Kapitulo - XLII

38 4 82
                                    

Sa ilalim ng punong kalatsutsi ay naroroon si Liyong at panatag ang kalooban na nakasandal. Magaan sa pakiramdam ang sinag ng araw na nakakubli sa nagkukumpulang dahon sa itaas. Maraming paruparo ang nag sisiliparan kasabay sa ihip ng sariwang hangin. Pinagmasdan niya ang luntiang daanan, may mga talulot ng mga lantang kalatsutsi at nagdadala iyon ng halimuyak sa paligid.

Kanina pa siya nakaupo at parang may hinihintay na hindi niya mawari kung ano at sino. May mga imaheng kumukubli sa kaniyang isipan--- ang ngiti ng isang dalaga at ang mga mata nitong nagtataglay ng karisma.

Napahilot siya ng kaniyang sintido at napatingala sa kalangitang kulay asul.

Muling may sumagi sa kaniyang isipan, isang eksena na kung saan may malapit siyang mabangga. May eksenang pumasok na naman na kung saan nakikita niya sa isang puting panyo ang nakaburdang pangalan.

'Via Dolorosa'

Napapikit siya.

"Kailangan mo siyang puntahan Kailangan mong bumalik,"

Naimulat niya muli ang mga mata, hindi siya makapaniwalang kaharap na niya ngayon ang kaniyang ina. Napatayo siya at agad na sinalubong ito ng mahigpit na yakap.

"Liyong, anak, makinig ka..." Mahinhin na saad ng kaniyang ina. "Kailangan mong imulat ang iyong mga mata at harapin ang kasalukuyan, hindi pwedeng maiwan ka sa ganitong kasarinlan."

Sinamsam ng binata ang pagyakap, tumulo ang kaniyang luha. Nangulila siya nang matagal sa kaniyang ina, "Ina, gusto kong sumama na sa iyo."

Humiwalay ito sa pagkakayakap sa anak at tiningnan nang maigi ang mga matang alam niyang puno ng pait at pagod, "Anak, hindi. May naghihintay sa'yo."

Ilang segundo rin ang pananahimik, puno man ng pagtataka ang mukha ni Liyong ay napapunas na lamang siya ng mga luhang nag-uunahang umagos sa kaniyang pisngi.  "Mahal na mahal kita, ina. Ayaw kong mawalay na sa iyo."

"Hindi muna puwede, may oras na magkakasama tayong muli."

"Bakit? P-patay na ba ako?" Wala sa sariling katanungan ng binata.

"Hindi,"

Napalingon siya sa gawing likuran, nakita niya ang lalaking may katandaan na. Payat ito at may kulay abong buhok at bigote.

"Hindi pwede..." Pagkatapos ay mas lumapit pa, "anak"

Doon napagtanto ni Liyong na ang kaniyang kaharap ay ang ama.

"Patawad, anak." Ang tanging nasambit ni Alfonso.

Sa ganoong eksena ay unti-unting naghahalo ang binata sa hangin, pero kahit ganoon ay nararamdaman niya pa rin ang pagdampi ng mga malalambot na palad ng ina sa kaniyang pisngi. Hinawakan niya ang pulsuhan nito na tila ayaw niyang bitawan, "Ina, ama..."

Via DolorosaWhere stories live. Discover now