Kapitulo - XXVI

56 6 66
                                    

"DOLOROSA," Seryosong tawag ni Andrus sa dalaga na ngayon ay nakakakitaan na niya na naiinis na ito.

"Mabuti pa ay umuwi ka na rin," Inis na turan ni Dolorosa sa binata. Napasulyap pa siya kay Liyong na sumisindi na ng kandila mag-isa.

"Nais ko lamang na kausapin ka muna,"

"Ano?! Ibig sabihin hindi totoong pinapauwi na ako ng aking kapatid?!" Ani Dolorosa na tila gusto ng manapak ng tao pero kailangan niyang kontrolin ang sarili upang hindi makagawa ng gulo sa burol ng tiya.

Napahinga nang malalim si Andrus, "Alam ko naman na bigo na ako sa'yo, pero sana naman..."

"Bakit hindi ka tumitigil? Tumigil ka na, Andrus! Por favor, may nagugu---"

"Mukhang may nag-aaway dito ah?" Singit ni Adrian sa dalawa.

"Pasensya na, amigo. Hindi kami nag-aaway." Kalmadong saad ni Andrus.

"Kayo na nga mag-usap! Inaantok na ako. Pasensya na" Inis pa rin na turan ni Dolorosa sabay talikod at pumasok na sa mansyon.

"Mali ang naging hakbang mo sa kapatid ko, amigo" Saad pa ni Adrian sabay iling.

"Ano ba ang aking gagawin?" Tanong ni Andrus.

"Ang paboritong bulaklak ni Dolorosa ay puting rosas, pwede mo siyang dalhan" Anas ni Adrian, "Mababaw lang ang kaligayahan ng aking kapatid,"

Nang dahil sa sinabi ni Adrian ay nagkaroon ng ideya si Andrus at palihim itong napangiti.

PAGPASOK ni Dolorosa sa isang silid na kung saan natutulog na si Kahimanawari ay nasumpungan din niya si Luna na natutulog na rin. Kaniya itong nilapitan at hinalikan sa noo.

Pagkatapos ay sinilip niya ang uwang ng bintana. Nakikita niya si Liyong na nagsisindi pa rin ng mga kandila kung kaya ay naisipan niya na naman na bumakod sa bintana. Nang makabakod ay agad niyang sinitsitan ang binata, "Liyong!" Mahinang tawag niya pero sapat na iyon para mapalingon si Liyong.

"B-binibini? Hindi ba't matutulog ka na?" Pabulong na saad ni Liyong nang makalapit sa dalaga.

"Hindi naman ako makatulog," Ani Dolorosa. Napaupo na lamang siya sa isang putol na sanga habang pinagmasdan ang napakaraming bituin sa kalangitan.

Napatabi na lang din si Liyong sa dalaga at hinubad ang sombrero, "Sino ba ang lalaking bigla na lamang lumitaw kanina?"

Napatingin si Dolorosa sa binata, "Kaibigan iyon ng aking kuya Marco. Nanligaw iyon pero hindi ko binigyan ng pagkakataon,"

Napakunot-noo si Liyong, "Bakit naman?"

Nagkibit-balikat si Dolorosa, "Wala lang, siguro nga'y iba ang aking hanap"

"Pero bakit parang pinipilit niya ang sarili niya sa'yo? Gayong hindi mo naman siya gusto?"

Natigilan ang dalaga sa mga tanong ni Liyong, "Hindi ko alam, Liyong. Hindi naman ako diyos para mabasa ang nasa isipan niya"

Sandali silang natahimik at tanging mga kuliglig lamang ang naririnig nila sa paligid.

"Paano kung gagawa pa siya ng paraan?" Basag pa na katanungan ni Liyong. Nababalutan siya ng paninibugho, "Gwapo ang lalaking iyon, Dolor"

"Ikaw ba ay naninibugho?"

Napatuwid ng upo si Liyong na tila nagmamaang-maangan sa naging turan ng dalaga, "H-hindi, hindi ako naninibugho. Kung saan ka masaya, doon na rin ako"

Napataas ng isang kilay si Dolorosa, "Sigurado ka ba? Baka naman hindi mo matangga--"

"Liligawan kita," Agad na sabi ni Liyong, "Hindi sapat ang paglahad ng aking nararamdaman sa'yo, nais kong makaharap ang iyong ama"

Via DolorosaWhere stories live. Discover now