Kapitulo - XLI

36 3 63
                                    

----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

----

KITANG-KITA ni Alfonso ng harapan ang isang dambuhalang taong-lobo. Namumula ang balintataw nito at umaangil na parang isang uhaw na uhaw na leon. Pero, nanatili siyang kalmado kahit na ang paligid ay nagkakagulo na.

Unti-unting nagpalit ng anyo si Don Xavier pero hindi siya lubusang nag-anyong tao. Lumapit siya patungo sa Gobernadorcillo at napangisi, "Tama nga ang aking duda na ikaw ay isang kaaway."

"Iyan ba ay isa sa mga ugali ng pagiging aso?" Nakakalokong katanungan pa ni Alfonso.

Napataas ng kilay si Don Xavier sabay ngisi at umiling pa. "Marahil ay hindi kami lugi."

Napatiim-bagang ang gobernadorcillo at agad na lumundag pataas. Kasing bilis ng kidlat na kaniyang dinambahan si Don Xavier. "Ako rin! Hindi ko hahayaang mabuhay ka sa aking mga kamay!" Bulyaw niya pa.

Ramdam ni Don Xavier ang matigas na sahig at ramdam niya ang pagkabasag nito sa kaniyang likuran. Buong pwersa niyang tinulak si Alfonso, tumilapon ito at tumama sa isang poste malapit sa trono.

Samantala, si Celia naman ay dinampot ang ulo ng ama at agad na kumaripas ng takbo patungo sa labas ng mansyon. Tumambad sa kaniya ang mainit na temperatura dulot ng pagliyab. Wala siya sa sariling tumungo sa apoy at nagpasunog na lamang.

SA kabilang dako, panay na ang pag-alalay ni Liyong sa mga katulong na nais lumabas sa mala-impyernong lugar. "Sa may lawa, may mga bangka na naroroon!" Hindi magkandaugaga niyang saad pero hinahanap pa rin ng kaniyang mga paningin si Aurora.

Nais na sana niyang bumalik sa loob pero may mga bampirang humaharang sa kaniya. Agad niya naman itong tinapunan ng bolang apoy, "Mga lintik!" Mura pa niya dahil sa magaling umilag ang mga bampira at sukdulan na ang paggamit ng kaniyang apoy, marami na siyang natatamaang mga puno at damo na nagiging sanhi pa sa paglaki ng sunog.

Napaigik siya nang may brasong sumakal sa kaniyang leeg mula sa likuran. Sobrang lakas at nakakawala ng hangin. Napapaubo na siya nang paulit-ulit pero hindi siya nag patinag. Muling nagbaga ang mga palad at agad na hinawakan ang braso ng kalaban, umuusok na iyon.

Napabitaw ang bampira at bakas sa mukha nito ang kirot at hapdi dulot ng pagkapaso.

Napaubo at napahinga nang malalim si Liyong dahil sa tagpong iyon, "Tangina niyo! Muntikan pa akong mamatay!" Reklamo pa niya at pinatuloy na lamang ang paghagis ng bolang apoy sa mga kalaban. "Wala akong magagawa, kalaban kayo."

Sa bandang lawa naman ay abala sila sa pagpapasakay ng mga katulong sa bangka.

Kitang-kita ni Dolorosa ang matinding kaguluhan. Hindi siya mapakali at nais niyang hanapin ang ama dahil sa malakas ang kaniyang kutob na nasa mansyon ito. Napahawak siya nang mahigpit sa nakasukbit na espada. Napapikit at napabuga ng hangin.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now