naglalagay siya ng hot rollers sa ulo.

Bigla akong napaisip. Tama si Yenny. Isang linggo na rin ako halos hindi makapagfocus. Oo nagagawa ko ng maayos ang mga trabaho ko pero parang lagi nalang may bumabagabag sakin. Siguro yung nakita ko sa cr ang may dahilan pero halos isang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa rin 'yon makalimutan.

Nakaka trauma kaya!

"Huy! Ayan ka nanaman! Tulaley!!"

Napatanga ako. "H-Huh?"

Tumayo siya at tinabihan ako. "Ano ba kasi 'yang bumabagabag sayo?"

Napabuntong hininga ako. Siguro kailangan ko na talagang ilabas ito. Wala naman masama kasi medyo matagal na nangyari iyon.

"Sige na sasabihin ko na." Huminga ako ng malalim bago kwinento sa kanya iyong nasaksihan ko.

Nanlalaking mga matang tumingin sa akin si Yenny.

"Weh?! Seryoso ka ba?!" Hindi makapaniwalang tanong niya sakin.

Napayuko ako sa hiya at dahan dahang tumango.

Nagulat ako ng hinawakan niya ang dalawang balikat ko at inalog alog ako.

"Aura!!" Tili niya.

"Aray naman, Yenny!! Bitawan mo nga ako!! Kalma ka lang!!" Nagpupumiglas kong sabi.

Narinig naman niya ang sinabi ko at tinigil ang pag alog sakin pero nanlalaki parin ang mga mata niya.

"Nako, girl hindi na birhen yang mga mata mo!!" Aniya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Parang ang weird naman ng sinabi niya. Duh! Nurse kaya kami kaya ilang beses na kaming nakakakita ng hubad na katawan ng tao.

"Yenny, ano ba yang pinagsasasabi mo? Para namang hindi pa tayo nakakakita ng ganun." Naka sibangot na sabi ko.

Isang irap ang sinagot niya. "Ang ibig kong sabihin, Aurora Reyes ay hindi na birhen yang mga mata mo dahil nakasaksi ka ng isang live action na porn!"

Ngayon ay ako naman ang nanlaki ang mga mata sa lumabas sa bibig nitong babaitang baliw na ito.

Tinapal ko ang bibig niya at hindi makapaniwalang tinignan siya. "Baliw! Ayusin mo nga yang lumalabas sa bibig mo, Yens!! Rated spg, duh!!"

Humaba ang mapupula niyang nguso. "Sus!! At least ako lumabas lang galing sa bibig! Eh ikaw nga nakapanood na ng live action!"

Hindi na lang ako sumagot at baka masabunutan ko pa siya. Pag palagay ng nakakita ako ng live action! Sobrang saglit lang naman yun! At saka hindi ko ginusto 'yon! Kung pwede nga lang ibalik yung oras eh. Hinding hindi ko gugustuhin na makapanood nun ulit!

"Kaya pala hindi ka makapag focus, huh!" Binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti.

Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko at hinampas sa kanya. "Tigilan mo nga ako, Yenny!"

"Oo na! Titigil na ang beauty ko!" Nagtaas siya ng dalawang kamay.

"Mabuti naman!" Buti at titigilan na niya ang pangaasar.

"Hayaan mo na, girl! Lilipas din yan! Siguro sobrang nashock ka lang sa nakita mo kaya hindi maalis alis sa isip mo 'yan. Syempre kasi first time mo makakita ng ganun. Wag mo na kasi masyadong isipin. Wala namang magandang maidudulot 'yon sayo. Chill ka lang! Wag ka ng mastress dyan! Siguro kasi sobrang gwapo nung guy kaya hindi mo siya makalimutan." Advice niya na may halong pangaasar pa rin. Pero tama si Yenny baka masyado lang ako nagulat sa nakita ko. Mabuti nalang at nasabi ko na sakanya itong bumabagabag sa isip ko.

"Sige tatandaan ko yan, Yens. Salamat." Ngumiti ako pero hindi abot tenga.

'Wag mo na kasi alalahanin pa, Aurora! Masyado mo kasing iniisip iyong nakita mo!'

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon