Cuarenta Y Dos

142K 2.8K 60
                                    

Cuarenta Y Dos

Aura

Pabalik na ako ng Maynila mamaya pagkatapos namin kumain ng tanghalian. Halos magdadalawang linggo na rin akong hindi pumapasok. Mabuti na lang at naintindihan ng ospital ang sitwasyon ko ngayon.

"Tsk! Malamang! Nagpapalakas kasi sa'yo iyong may ari." Sabi ng isip ko.

Hay nako! Bahala siya. Okay na rin pala si Nanay. Nakakakilos na siya ulit tulad ng dati pero syempre mas limitado ang mga galaw niya ngayon.

Nagdadalawang isip pa nga ako kung sa susunod na linggo pa ako papasok pero pinagalitan na ako ni Nanay. Sabi niya ay nakakahiya na sa ospital ang matagal kong pag leave. Kaya eto ako ngayon, paalis na mamaya. Sinabi ko na rin kay Yenny na uuwi na ako. Tuwang tuwa nanaman ang babae. May kasama na daw ulit siya sa bahay. Kung alam ko lang, may dinadala yun na jowa dun.

Dun nga pala sa nagpaputok ng baril na naging dahilan kung bakit na ospital si Nanay ay nabalitaan na lang namin na nakakulong na. Ilang years din ito makukulong dahil illegal ang baril na dala nito.

Nagtataka nga ako kung paano nalaman agad kung sino ang nagpaputok at kung sino ang nagpakulong dahil hindi naman namin ito naasikaso agad lagay ng nangyari kay Nanay. Pero nagpapasalamat na rin ako ng sobra sobra sa taong gumawa nun. Pagpalain sana siya ni Lord.

Theo... Biglang sumagi ang pangngalan na iyon sa isip ko. Medyo matagal tagal ko ng hindi nakikita ang lalaking iyon.

Oo nagpaparamdam siya sa text. Pero iyong mga tipong, 'Good morning' o kaya 'Did you eat already?' Mga simpleng ganon. Hindi kami text mates. Isang tanong, isang sagot lang ang drama namin. Tuwing naalala ko ang nangyari sa aming dalawa sa sasakyan niya ay hindi ko maiwasang wag kiligin. Mabuti na nga lang at hindi kami masyado nagkakailangan mag mula nun. Normal pa rin kumabaga. At mabuti din na hindi niya na inoopen ang topic na 'yon kundi nako!

Ang landi landi mo talaga, Aurora Isabel! Hindi pa nga kayo pero nakipag kissing scene na. Ikinababahala ko pa rin hanggang ngayon kung ano ang nasa isip niya. Baka akalain niya na easy to get talaga ako dahil bumigay ako sa mga halik niya pero so far mukha namang hindi. Para ngang walang nagbago eh. Sana ganun na lang palagi.

Pagkatapos namin kumain at makapagpahinga saglit ay nagpaalam na ako kila Nanay at Abby. Maiyak iyak pa ako dahil iiwanan ko nanaman sila. Pero inisip ko na lang na babalik naman ako agad sa bakasyon namin. Tahimik lang akong nakatingin sa labas hanggang sa makaramdam ako ng antok.

Tagapagsalaysay

"Everything is falling to place, Mr. Inoue. Kayo na ang magiging major stockholder ng SMH. Pumayag na siya na ibenta niya din ang 25 percent na shares niya pa bukod sa nabili na natin. But there are two other good news." Excited na pahayag ng isang lalaki sa kausap niya sa telepono.

Napataas ng kilay si Theo sa narinig. "What is it?"

"Ang mga natitirang units na pagmamay ari ni Lucas Saavedra sa condominium building ng kanyang namayapang lolo ay makukuha na din natin." Paliwanag nito sa kanya.

Napangisi si Theo sa nalaman. "What made him sell those? Akala ko pa naman na baka mahirapan tayong kunin iyon."

"Nalaman namin na unti unti na itong hinahabol ng mga taga underground society ayon sa source natin. Alam ho natin na may utang siya sa mga 'yon at hindi ho biro ang laki ng mga ito. Pilit lang niyang tinatago dahil isa itong malaking kahihiyan sa pangalan niya." Sabi ng lalaki.

"I see. You know what to do. Buy it without any questions asked. It will be a big insult to him if he knew that I was the one who bought them." Malamig na utos ni Theo.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon