Cincuenta Y Uno

133K 2.3K 36
                                    

Cincuenta Y Uno

Aura

Matulin na lumipas ang mga araw. Mas naging maayos kami ni Theo. We're both happy spending time with each other. Halos araw araw na nga kaming nagkikita e. Kahit gabi na ay nagpupumilit pa din ito na makita ako.

Sobrang clingy niya lang kamo. Kinausap ko si Yenny about the bar incident. I told her to give Theo the benefit of the doubt muna. Okay naman silang dalawa pero napansin kong mas binabantayan ni Yenny si Theo. Akala mo may scanner palagi ang mga mata. Buti na lang hindi napapansin ni Theo.

I just found myself falling for him each day. He makes me feel so special and loved in his own way. Never kong inakala na may ganitong kakayahan pala si Theo pero sa nakikita ko, he may be tough and very manly on the outside but he's really sweet and sensitive in the inside. Pero sa akin niya lang pinapakita 'yon of course.

Napansin kong naging haggard ang istura ni sir Luke nitong mga nakaraan. He looks stressed and all for some reason. Hindi iyong usual na Luke na madalas kong nakikita pag nasa ospital ako. Kahit si Yenny ay napansin din iyon.

Pabalik na ako sa nurse station pagkatapos kong puntahan yung pasyenteng naka cast ang dalawang paa gawa ng isang vehicular accident ng harangin ako ni Luke out of nowhere.

Nanlaki ang mga mata ko at napalunok ng marahas. Shocks! Iniiwasan ko nga tong tao na 'to e! Pero impossible talaga kasi boss ko siya. Muntik ko pa nga malaglag ang hawak kong clipboard sa gulat.

Napatingin ako sa paligid. Kasalukuyang walang tao sa hallway na dinaanan ko. Sa lahat ng oras, ngayon pa talaga nawalan ng tao dito?

"You've been avoiding me. Why?" He coldly said while looking at me intently. Nakaramdam ako ng konting takot. Mukha kasing papatay ang itsura ni Luke ngayon e!

I shook my head. "U-Uhm.. Hindi a. B-Busy lang po ako."

He let out a mocking smile. "Oh really? Busy huh. If you say so." Naglakad ito palapit sa akin. Na estatwa ako sa kinatatayuan kaya hindi ako nakaatras.

I flinched when his hand caressed my cheek. Kinilabutan ako in a bad way! Lumakas ang kalabog ng dibdib ko.

"You're mine. Remember that, Aura. Mine." Matigas at mariin nitong deklara. His breath even fanned my face. Ganon niya nilapit ang kanyang mukha.

Luke licked his lower lip in a sensual way. Shet! Ang manyak, my gulay!

Gusto ko siyang itulak but he gave me this stare that made me want to hide inside the closet. Ang creepy niya talaga. Okay okay pa nung una para sa akin si sir Luke but as time goes by, he's starting to get creepy and weird.

Nung mahimasmasan ako, I gathered all of my strength and pushed his huge frame real hard. Tumakbo naman ako agad ng nailayo ko na ang kawatan nito mula sa akin.

Bahala na kung masisante ako kesa naman ganito! He makes me feel really uncomfortable. There's something in Luke that I can't decipher. Kahit ako naguguluhan kung bakit siya nagkakaganito ngayon.

Pag palagay ng ayoko na sa ugali niya nung una palang pero mas ayoko sa naging ugali niya ngayon. Talagang kakaiba kasi. Kinukwento ko kay Yenny ang mga napapansin ko. Binilinan niya akong umiwas na lang talaga hangga't maaari.

Tagapagsalaysay

"Good job, Scarlett."

Theo's lips curved into a half smile. Victory is evident on his chiseled face. He gently patted Scarlett's head like he's praising her for doing a job well done.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon