Seis

186K 3.7K 36
                                    

Seis

Tagapagsalaysay

Namumutla ang isang babaeng nakatayo sa harap ng mamahaling lamesa sa loob ng isang opisina. Kanina pa nangangatog ang tuhod nito at pinagpapawisan dahil sa takot sa lalaking nasa kaniyang harapan. Medyo matanda na ito. Nasa mga late fifties ang edad.

Mahigpit nitong hawak ang isang kopitang may lamang mamahaling alak. "Wala pa ring balita hanggang ngayon?!" Nagpipigil na galit nitong tanong.

Yumuko ang babae dahil hindi nito magawang tignan sa mata ang matandang lalaki. "K-Kasi po sir h-hindi daw po nila m-makita yung k-katawan." Pautal utal nitong sagot.

Napamura ito ng malutong sa nalaman. "Anong silbi ng pagpapasweldo ko sa inyo kung hindi niyo mahanap ang aking anak! Mga walang kwenta!" At hindi na niya napigilang ibato ang hawak niyang kopita.

Bigla namang napasigaw ang babae sa gulat at takot. Mabuti na lang at hindi ito tumama sa kanya.

Napalunok siya. "G-Ginagawa naman p-po namin ang l-lahat, S-Sir Enrique." Pagpapaliwanag niya sa galit na matanda na tinawag niyang Sir Enrique.

Matalim pa rin itong nakatingin sa babae. "You better find my son as soon as possible Matilda. Kung kinakailangang dagdagan ang mga humahanap, gawin niyo or else lumayas ka na dito sa kompanya ko. Makakaalis ka na." Utos at deklara nito sa kanya.

Tumango naman agad ang babae. Nagpaalam ito at dali daling lumabas. Pumunta agad ito sa kanyang desk at nagsimulang tawagan ang mga naghahanap sa nawawalang anak ng boss niya. Ayaw pa niya mawalan ng trabaho dahil iyon ang bumubuhay sa kanilang mag anak.

KAKATAPOS lang i-check ng duktor at painunin ng gamot si Migi. Nagpaiwan naman si Aura upang makausap ito.

Kumuha si Aura ng upuan at tumabi sa gilid ng kama ni Migi. "Migi magkwento ka naman tungkol sa pamilya mo." Aniya dito.

Sandaling nag isip ang lalaki. Pero kinalaunan ay pumayag rin ito.

"My mother's dead. She died while giving birth to me, that's why I don't really know her." Huminga siya ng malalim at pinagsaklop ang dalawa niyang kamay.

Napatango siya sa sagot nito. "Eh yung tatay mo?" Patuloy na paguusisa ni Aura.

"Hindi ako close sa kanya. Puro siya trabaho. So we don't talk that much unless it's work related. Iyong lola at yaya ko lang ang kasama ko madalas nung bata ako." Malamig na sabi niya.

Bigla namang napatingin si Aura kay Migi at hinampas ito ng mahina. Nakakunot noong gumati ng tingin si Migi.

"Why the heck did you do that?"

Inirapan niya ito. "Eh kasi naman ang close minded mo! Malamang ginagawa yun ng tatay mo para sa iyo! Baliw ka talaga. Since siya nalang ang magulang mo, natural lang na sobra siyang magtrabaho." Sumibangot si Aura.

Hindi na ito sumagot sa sinabi niya.

Tumahimik bigla ang paligid. Tumikhim si Aura para kuhanin ang atensyon ni Migi.

"O, siya sige na. Balik muna ako sa trabaho. Magpahinga ka na muna dyan. Babalik na lang ulit ako mamaya." Paalam niya dito.

Tumango lang si Migi at humiga ulit. Tuluyan ng lumabas si Aura ng kwarto. Dumirecho na siya sa isa pang pasyente na kailangan niyang i-check.

"Hi, baby Nate." Kaway niya sa batang may leukemia na kasalukuyang nakahiga sa kama nito.

Ngumiti ang bata ng pagkatamis tamis kahit na may nilalabanan itong sakit.

"I-checheck ka lang ni, nurse Aura, ha?" Maingat na hinawakan niya ito sa ulo. Tumango ang bata. Sinimulan na rin niyang i-check ito hanggang matapos siya at nagpaalam na sa batang lalaki.

Break ni Aura ng maisipan niya tawagan ang kaniyang Nanay.

Ilang ring ay sumagot na ito.

"Hello, 'nay!" Masiglang bungad niya.

"Oh, anak! Bakit ka napatawag? May problema ba?" Pagaalala nito.

Natawa siya sa sagot ng Nanay niya. "Ano kaba, 'nay! Porket tumawag may problema lang agad? Kakamustahin ko lang kayo ni Abby." Nangiti siya ng bahagya.

"Ah. Pasensya na. Praning lang ang magandang Nanay mo! Okay naman kami ni Abby. Ikaw?" Pagbibiro ng Nanay niya.

"Okay naman po ako. Dadalhan ko kayo ng pagkain ni Abby mamaya pag uwi ko. Dadaan kasi ako ng mall saglit. Mukhang maaga ako makakapag out mamaya." Aniya.

"O sige, anak. Mag ingat ka nalang mamaya. Sige na at naglalaba pa ang Nanay mo."

"Wag kayong masyadong magpakapagod, okay? I love you. Bye."

Lumipas ang oras. Napuntahan na rin ulit ni Aura si Migi. Kaso tulog ito ng maabutan niya kaya hindi na lang niya ginising. Kailangan kasi talaga magpalakas ng katawan iyon.

Dumerecho agad si Aura sa mall pagka-out niya.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon