Cinco

196K 4.3K 30
                                    

Cinco

Aura

"Nay.." Dali dali kong hinanap si Nanay pag ka uwi ko galing trabaho.

Pumunta ako sa kusina dahil baka nandoon siya pero nabigo ako dahil wala siya dun. Sunod kong pinuntahan ang kwarto nila pero sa pangalawang pagkakataon ay wala din siya dun. Nasaan kaya sila Nanay pati si Abby? Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi naman siya sumasagot. Hindi din kasi mahilig 'yon na tumingin ng cellphone pag nasa labas e.

Lumabas ako para magtanong sa kapit bahay naming si Aling Mercy. Baka alam niya kung nasaan sila Nanay. Hindi kasi yun umaalis ng ganitong oras kaya nakakapagtaka dahil wala sila sa bahay.

"Tao po! Aling Mercy!" Kumatok ako sa may gate nila.

"Sandali lang!" Sigaw ng isang boses babae mula sa loob.

Maya maya lang ay lumabas si Aling Mercy. Ngumiti naman ito pagkakita sa akin.

"Oh Aura anung ginagawa mo dito?" Binuksan niya ang gate nila at lumapit sa akin.

"Tatanong ko lang po kung alam niyo po ba kung nasaan sila Nanay?" Tanong ko sa kanya.

"Ay oo nga pala! Pinapasabi ng Nanay mo na dumaan lang sila saglit sa puntod ng Tatay at kuya mo." Aniya.

"Ah.. Sige po. Salamat." Tumango ito sa akin at pumasok na sa loob.

Bumalik ako sa bahay at naisipan kong dumaan muna sa palengke sandali. Bibili ako ng ipang luluto ko mamaya.

Bumili ako ng tilapia. Mag priprito nalang ako ng isda tutal kaunti na lang ang pera ko ngayon dahil the day after tomorrow pa ang swelduhan. Hindi naman ako pwedeng gumastos masyado. Kailangan kong magtipid muna.

Nakauwi naman ako agad at nagluto na. Malamang pagod yung sila Nanay. Medyo may kalayuan pa naman iyong sementeryo.

Habang naghahain ako ay narinig kong bumukas ang pinto. Malamang sila Nanay na ito.

Tama nga ako. Sila Nanay iyon.

"Aura, anak! Naku, pasensya na at ikaw pa ang gumagawa niyan!" Dali dali niyang hinahablot sa akin ang mga hawak kong plato.

Nilayo ko ang mga ito. "Ano kaba, 'nay! Kaya ko na ito! Para naman akong baldado niyan! Sige na at magbihis na muna kayo ni Abby para tayo'y makakain na." Natatawang sabi ko sa kanya.

Sumimangot naman si Nanay. "Sige na nga. Basta sa susunod ako na ang gagawa niyan. Pagod ka na nga sa trabaho tapos ikaw pa ang gagawa ng mga iyan."

Pagkatapos namin maghapunan ay agad ng nakatulog si Abby. Marahil napagod dahil sa biyahe. Nakita ko naman ang Nanay ko na naka sandal sa may pinto at nakatingin sa maliwanag na langit.

Niyakap ko siya sa likod. Bahagya itong nagulat.

"Akala ko naman kung sino. Tsk ikaw talaga!" Kunwaring naiinis na sabi niya.

Hinalikan ko lang siya sa pisngi. Ngumiti naman ito.

"Alam mo, 'nay, isang araw mas gaganda lalo ang buhay natin. Pasensya na po kung mas pinili ko munang magtrabaho sa pampublikong ospital kahit na RN na ako." Tipid akong ngumiti.

"Ano kaba, anak! Okay lang yun. Mas maraming nangangailangan ng tulong dun. Tsaka masaya naman tayo sa buhay kahit ganito lang. Basta ang importante, sama sama tayo nila Abby." She gave a reassuring smile habang nakatingin sa mga mata ko.

Naiiyak tuloy ako lalo. Ayokong makita ako ni Nanay na umiiyak pero kusa nalang ito tumulo dahilan para maalarma si Nanay.

"Oh, bakit ka umiiyak?" Pinunasan niya ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko.

Niyakap ko siya. "Kasi naman, 'nay eh! Bakit ganyan kayo! Napaka swerte ko talaga at ikaw ang naging Nanay ko!" Iyak tawa kong sagot.

Natawa si Nanay sa sinabi ko. "Sus! Eto talagang anak ko! Nambobola nanaman!" Hinaplos niya ang buhok ko.

"Totoo po kaya! Oo ka nalang!" Nakasimangot kong sabi kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Sige na nga! I love you, Aura. Mahal ko kayo ni Abby. Tatandaan mo lagi yan." Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"I love you rin, 'nay!" Pagkatapos ng dramahan namin ni Nanay na para bang nasa isang teleserye ay napagpasyahan nanamin na matulog.

"Good morning, nurse Norma!" Masiglang bati ko kay nurse Norma pag ka dating ko sa station kinabukasa.

"Ang saya mo ata ngayon?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Wala lang po! Syempre dapat everyday happy!" Nagunat ako ng braso.

"Lokong bata ka. Pagpatuloy mo yan. Sige na't pupuntahan ko muna yung isang pasyente." Tumayo siya at kinuha ang mga aparantong ginagamit naming mga nurse.

Since wala naman akong ginagawa sa station ay naisipan kong puntahan ang kwarto ni Migi. Pasyente ko naman siya kaya may dahilan akong pumunta dun.

Kumatok ako at nagulat ako dahil may biglang sumagot ng 'Pasok!'. Very unusual naman to.

"Um, hello." Lumapit ako sa higaan niya at kumaway.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Wait what? Totoo ba itong nakikita ko? Ngumiti siya ng walang dahilan? Weh, 'di nga?

Nakita niya ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ko kaya natawa siya. "Bakit parang di yata maipinta yang mukha mo?" Aniya.

"Ah, eh, wala lang. Nakakagulat lang dahil ngumiti ka." Napakamot ulo tuloy ako.

"Okay." Maikling sagot niya. May iniabot siya sa lamesang nasa gilid ng kama niya at kinuha ang mga pinahiram kong libro sa kanya noong isang araw. Hindi ko kasi siya napuntahan kahapon dahil sobrang dami kong ginawa, kaya ibang nurse ang nagcheck sa kanya.

Binigay niya ito sa akin. "I read it already. Thank you." Ngumiti ulit ito.

Tinignan ko ang hawak kong mga libro. Pero bakit parang may kulang? Inisa isa ko ang mga ito para tinignan kung tama ba ang hinala ko. At mukhang tama nga dahil wala yung Beauty and the Beast na paborito ko.

"Asan na yung isa? Iyong Beauty and the Beast?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag tanong. Favorite ko kasi yun eh. Iiyak talaga ako pag nawala yun. Mababaw pakinggan pero napaka espesyal kasi nun sa akin.

"Ah, that.. Iwan mo muna iyon dito. I liked it. I want to read it again." Mahinang sambit niya na parang pabulong.

Nangiti lang ako sa mga sinabi niya. Parang biglang kumabog ang dibdib ko hindi dahil sa kaba o ano. Hindi ko maipaliwanag yung feeling. Napaka bago.

"Okay, sige. Mabuti naman at nabasa mo ang mga ito." I happily said.

Tumango lang ito.

Bigla kong naalala ang gusto kong tanungin sa kanya mula noong nagkausap kami.

I cleared my throat para makuha ang atensyon niya. "Migi, wag mo sanang isipin na nanghihimasok ako sa buhay mo. Ayaw mo bang kontakin ang pamilya mo para malaman nila ang kalagayan mo? Wala kasi kaming nakitang id mula sa iyo kaya 'di naman alam kung sino ang tatawagan namin. At saka kailangan mo din kasi bumili ng ibang gamot na kailangan mo na hindi covered ng ospital. Medyo mahal kasi talaga iyong iba. Wag mo sana masamain ah." Concern kong tanong.

Tumawa ito ng mapakla. "Don't worry. I will buy the medicines." Huminto siya saglit bago magsalita at humugot ng isang malalim na hininga. "At kung mahahanap nila ako, mahahanap nila ako." Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong curious.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon