Kapitulo - VI

113 12 48
                                    

BUONG araw na wala sa kalooban ni Adrian ang makihalubilo sa kapwa niya mag-aaral. Tahimik lamang siyang naglalakad sa pasilyo palabas ng paaralan. Nakita niya ang kapatid na si Marco ngunit nilagpasan niya rin ito.

"Ginoong Adrian!"

Napalingon si Adrian sa pamilyar na boses. "Binibining Aina?"

Nahihiya man si Aina ay nilapitan niya ang binata at binigyan niya ito ng masarap na puto. "Pagkain pasasalamat nga pala, Ginoo. Niligtas mo ako sa maalipustang madre na 'yon."

Tinanggap naman ni Adrian ang puto na nakabalot ng dahon ng saging at napangiti. "Paanong nailigtas?"

"Kasi...wala na raw bakas ng pagkabasag at ang linis linis na."

"Ganoon ba, salamat nga pala sa handog mong puto, Binibini. Paborito ko ang mga ito."

Halos abot tenga ang ngiti ng dalaga dahil sa kabaitang taglay ni Adrian.

"Niluto ko 'yan kanina sa bahay. Nagbabasakali rin akong dadaan ka rito sa pasilyo kanina, kaso..."

"Hindi lamang ako lumabas ng silid-aralan, Binibini."

"B-bakit? Wala ka bang kaibigan?"

Napabuntong-hininga si Adrian. "Mayroon naman, ikaw."

"Kaibigan tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aina.

"Syempre." Napalingon si Adrian nang makita ang kaniyang kapatid at mga kaibigan nito na panay tawa sa kanilang pinag-uusapan. "Aalis na ako. Mag-ingat ka parati."

Hindi na nakapagpaalam si Aina kay Adrian na ngayon ay nagmamadaling makalabas. Napansin niya na lamang na may humintong lalaki sa kaniyang harapan.

"Huwag kang palinlang sa kapatid ko, magaling lang iyan sa mabulaklaking salita." Ani Marco at nilagpasan si Aina.

Napataas ng kilay si Aina at napaismid na lamang.

Habang patakbo na lumabas si Adrian ay panay naman ang kaniyang paglingon at baka maabutan siya ng kaniyang kuya. Hindi naman siya takot, ayaw niya lang na mas masira pa ang kaniyang araw.

Sa kaniyang pagtakbo ay hindi na namalayan ni Adrian na may nabangga siyang mesa na naglalaman ng mga libro at mga gamit para sa mga batang mag-aaral. Nagkalat sa lupa ang mga iyon.

"Pasensya na ho." Ani Adrian at wala sa sariling nagpulot ng mga kumalat na libro.

"Kumalma ka lamang."

Natigilan si Adrian sa kaniyang ginawa at napatingin sa lalaking may edad na dahil na rin sa nakikitang puting mga buhok sa ulo nito at sa bigote.

"Ikaw ba ay hinahabol?"

"W-wala po." Ani Adrian at narinig niya ang pagtawa ng batang paslit sa kaniyang likuran.

"Giovanni..."

Nahinto ang pagtawa ng bata nang sinuway siya ng kaniyang lolo.

"Pasensya na ho, Ginoo."

"Tawagin mo na lamang akong Tatay Himala."

"Pasensya na po, sadyang iniiwasan ko lamang ang aking kapatid sapagkat noong nakaraang araw ay nasuntok ko sa mukha ang kaniyang kaibigan." Saad ni Adrian at pinatuloy ang pagpulot sa mga kumalat na gamit. Nakita niya naman na napangisi ang matanda. "Isa ka po palang magtuturo, tay? Ang galing!"

"Isa akong magtuturo sa mga batang paslit, tinuturuan ko sila ng abecedario, magbasa o mag sulat. Walang bayad. Kahit papaano'y nakatulong ako para ituro sa mga bata kung ano ang kahalagahan ng karunungan."

Via DolorosaWhere stories live. Discover now