Kapitulo - XVII

67 7 57
                                    

MULA sa kinauupuan ay natatanaw ni Immaculada si Adrian na kasama ang kapatid nitong si Marco sa kabilang mga upuan na kung saan nakatalaga ang mga kalalakihan.

Nagkaroon ng misa ang simbahan kahit Lunes dahil sa mga katawan ng mga namayapang binata na biktima ng mga kataw.

"Imma," Kalabit pa ni Dolorosa nang makaupo sa likuran na upuan.

"Dolor," Mahina ngunit masayang sambit ni Immaculada nang makita ang amiga. "Tumabi ka sa akin"

Tumango naman si Dolorosa at ngumiti at tsaka tumabi kay Immaculada.

Biglang lumabas ang kura kasama ang ibang prayle na may dalang ensenso na naglalabas ng usok.

"Inomini patri spiritu sancti" Salita ni Prayle Castillo habang nakatingin sa mga kabaong na nasa harapan niya, sabay napa-antanda siya.

NATAPOS ang usapan ng tatlo sa loob ng mansyon, inalokan pa sila ng gobernadorcillo ng serbesa.

"Kami'y nagagalak na pinapasok mo kami rito, salamat sa iyo na tulong upang ma resolba ang problema sa karagatan at mga ilog. Salamat sa salaping ibinagay para sa planong pagpapalinis sa karagatan at ilog," Sabi ng alcalde at ngumiti pa ito.

"Noon pa man ay nais ko nang makausap kayo. Pero sa aking kondisyon ay hindi ko magagawa. Masyadong sensitibo ang akin na balat sa alikabok at sa sikat ng araw," Paliwanag pa ng gobernadorcillo.

"Tunay ngang ikaw ay isang misteryoso, gobernadorcillo Alfonso---"

"Alfonso na lang ang itawag mo sa akin, Xavier" Pigil pa ng gobernadorcillo sabay bigay ng kupitang may laman na vino.

"Nawa'y makita ang iyo na presensya sa madla nang sa gayon ay makikilala ka nila," Seryosong pakli ni Don Xavier.

"Maaaring sa susunod," Tipid na sagot nito.

"Bueno, salamat at pinaunalakan mo ang aming pagdating. Muchias gracias, mi amigo" Ani Don Xavier at tumayo na upang magpaalam dahil naaalala niyang may misa pala ngayon na gaganapin malapit sa paaralan ng San Fernando. Pinadalhan siya ni Himala ng liham kaninang umaga.

"Maraming salamat, gobernadorcillo" Pakli ni alcalde Timoteo at isinuot na agad ang sombrerong itim.

NARATING ni Don Xavier ang naturang simbahan, nadatnan na niya ang seremonya na kung saan ang mga pamilya ng nasawi ay nakahelera sa harap ng altar upang masilayan sa huling pagkakataon ang namayapang mahal sa buhay.

"Tunay ngang ang buhay ay hiram. Hindi natin alam kung kailan ito kukunin, kung kaya ay bawat araw na ating natatamasa ay papahalagahan" Litanya ni Himala nang mapansin na nasa tabi na niya si Don Xavier, "Salamat sa Dios at nakahabol ka pa rito, Don Xavier. Akala ko'y tanging mga anak mo lang ang makakadalo at..." Hinahanap niya ang presensya ni Doña Araceli, "Ang iyong mahal na asawa, saan?"

"Sinamahan ang dalawang apo sa dating mansyon ng mga Romualdez" Tugon ni Don Xavier. Nakita niyang tumango tango si Himala, hindi niya akalain na nasubaybayan niya ito mula pagkabata hanggang sa ngayon na matanda na at may mga apo na.

Pagkatapos ng misa ay magkahawak ang kamay ni Dolorosa at Immaculada na naglalakad papalabas ng simbahan.

"Mga maririkit na dalaga," Saad ni Padre Castillo nang makita ang babaeng si Immaculada at kasama nitong kasingganda ng isang birheng Maria. Agad niyang inilahad ang mga kamay upang magmano sila at humalik sa likurang palad.

Nauna si Immaculada na gawin iyon, sumunod naman si Dolorosa pero napansin niyang may kakaiba sa mga palad ng prayle. Hindi niya iyon nabitawan agad kung kaya ay binawi ng prayle ang mga kamay.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now