Kapitulo- XV

89 6 54
                                    

KINAGABIHAN ay nakadungaw lamang si Musika sa bintana ng silid habang nagsusuklay ng kulot at kulay tsokolate niyang buhok. Hindi maiiwaglit sa kaniyang isipan ang makisig na mukha ng binata, sa dinamidaming binata sa bayan ay para sa kaniya, si Kalayaan lamang ang natatangi.

"Hindi ka pa ba nakakaramdam ng antok?" Tanong ni Alindogan nang makapasok sa silid na kanilang tinutulugan. "Tila malalim ang iyong iniisip pero batid kong hindi ito isang problema,"

Pasimpleng ngumiti si Musika at pinagmasdan ang sarili sa isang salamin na tanging baging lamang ng mga dahon ang sumusuporta para hindi ito matumba. Pagkatapos ay tumingin siya sa mga mata ni Alindogan at nagbigay ng mensahe.

"Hindi mo na kailangan na magtanong kung maganda ka, dahil magmula noong isinilang ka sa sansinukob na ito ay may natatangi kang kagandahan na hindi makikita sa iba, may katangian ka rin na mabuti" Kalmadong tugon ni Alindogan sa kaibigan.

Nagbigay muli ng mensahe si Musika kay Alindogan na ikinailing nito.

"Sabi ko na nga ba at tuluyan nang nahulog ang iyong loob sa binatang kasama ng anak ni Don Sarmiento," Saad ni Alindogan sabay haplos sa buhok ni Musika, "Hindi kita pipigilan sapagkat nakakaramdam ako nang katiwasayan sa binatang iyon. Gusto ko ring makita kang sumaya at umibig, Musika,"

Nagbago ang emosyon sa mukha ni Musika nang mapagtantong hindi nababagay sa kaniya ang binata dahil lupa siya at langit si Kalayaan. Isa pa, hindi siya nakakapagsalita.

"Huwag kang mag-aaalala, mababawi rin natin ang iyong boses sa mga kamay ni Oryol. Gagawin ko ang lahat para sa iyo, pangako." Saad ni Alindogan at niyakap si Musika.

"NABALITAAN ko mula sa liham ng alperez na may ipinagtanggol kayo na isang dalaga na nagawi sa bayan," Ani Don Xavier habang nakasandal sa bintana at may hawak na tabako.

Nagkatinginan si Adrian at Kalayaan na bagong dating lamang.

"Opo, ama. Si Kalayaan ho ang nagpatumba sa mga maalipustang gwardiya-sibil," Ani Adrian sabay lapit sa ama at nagmano.

"Mabuti at may kabuluhan ang inyong araw," Tugon ni Don Xavier. Nagmano na rin sa kaniya si Kalayaan at nakita niya itong ngumiti, "Hangga't kaya nating tumulong sa mga naaapi ay gawin natin," Saad niya pa at tinapik ang balikat ng apo, "Kumain na kayo, sabayan na ninyo si Marco na nasa hapag"

Samantala, napasilip naman si Dolorosa at Kahimanawari sa uwang ng pinto bago lumabas. Nais nilang malaman kung ano ang nangyari kay Adrian at Kalayaan.

"Kumain na kayo, anak at apo" Ani doña Araceli.

Pumwesto na si Adrian sa kaniyang upuan na kaharap lamang ni Marco na seryosong kumakain. Habang si Kalayaan naman ay umupo na lamang sa tabi ni Adrian.

"Hindi mo na naabutan ang iyong ama at ina na umalis, mas napaaga ang kanilang alis dahil sa lunes ay ipapasara na ang daungan dahil sa mga kataw," Litanya ni doña Araceli.

"Ganoon ho ba, lola? Sayang naman, hindi ko man lang nahagkan si ina" Malungkot na saad ni Kalayaan.

Ngumiti si doña Araceli at nilapitan ang apo, "Huwag kang mag-alala, kapag naging maayos na ang lahat doon sa inyo sa Europa, uuwi na rin sila"

Tumango si Kalayaan at nagmano na lamang sa kaniyang lola.

"Kumain kayo nang marami," Saad ng doña at pumunta sa sala kung saan naroroon ang esposo.

NAPUNO ng kwentuhan ang sala-mayor na pinapangunahan ni Dolorosa, marami itong naikwento pero palaging nakatabi si Kahimanawari upang hindi ito madulas sa pagsasalita at baka mabanggit ang patungkol sa pagiging bampira ng maestra nito.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now