Treinta Y Uno

145K 3K 125
                                    


Treinta Y Uno

"Oh, ayan ang ganda ganda mo na! Pak na pak!" Masayang papuri sa akin ni Yenny. Inayusan niya kasi ako. May isang oras pa naman siguro bago dumating si Theo. Nakalagay kasi dun sa invitation na alas siyete pa ang simula nung event.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin na nasa harapan ko. Hindi ko maiwasang wag mamangha sa kinalabasan ng pagaayos sa akin ni Yenny. Magaling talaga mag make up si Yenny. Naging trabaho din niya 'yan. Sumasideline na mag make up sa mga beauty pagent doon sa amin. Simple lang ang ayos ko. Light make up lang. Pinusod niya rin ang mahaba kong buhok. Naransan ko naman na malagyan ng make up dati. Noong college grad pic at mismong graduation ko. Pati na din noong makapasa ako sa board exam.

Napangiti ako. "Salamat, Yens."

"Sus! Ano kaba! Okay lang 'yon 'no! Para namang hindi tayo mag bestfriend!" Natatawang sagot niya.

"Kahit na! Basta salamat! Tsaka salamat din sa pagpapahiram mo ng damit sakin para mamaya." I honestly said.

Humagikgik siya. "You're welcome! Nako! Baka mainlove ng tuluyan sayo si Theo!"

Sumibangot ako. "Ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo, Yenny! Hindi naman inlove sa akin yung tao noh. Magkaibigan lang kami." Teka! Magkaibigan na ba talaga kami? Oh baka ako lang nagaassume nun?

Pero 'diba hindi naman niya ako isasama sa charity event na 'yon kung hindi kaibigan ang tingin niya sa akin?

Napailing siya sa sinabi ko. "Ay, ewan ko sayo!"

LUMIPAS ang isang oras. Pinasuot na rin sa akin ni Yenny yung damit na pinahiram niya. Pinaghalong puti at dilaw ang kulay ng tela. May gold accent din ito. One shoulder na bumagay naman sa maliit na frame ng katawan ko. Sinuot ko rin ang kwintas na bigay sa akin ni Nanay at Tatay noong 18th birthday ko. At isang kulay gold na bracelet na pinahiram din ni Yenny sa akin. Wala naman kasi akong hilig sa mga abubot. Tanging itong kwintas lang ang meron ako at iilang singsing na binili ko sa may mall sa probinsya namin dati.

"Ang ganda mo talaga! Bagay na bagay 'yong damit sa iyo!" Ani Yenny sabay hagikgik na parang baliw.

"Bolera ka talaga." Natatawa kong sabi.

Bago pa man makasagot si Yenny ay narinig naming tumunog ang doorbell.

"Omg! Nandyan na si Papa Theo!" Impit na tili niya.

Nakaramdam ako ng konting kaba. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan niya itong ayos ko. Sana naman pumasa sa standards niya kahit papaano. At sana bumagay rin ang itsura ko sa event mamaya.

Naunang lumabas ng kwarto ko si Yenny para pag buksan ng pinto si Theo. Ako naman ay nahihiyang nakasunod lang sa kanya pero mas nakaramdam ako ng kaba kaya bumalik ako sa kwarto. Kinakabahan kasi ako sa magiging reaksyon niya.

"Hello, Papa Theo!" Magiliw na bungad niya. Medyo nakaawang ang pinto kaya rinig na rinig ko sila dito.

Narinig kong tumikhim siya. "Uh, you know my name already? I don't remember telling you my name."

Pa cute na tumawa si Yenny. "Oo naman! Kilala na kita! Alam ko na ang pangalan mo! Ikaw si Theo! Ikaw yung nasa parking lot diba? Iyong naghahanap sa bestfriend ko! Nagkwento kasi siya sa akin tungkol sayo pagkatapos mo siya iinvite! Crush ka ata nun eh! Ang gwapo mo talaga. Mukha kang model ng underwear. Jusko! Nako ang swerte talaga ng babaeng iyon sa lalaki!" Walang preno sabi nito sa kawawang lalaki. Ang sarap i-stapleran ang bibig!

Nalaglag ang panga ko sa mga sinabi ni Yenny. Seryoso ba siya?! Kung ano ano mga pinagsasasabi kay Theo! Jusko po! A-Anong crush?! H-Hindi ah! Tsaka ano daw?! Model ng underwear?! Ang sarap sabunutan ng babaeng 'yon! Hindi mapigilan ang bibig sa kakadaldal. Puro kalokohan ang lumabas. Hindi na nahiya!

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon