Cuarenta Y Uno

138K 2.8K 94
                                    

Cuarenta Y Uno

Aura

Kasalukuyan akong nasa rooftop ng ospital. Gabi na pero maliwanag parin ang paligid dahil sa mga ilaw na nagmumula sa mga bahay o establishments. Isama mo pa na maliwanag ang buwan ngayon. Kanina pa nakaalis si Theo. Pagkatapos ng nangyari sa garden ay agad din siyang nagpaalam sa akin at umalis na. Hindi na nga siya nakapagpaalam pa kila Nanay.

Hanggang ngayon ay okupado pa rin ng mga binitawan niyang salita ang isip ko. Kumabaga ginulo niya iyon. Hindi ko lubos na maintindihan ang mga sinabi niya.

"Your eyes may not see him but your heart can."

Ano ang ibig nitong sabihin? At saka ano iyong sinabi niyang nakabalik na si Migi? Teka, bakit parang pakiramdam ko ay kilala ni Theo si Migi? Masyado akong naguguluhan sa mga pinagsasasabi niya. Ayoko na nga isipin dahil nakakaistress.

"Please don't forget about him."

Bigla rin pumasok sa isip ko iyon. Isa rin 'yon sa bumabagabag sa akin magmula kanina. Bakit ayaw niya na kalimutan ko ang taong iyon? Hindi ba dapat ang sabihin niya sa akin ay dapat lang na tuluyan ko ng kalimutan si Migi?

Oo ayaw ko magassume pero alam ko sa sarili ko na kahit kaunti ay may gusto rin sa akin si Theo. A girl's instinct kumbaga. Pero hahayaan ko na munang sabihin niya sa akin ng derechahan ang mga gusto kong marinig mula sa kanya bago ako umamin na gusto ko din siya. Mahirap na at baka mapahiya pa ako. Hindi bale na munang maghintay.


"Ah, basta.. Ewan ko sa'yo, Theo! Napaka misteryoso mo. Parang ang daming mong tinatagong sikreto. Pero alam kong isang araw ay malalaman ko rin 'yang mga tinatago mo." Ani ko sa sarili habang nakatingin sa langit.

Pagkabalik ko sa kwarto ay naabutan kong naglalaro si Abby. Si Nanay naman ay tulog ulit. Oo, palagi siyang pinagpapahinga ngayon para mas mabilis siyang gumaling at makarecover. Hindi ako natatakot na iwanan si Abby dito magisa kahit na natutulog si Nanay. Alam naman niya na bawal lumabas at wag sasama kahit kanino.

Umupo ako sa sofa at kinausap ang kapatid ko.

"Okay ka lang, baby girl?" Nakangiting tanong ko sa kanya at hinaplos ang malambot nitong buhok.

Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Opo, Ate Aura.."

Ginulo ko ang buhok niya. "Gutom ka na ba?"

Umiling siya. Sabagay medyo heavy ang kinain namin kanina. Maski ako ay hindi pa nakakaramdam ng gutom.

Nagtagal pa kami ng isang oras bago ako nagpasya na umuwi na. Hindi kasi kami pwedeng matulog dito na dalawa. Isang sofa lang kasi ang meron. Medyo malaki pero alam kong hindi kumportableng higaan ng dalawang tao. Ginising ko din si Nanay para magpaalam. Sinabi naman niya na mag ingat kami pauwi.

Pagkarating namin sa bahay ay inayusan ko muna si Abby at pinatulog na. Ako naman ay naligo ulit dahil ang lagkit na ng pakiramdam ko. Papasok na sana ako sa kwarto nila Nanay ng mapasulyap ako sa kwarto ko. Pumasok ako at bumungad sa akin ang isang amoy ng panlalaking pabango, amoy Theo.

Dali dali akong sumalampak sa kama ko at niyakap ang isang unan. Grabe! Pati yung mga unan ko ay amoy Theo na rin! Sobrang bango ng mga ito. Hindi masakit sa ilong. Namula tuloy ako sa isiping nakatulog na si Theo dito sa kama ko!

Gumulong gulong ako sa kama dahilan para aksidente akong mahulog mula dito.

"Aray ah!" Sumubsob kasi 'yong pagmumukha ko sa lapag. Ayan kasi katangahan! Mabuti na lang at hindi malakas ang pagkakabagsak ko kung hindi baka napaano na itong pagmumukha ko.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon