Kapitulo - XII

74 7 60
                                    

"IKAW ho ba si ginoong Andrus?" Tanong ni Luna at agad na hinawakan ang kamay ni Andrus.

"O-oo, b-bakit?" Nauutal na tugon ni Andrus, sa pakiwari niya'y may kakaiba sa bata dahil sa amoy nito. Magkasing halimuyak sa rosas kung tutuusin.

"Hinahanap ka na ni kuya Marco,"

Napangiti si Andrus, "Ano ang iyong ngalan, munting binibini?"

"Ako po si Luna, ngayon lang po ba kayo nagawi rito?" Tanong nito kay Andrus.

Bago tumugon si Andrus ay napatingin pa siya sa kamay ng bata na nakahawak sa kaniyang hintuturo at hinihila siya patungo sa piging. "Oo, ngayon lang ako nagawi sa lugar niyo,"

"Saan ka ba nanggaling? Halika na at sisimulan na natin ang tagay!"

Natauhan na lamang si Andrus sa boses ni Marco, tila na hipnotismo siya sa halimuyak na dala ng bata. Bumitaw na si Luna sa kaniya at patakbong bumalik sa loob ng mansyon. Napaupo na lamang siya at napangiti ng matipid. "Pasensya na amigo, sapagkat malapit ako naligaw. Mabuti na lamang at nariyan ang iyong pamangkin na si Luna,"

Ngumisi Marco at napailing-iling pa sa sinabi ni Andrus, "Tunay ngang matalas ang paningin ng aking pamangkin, kasing talas ng ibong agila na handang lapain ang kaniyang bihag sa lupa."

"Mabuti pa'y simulan na natin ang pag inom ng serbesa," Hirit pa ni Enrico.

Agad na binuksan ni Marco ang vino na galing pa sa Espanya. "Salud, mga amigo!" Saad niya pa at itinaas ang bote. Pagkatapos ay sinalinan na niya ang bawat baso ng kaniyang mga kaibigan.

"Mi amigo, kung hindi ako nagkakamali ay ang binibining iyon..." Sabay turo ni Alexander sa binibining nakaupo malapit sa gawi ng hagdan sa loob. "Ay ang binibining pinagpustahan natin na mahuhulog sa'yo?"

Napakunot-noo si Marco at nabigla nang makita si binibining Corazon. "Bakit kaya siya naririto?" Pabulong na tanong niya kay Alexander.

"Aba'y lapitan mo, wala naman sigurong mawawala" Ani Alexander sabay inom ng vino sa babasagin nitong baso.

Napatingin pa si Marco sa mga kaibigan na ngayon ay masayang nag ku-kuwentuhan. Tumayo siya at nagpaalam muna saglit.

Si Corazon naman ay nagmamasid lamang sa paligid, kanina pa niya gustong kausapin si Marco. Ngunit hindi niya magawa iyon sapagkat kasama niya ang kaniyang ina na kumare ni Doña Araceli.

Nang makapasok si Marcos sa mansyon ay agad niyang nilapitan si binibining Corazon. "Binibini, nais ko lamang na makausap ka."

Medyo napaigtad naman ang dalaga sa boses ni Marco, "Saan mo nais na mag-usap?" Pabulong na tanong niya.

"Sa likod ng bahay, mauuna lamang ako. Tapos ay sumunod ka na."

Napatango si Corazon at napatabon ng payapay. Ilang segundo pa ang nakalipas ay sinundan na niya ang binata.

Pabalik-balik ang paglalakad ni Marco na tila hindi siya mapakali sa isang pwesto.

"Bakit nais mo akong makausap? Akala ko ba ay pinutol mo na ang ugnayan natin?" Tanong ni Corazon, bakas sa kaniyang boses ang lungkot at pagsisisi na makilala ang binata.

Napasinghap ng hangin si Marco at humarap sa dalaga. "Paumanhin-"

"Paumanhin? Iyan lang ba ang iyong masasabi pagkatapos mong yurakan at kunin ang aking pagkababae?" Saad ni Corazon na ngayon ay nangingilid na ang luha, "Hindi mo alam kung ano ang epekto nito sa aking katauhan, Marco! Ako'y umasa... at higit sa lahat ay nagkaroon ako ng pag-ibig sa'yo!"

Hindi makasagot si Marco habang pinagmamasdan lamang niya na umiyak si Corazon, "Patawad... ako'y nadala lamang sa bugso ng damdamin, para sa akin ay walang kahulugan ang nangyari sa atin. Nagsisisi ako, binibini, sapagkat hindi ko dapat nagawa sa'yo,"

Via DolorosaWhere stories live. Discover now