Kapitulo - I

304 22 106
                                    

[LAS ISLAS FILIPINAS, 1891]

(Pebrero 1, 1891)

MASAYA ang lahat sa pagdiriwang ng ikalabing-walong kaarawan ni Via Dolorosa. Lahat ng kakilala ay nakidiwang sa handaan.

"Ang ganda ng aking pamangkin!" Saad ni Señora Ariana.

"Salamat po, Nanang Aring! Hindi po ako mag mu-mukhang tao kung wala ang tulong ninyo." Biro pa ni Dolorosa.

Tumawa naman si Señora Ariana sa magpabirong pamangkin. "Naku! Kahit medyo masakit na itong tuhod ko ay tuloy pa rin ako sa pag suporta sa inyong magkakapatid."

"Ano na ang kaganapan dito?" Tanong ni Señora Amanda na ngayon ay nakikitaan na ng katandaan. Maputi na ang buhok at kulubot na ang balat pero hindi pa rin mapagkakailang nanatili ang kagandahan niya.

"Malapit na, ate." Tugon ni Señora Ariana.

"Ang ganda mo, Dolor! Tiyak na pagtitinginan ka ng mga Ginoo sa labas." Manghang sabi ni Señora Amanda.

"Nanang Amanda, wala ho akong interes sa kanila" Depensa pa ni Dolorosa sa tiyahin.

"Sus!" Tukso pa ni Señora Amanda sa pamangkin.

Pagkatapos ayusan ni Señora Ariana si Dolorosa ay pinasuot nila ito ng magarbong baro at saya na kulay pula at may nakadisenyong bulaklak sa buhok niya.

"Ang ganda ng aking anak!" Ani Doña Araceli. Napayakap agad siya rito at hinalikan sa pisngi. "Dapat maging tunay na dalaga na ang iyong kilos ha? Hindi na iyong magaslaw."

"Ina naman, talagang dalaga na ho ako." Sagot ni Dolorosa.

"O sige, halika na. Lumabas na tayo para makita nila ang iyong kagandahan"

Kinakabahan man si Dolorosa ay napangiti na lamang siya sa kaniyang ina.

Sa kalagitnaan ng nakakaindayog na tugtog na nagmumula sa mga bandurria, ay naroroon si Don Xavier na masaya at abala sa pag k-kwentuhan sa mga bisita.

"Tiyak na pinakamagandang dalaga si Dolorosa dito sa baryo," Pakli ni Timoteo na siyang anak ni Don Mateo at Doña Catalina.

"Siyang tunay," Sagot pa ng binatang si Valentino na anak ni Señora Ariana at Señor Crisologo.

Napangiti na lamang si Xavier sa sinabi nila. Maya-maya ay bigla na lamang siyang inagbayan ni Don Mateo na kagagaling lamang sa bayan upang bilhan ng regalo si Dolorosa. Kasama niya rin ang kaniyang naging asawa na si Doña Catalina.

"May tagay ba rito?" Pabirong sambit ni Don Mateo.

Napangisi na lamang si Don Xavier. "Syempre naman,"

Nagtawanan silang dalawa at natigil lamang ito nang biglang magsalita si Oliver sa harapan--- ang panganay na anak ni Don Xavier at Doña Araceli.

"Magandang hapon sa lahat! Narito po tayo dahil sa ika-labing walong kaarawan ng aming pinakamamahal na bunso. Kami'y nag pa-pasalamat dahil kayo ay dumalo at gustong matunghayan ang kaganapan sa araw na ito," Tumango muna si Oliver sa ama, senyales na gusto niya itong pumunta sa kaniya sa harapan. "Ama, samahan mo ako rito sa harapan para sabay-sabay nating salubungin si Dolorosa."

Sumunod naman si Don Xavier.

Sa labas ng mansyon ng Sarmiento gaganapin ang piging dahil mas malawak ito at maraming tao ang makakadalo.

Tinanguan din ni Oliver ang dalawang kapatid na tabihan siya.

"Makikita na naman sa madla ang taglay kong kagwapuhan," Bulong ni Marco. Narinig naman iyon ni Oliver at Adrian.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now