Kapitulo - XXXVI

71 4 75
                                    

"NAKAKAHIYA kayo! Nang dahil sa danyos na inyong nagawa ay hindi na kayo pinapahintulutan na makaapak muli sa bayan! Hindi na rin kayo makakapasok sa Colegio!" Galit na saad ni Don Xavier, hindi niya alam ang naging plano ng dalawa at nadawit lamang si Kalayaan, "Sinama niyo pa talaga ang inyo na pamangkin?!"

Napayuko lamang si Adrian sa singhal ng ama. Samantala, si Marco naman ay nakasandal ang balikat sa gawing bintana at tinatanaw ang agos ng batis sa unahan.

"Mas maayos kung gabi ninyo iyon ginawa, walang madadamay at walang mapupuruhan! Doon pa talaga kayo sa paaaralan gumawa ng gulo!" Singhal muli ng don.

"P-pero nais lang po namin na gantihan ang gumawa ng masama kay Dolor, ama. Hindi po namin maaatim na makisalamuha sa isang taong huwad" Ani Marco. Napatingin siya sa kaniyang ama na ngayon ay nasa upuan habang hinihilot ang sariling sintido, namumula na ang mukha nito sa galit.

"Hindi ninyo nasunod ang patakaran ng ating balwarte! Hindi ba't nakasulat sa patakaran na walang madadamay na mga tao maliban sa kalaban?! Ano ang nagawa ninyo? Maraming mag-aaral ang nasugatan at nabalian, ang masaklap may namatay pa! Naisip niyo ba iyon?" Saad pa ni Don Xavier, napailing siya at biglang tumayo. "Huwag niyo muna akong kausapin, lalo ka na Adrian! Naturingan ka pa namang mabait! Pwede na kayong umalis sa aking harapan!"

Walang nagawa ang dalawa kundi ang lumabas ng silid bago pa man mas magalit lalo ang kanilang ama.

Nang makalabas ay tinapik agad ni Marco ang balikat ng kapatid, "Maaayos din ang lahat. Ipinagmamalaki kita sa iyong tapang na pinakita" Wika pa niya kay Adrian.

Ngumiti na lamang si Adrian nang matipid at marahang tumango bago pumasok sa sariling silid.

Sa kabilang dako, maingat na ginagamot ni Doña Araceli ang mga sugat ni Dolorosa. Nanghihina pa rin ang unica hija dulot ng pangyayari kagabi. Namumugto na naman ang kaniyang mga mata na tila wala ng mailuluha pa dahil sa mga nangyayari sa kanila.

"Ina..." Sambit ni Dolorosa, garalgal ang kaniyang boses at nakakaramdam pa rin ng hilo.

"Huwag mong pilitin ang sarili na gumalaw, anak" Mahinahon na sambit ng doña na patuloy pa rin sa panggagamot.

"A-ano na ang nangyayari?" Nanghihina na saad ni Dolorosa.

Hindi makasagot si Doña Araceli at hinalikan na lamang ang anak sa noo, "Magpahinga ka upang magkaroon ka ng sapat na lakas,"

Walang nagawa si Dolorosa, kahit na mga kamay ay hindi niya maigalaw.

KAGABI pa lamang ay hindi na mapakali si Liyong na makita si Dolorosa, masyadong mabigat ang kaniyang pakiramdam. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakakandado ang pintuan niya sa labas. Ang kaniyang bintana ay ganoon din.

Napamura na lamang siya sa kaniyang isipan.

Sumilip siya sa bintana at tamang-tama naman na nakita niya si Olimpia na nagdidilig ng mga halaman, "Binibini!" Mahina at mariing tawag niya rito pero hindi siya narinig at patuloy pa rin ito sa ginagawa.

Hindi nakayanan ni Liyong ang sarili, napatitig siya sa kaniyang kama. Lumuhod siya at kinuha ang tampipi sa ilalim ng kama, pagkatapos ay hinila ang isang tampipi at agad na binuksan ito at hinalukay, "Ang tanga mo talaga, Liyong! Bakit ngayon mo lang ito naisipan?" Sisi niya sa sarili.

Kinuha niya ang isang singsing na may sobrang liit na kahon na nakapatong dito. Dahan-dahan niya itong binuksan at biglang lumabas doon ang usok. Pagkatapos ay unti-unti itong lumabas sa maliit na uwang ng bintana.

Pumasok ang usok sa mismong kandado at kusa na itong bumukas.  Pagkatapos ay kusang bumalik ang usok sa singsing. Agad naman na sinara ng binata ang kaniyang tampipi at itinago muli sa ilalim ng kama.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now