Kapitulo - XXII

49 7 66
                                    

NAPATIIM-BAGANG si Andrus sa inis dahil sa nakita sa mahiwagang tubig na kung saan nakikita niya ang sitwasyon ng Sarangay.

"Padalos-dalos ka, minsan ay nalilimutan mo na ang tunay na pakay" Saad ng babaeng dalakitnon na nagngangalang Myrna.

"Ano ba ang pinagsasabi mo?! Ang nais ko ay maangkin si Dolorosa!" Buwelta ni Andrus at padabog siyang napaupo sa trono.

"Nalimutan mo ang kahinaan nila, ang hiyas ng pulang buwan." Kalmadong saad ni Joaquin, "Dati pa man ay nais kong kaanib tayo, ayaw ko nang ganito! Ang dalakitnon at engkanto ay iisa!"

Natigilan si Andrus sa tinuran ni Joaquin ngunit sa seryoso niyang mukha ay sumilay sa mga labi niya ang nakakalokong ngiti. "Bueno, tama ka nga, kaibigan"

Napailing na lamang si Myrna dahil sa kaniyang pakiwari ay tila nawawalan na ng bait si Andrus.

KINAUMAGAHAN, napabalikwas ng bangon si Dolorosa at agad na napatingin sa relos na nakapatong lamang sa mesa na katabi lamang ng kaniyang hinihigaan. "P-patay! Si Liyong, tiyak na naghihintay na iyon!" Paanas niyang saad. Alas otso na ng umaga at kailangan na niyang magmadali.

"Dolor, anak?"

Papasok na sana siya sa sariling banyo ngunit narinig niya ang kaniyang ina mula sa labas.

"Nandito ang iyong maestra,"

Namilog ang kaniyang mga mata sa narinig dahil tila mahahati ang kaniyang disesyon ngayon. Sa maestra niyang bampira o si Liyong na naghihintay sa tagpuan upang matyagan ang mga bampirang prayle? "Tunay ngang mapagbiro ang sitwasyon!"

"Aba'y, Dolor? Naghihintay ang iyo na maestra, bilisan mo na riyan"

"I-ina, m-masakit ang akin na ulo at katawan. Pwede ho ba na bukas na lang niya ako turuan?" Pagdadrama pa ni Dolorosa, hindi niya man lang pinagbuksan ang ina.

"O siya, sige. Bumababa ka na muna, magpakita ka sa iyo na maestra"

Napapikit si Dolorosa napabuntong-hinga, "Masusunod po" Sabay bukas ng pintuan at umastang nanghihina. "Si ama, po?"

"Abalang-abala, anak." Mahinahong sambit ng doña, "Halika na"

Nang makalabas si Dolorosa ay nakita niya ang maestra. Nakaramdam siya ng pagkasuklam dahil napakainosente nito ngunit iba ang kamandag na dinadala.

"Magandang umaga, binibini" Bati ni Emilia kay Dolorosa.

"Magandang umaga rin, maestra. Pasensya na kung hindi ako pwede ngayon sapagkat masakit ang aking katawan," Pagsisinungaling pa niya sa kaniyang maestra.

Ngumiti si Emilia bago magsalita, "Ayos lamang iyon, binibini. Naikwento rin ng iyong ina ang nangyari rito sa balwarte."

"Opo, pasensya na po. Nais niyo po bang uminom ng tsaa?" Yaya pa ni Dolorosa kay Emilia.

"Ah- huwag na, binibini. Maraming salamat. Ako'y uuwi na rin"

"Sasamahan na po kita sa labas," Ani Dolorosa.

Nang makalabas sila ay bigla na lamang nagulat si Dolorosa nang niyakap siya bigla ng maestra.

"Huwag mo akong iniiwasan, hija. Hindi ka pa pinapanganak, nakaabang na ako" Bulong na turan ni Emilia sabay hiwalay sa pagkakayakap at pasimpleng ngumiti bago pumasok sa kalesa.

Natigilan si Dolorosa sa ginawa ni Emilia.

KANINA pa hindi mapakali si Liyong sa ilalim ng punong kalasutsi. Alam na nila Edelmira at Teofilo ang misyon kasama si Dolorosa patungkol sa mga pari ng monasteryo at pinagbigyan naman siya ng dalawa na samahan ang dalaga.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now