Veinticinco

164K 3.1K 85
                                    

Veinticinco

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil nga sa mga nangyari. Ewan ko ba. Hindi naman ako ganito dati.

Siguro ay masyado ko lang inisip 'yung mga nangyari kagabi. Hindi na rin ako nakakaramdam ng konting pagkasakit sa ulo hindi tulad kagabi. Tulog pa si Yenny as usual. Maraming nainom ang babae. Mabuti nalang at hindi siya pinabayaan nila Tracey. Hindi ko lang alam kung anong mangyayari sa kanya kung hindi siya hinatid.

Seven palang ng umaga ngayon. Kasalukuyan akong naghahanda ng almusal ko. Naisipan kong gawin ang bagong recipe na natutunan ko sa isang palabas. Kuha ka ng isang loaf ng tinapay tapos butasin mo ang gitna gamit ang isang baso. Lagay mo sa frying pan then basagin mo 'yung itlog dun sa hole ng loaf bread. Instant sosyal na breakfast, 'diba?

Nag green tea lang ako dahil ayoko na ng kape. Hindi ko lang siya feel na. Masyado na akong ninenerbyos dahil dun. Tsaka mas healthy naman ang green tea.

Katatapos ko lang kumain ng may biglang nag doorbell.

"Ang aga pa ah? Sino kaya 'yun?" Sabi ko sa sarili. Tumayo ako at dahan dahang binuksan ang pinto.

"Goodmorning, my angel!" Isang nakangiting Luke ang bumungad sa akin. May dala pa itong bouquet ng roses.


Kumunot ang noo ko. "Sir Luke? Ano pong ginagawa niyo dito?" Pinipigilan kong mapangiwi. Jusko! Ang pangit ko ngayon! Hindi pa ako nakakapag ayos.

Tumawa ito. "Drop the Sir and po, nurse! Well I just dropped by to give this to you." Tukoy niya sa hawak na bouquet.

Mas lalo akong naguguluhan. "Huh?"

Bigla niyang kinuha ang kamay ko at nilagay ang bouquet dun. Wala akong choice kundi hawakan 'yon dahil baka mahulog kung hindi.

"I told you that I'm going to court you, right? Nawala lang ako saglit ay nalimutan mo na agad. I know that you won't accept this so inunahan na kita."

What?! So ibig sabihin ay totoo ang mga sinabi niya?! Hindi siya nagbibiro?

"You think I'm joking?" Aniya na para bang nabasa niya ang nasa isip ko. Creepy.

"E-Eh kasi, sir este Luke akala ko nagbibiro ka lang." Napakamot ulo ako.

He crossed his arms above his chest. "Well now you know. Starting today, I will court you, Ms. Aurora Isabel Reyes."

Eck! Ano ba 'yan! Kailangan ba talaga buong pangalan?! T-Tsaka anong court court ang pinagsasasabi niya jan! Basketball court gusto niya?! Ayoko machismis at mas lalong ayoko muna magkalovelife noh! Trabaho muna period! Lock! Kuha susi! Tapon sa dagat na maraming pating!

Tumaas ang isang kilay ko. "Excuse me lang, Luke, ah? Hindi pa ako pumayag at hinding hindi ako papayag, okay?" Wala akong pakielam kahit medyo bastos ang pagkasagot ko. Nakakastress naman kasi siya eh!

He smirked. "When did I asked for your permission?"

Hindi ako makapaniwala sa sabi niya. Naudlot ata dila ko kaya hindi ako makasagot pabalik. Oo nga naman! Kelan ba siya nagtanong? Never 'diba! I just stared at him with disbelief.

"Speechless now? Anyway, I need to go now, my angel. See you tomorrow? Or maybe later? Much better I guess. Goodbye! Hope you liked I mean loved the roses!" He just kissed my hand at umalis na.

Naiwan akong nakanganga. Nang makabalik ako sa katinuan ay agad kong sinarado ang pinto at nilock mabuti. Napasandal ako sa pinto. Hindi pwede 'to! Ayoko kong maissue at mas lalong ayoko sa kanya!

Lord, bakit ba ito nangyayari sa buhay ko? Una si Luke tapos si Theo ngayon naman si Luke ulit?!

"Hoy, ateng anong nangyari sayo? Para kang natatae dyan na ewan!" Yenny appeared out of nowhere habang humihikab. Tinignan ko siya. Nakita ko siyang nagtatakang nakatingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata niya ng marealize niyang may hawak akong bouquet ng roses. "Wow! Ang ganda naman niyan! Saan galing 'yan ha?!"

Lumapit siya at kinuha mula sa akin ang mga ito. Saglit niya itong tinignan. Bigla siyang ngumisi at tinignan ako. "Hm.. Parang alam ko na kung bakit ganyan ang itsura mo. At parang alam ko na din kung kanino galing ito. Ikaw, ha! Aga aga lumalandi! Nawala tuloy hang over ko!" Sabay ngisi.

Hay nako. Ayan nanaman si Yenny sa kabaliwan niya! Walang pinipili talaga 'to! Kahit may hangover nagawa paring mangasar! Tsk.

Inirapan ko siya at kinuha pabalik ang mga bulalak at tsaka pinatong sa lamesa. "Ewan ko sayo, Yenny."

"Sus! Kunwari ka pa! If I know kilig na kilig ka dyan, 'no!" Hirit pa niya.

I glared at her. "Hindi ko siya gusto, Yenny pwede ba! Tsk. Tigil tigilan mo nga ako! Ang aga aga nangiinis ka dyan."

Tinaas niya ang dalawang kamay niya. "Oo na! Suko na! Taas na white flag! Chill ka lang! Kalma din pag may time 'diba?" Natatawa niyang sabi.

"Whatever, Yens! Ikaw na bahala dito. Kumain ka na. Maliligo na muna ako dahil pupunta ako sa palengke." Ani ko bago pumasok sa kwarto.

Tagapagsalaysay

"Boss? Hindi pa rin po ba kayo talaga kayo magpapakilala sa kanya?" Tanong ng lalaking nasa driver seat sa isang lalaking naka three piece suit.

Saglit siyang nilingon ng lalaking tinawag niya na Sir kanina. "This is not the right time, Gregory. And besides magkakilala naman na kami." Sabi niya bago binalik ang tingin sa isang babaeng nakatayo sa may waiting shed.

Napakamot ulo si Gregory. Si Gregory kasi ang trusted na assistant slash bodyguard ng kanyang amo kaya alam niya halos ang mga nangyari dito.

"Eh, boss, hindi naman po niya alam ang tunay niyong pagkatao."

He stared blankly at him. "I need to fix my problems first before I do that. It's for her safety. I don't want her to be involved."

"Okay, boss. I understand." Hindi na siya nagtanong pa at baka magalit lang ang boss niya. Alam niya kasi ang mga pinagdaanan nito dati. Tinignan na rin niya ang nakatayong napakagandang babae na mukhang nagiintay ng masasakyan.

"Let's go." Rinig niyang utos ng amo pagkasakay ng babae sa isang pampasaherong dyip.

Tumango lang siya at sinundan ang dyip na sinasakyan ng babae.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon