Cincuenta Y Nueve

128K 2.3K 110
                                    

Cincuenta Y Nueve

Aura

"Perfect! Pustahan tayo matutulala si boyfriend mo mamaya sa ganda mo, sis!" Malanding puri ni Yenny sa akin habang tinitignan ako ulo hanggang paa.

Kinuhanan pa niya ako ng ilang pictures sa phone niya kanina. Ipapasa na lang daw niya sa akin mamaya ang mga 'yon.

Napanguso ako sa sinabi nito. "Grabe. Wagas naman sa mapapatulala."

She rolled her eyes at me dramatically. "I swear! Malaki ang pusta ko na ikaw ang pinaka maganda sa party mamaya. Maniwala ka sakin."

Naiiling na lang ako sa mga pinagsasasabi niya. Tinignan ko ang sarili sa repleksyon sa salamin. Hindi ko maiwasan wag mamangha. Ako ba talaga 'to? Seryoso ba?

"Ay, hindi! Hindi ikaw 'yan tss!" Sarkastikong sabi ng isip ko.

Suot suot ko ang formal dress na ipinadala ni Theo sa akin. Dumating ito nung isang araw sa unit namin. Siya pa mismo ang nagbigay personally sa akin. Hindi ko alam kung papaano niya nakuha iyong dress size ko ng tama. Ang galing kasi dahil saktong sakto sa akin.

Kakaiba ang kulay ng long dress. Para itong kulay burnt orange na hindi ko maintindihan. May malaking cut din ito na pabilog malapit sa dibdib pero hindi naman ako nakikitaan. Si Yenny ang nag ayos sa akin. Ang elegante niyang tignan at halatang mamahalin.

Nilugay niya lang ang buhok ko at plinantsa. Simpleng make up lang din ang ginawa niya sa mukha ko. She emphasized my eyes at nilagyan lang ako nude colored lipstick sa labi.


"Sinasabi mo lang 'yan kasi ikaw ang nag make up sa akin at saka kaibigan mo ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Sinasabi mo lang 'yan kasi ikaw ang nag make up sa akin at saka kaibigan mo ako. Hindi mo na ako kailangan bolahin o lokohin 'no!" Agap ko naman dito.

Yenny snorted. "Hindi nga kasi. Totoo ang sinasabi ko. Wag ka ng kumontra pa dyan!" Mahina niyang hinampas ang aking kanang braso.

Tapos na ako sa pag aayos. Umabsent talaga si Yenny para lang maayusan ako para mamaya. Nagalit nga ako dahil hindi naman niya kailangang gawin 'yon but she really insisted. Ang lakas ng saltik talaga. Aabsent para lang dito.

"Ang sabihin mo, napaka supportive ng bestfriend mo, Aura! Pasalamat ka na lang!"

I mentally scolded myself. Sabagay, hindi din naman kasi talaga ako magaling sa make up make up na 'yan. Pasalamat na lang talaga ako at nandyan si Yenny para gawin 'yon sa akin. At least nag mukha akong tao.

Hindi ako magmumukhang basahan sa tabi ni Theo mamaya kahit na papaano. Hindi na din siguro ako bibigyan ng mga mapagkutyang tingin ng iba. Well, sana lang talaga.

"Kinakabahan ako para mamaya..." I blurted out of nowhere while staring at myself in front of the mirror. Pinagkiskis ko ang aking dalawang palad at humugot ng isang malalim na hininga.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon