Kapitulo - XIX

55 6 62
                                    

HABANG nasa hapag-kainan ang pamilya Sarmiento ay napag-usapan nila patungkol sa babaeng nilabanan ni Marco kagabi. Nakagalitan ni Don Xavier ang binata sapagkat ang dalagang kaniyang inalipusta ay katuwang ng Kongregasyon. Matindi ang sugat ng dalaga at ginamot naman ito ng Don.

Kaninang madaling araw din ay dumating si Agustin at ang asawa nito. Sa kasalukuyan ay naroroon sila sa dating mansyon kasama na si Kahimanawari at Kalayaan. Doon ay nag-ayos sila ng kanilang mga gamit.

Tahimik lamang si Dolorosa na kumakain habang napapansin na ang kuyang si Marco ay may pasa sa labi, si Adrian naman ay napapansin niya na madalang na itong lumalabas ng kwarto. Kung kaya ay naisip niyang kausapin ito mamaya.

"Narito na si Binibining Edelmira, maupo ka---" Masayang bungad sana ng Doña ngunit sumingit si Dolorosa.

"Edelmira!" Mas masayang tawag ni Dolorosa at napatayo pa siya mula sa pagkakaupo.

"M-magkakilala kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Marco sa kapatid. Nanghihilaw siya sa pangyayari at napapansin niya ang kaniyang ama na mainit pa rin ang tingin sa kaniya.

Magsasalita na sana si Dolorosa ngunit naunahan siya ng kaniyang panganay na kapatid na si Oliver kung kaya ay napaupo na lamang siya. Bigla itong nagsalita ng wikang Pranses na hindi niya mawari ang kahulugan. Nakaramdam siya ng pagkasukot sa ginawa ng kaniyang kuya Oliver. Napangiti siya nang pilit kay Edelmira na ngayon ay nakangiti lang din na nakikinig.

Samantala, si Oliver ay nagulat na lamang dahil marunong din ang dalaga na magsalita ng wikang Pranses.

Napangisi si Marco habang hawak ang baso na may lamang vino, nagkakaroon siya nang hanga kay Edelmira at pinagmasdan niya lamang ito nang mabuti.

SA kabilang dako, sa teritoryo ng mga engkanto, naroroon si Andrus na sinasaktan ang sarili gamit ang paglaslas ng matalim at matulis na bagay sa kaniyang pulso. Ang lumalabas na dugo ay kaniyang isinasalin sa isang bote. Nais niyang ipainom ito sa ibang kasapi nila upang magkaroon ng kakayahan na magpalit ng anyo at maging kahindik-hindik na nilalang.

"Idadaan ko na lang sa dahas, Dolor upang ika'y maangkin" Saad ni Andrus at sinaksak ang sariling pulso. Bumulwak pa ang itim na dugo na tumalsik sa kaniyang maputing mukha at maputing buhok.

Napahalakhak nang mahina si Joaquin habang nakatingin sa gawi ni Andrus, kaniya itong nilapitan at pinigilan ang kamay ng binata. Ang tunay na anyo ni Joaquin ay parang isang tuod na korteng tao, sadyang kailangan niya pa ng maraming lakas dahil sa pagkakatalo niya mula kay Dolorosa. "Parte ng aking plano na ligawan mo ang unica hija ni Don Sarmiento, ngayon ay bigo ka. Pero, ayos lamang iyon," Sabay ngisi niya kay Andrus.

Nabitawan ni Andrus ang matalim na bagay at napatingin kay Joaquin,"Tunay ko nang minahal si Dolorosa!" Buwelta pa niya dito.

"Ngunit ang pagmamahal na iyan ang nag udyok kung bakit umaalab ang galit sa iyong puso," Ani Joaquin at ngumiti pa nang malapad.

Tumayo si Andrus at hinarap si Joaquin, tiningnan niya ito nang seryoso sa mga mata at umiigting ang kaniyang mga panga sa paglungotngot ng ngipin niya dahil sa inis, "Ito ang gusto mo, hindi ba? Masaya ka na ba dahil galit na ang umiiral sa aking puso? Palibhasa kasi hindi mo kayang harapin si Dolorosa kung kaya ay gumagamit ka ng iba upang makapaghiganti!"

Natigilan si Joaquin sa sinabi ni Andrus--- ang prinsipe ng mga dalakitnon. Matagal na itong sekreto dahil ayaw niyang magpunyagi ang lahi ng mga dalakitnon. Iniba niya ang sistema ng kanilang teritoryo at maging sunod-sunuran ang mga ito.

"Hindi ko ito gagawin para sa kapakanan mo! Gagawin ko ito para maasam ko si Dolorosa at makasama habang buhay!" Ani Andrus at tinalikuran si Joaquin, "Wala ka nang aasahan pa sa akin, dahil ako ang magpaparami sa aming lahi!" Dagdag pa niya.

Via DolorosaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora