Kapitulo - XXXIX

43 5 60
                                    

LAGPAS tao ang laki ng nilalang na bumulwak sa gitna ng ilog. Sa mga galamay nito ay may lumitaw na mga libo-libong mata. Nanghilakbot si Liyong at Marco sa nakita nang huling lumitaw ang ulo nito mula sa ikalaliman.

"Tangina! Anong klaseng nilalang 'to?!" Bulalas na katanungan ni Marco.

Bigla na lamang na iwinasiwas ng halimaw ang isang galamay nito upang hampasin ang dalawa ngunit mabilis naman na nakailag ang dalawang binata.

Napansin naman ni Liyong ang unti-unting pagkapal ng hamog sa paligid, kung kaya ay pinaliyab niya muli ang isang kamay para magkaroon ng liwanag.

Kitang-kita nila ang mukha ng dambuhalang nilalang. Iisa lamang ang mata nito sa ulo at may mga maliliit at matutulis na ngipin.

Muli, umilag na naman ang dalawa sa hampas.

"Pupuntiryahin ko ang mata ng halimaw na iyan," Ani Marco sabay palit ng anyo "Basta ba'y huwag mo lang ako tamaan ng iyong bolang apoy katulad ng dati," Sabay ngisi niya bago lumundag upang makasampa sa isa sa mga galamay ng halimaw.

Napangisi na lang din si Liyong at napatango. Pagkatapos ay tumakbo siya sa gawing kanan malapit sa kapatagan para kahit papaano ay hindi siya mabasa at gumana ang kaniyang kapangyarihan.

Samantala, si Marco naman ay napayakap sa isang galamay habang gumegewang-gewang siya at tila dinuduyan din siya na may kasamang bagsak. Pero kahit ganoon ay nanatiling mahigpit siya sa pagyakap. Gamit ang matatalas na kuko ay kaniyang tinutusok ang mga mata sa galamay. Sa ganoong istilo ay nagawa niyang makausog pataas malapit sa ulo ng halimaw.

Si Liyong naman ay panay hagis ng bolang apoy sa gawing ilog, nag-iingat lamang siya nang sa ganoon ay hindi matamaan si Marco na nagsisikap ngayon na puntiryahin ang nag-iisang mata ng halimaw.

"Magaling! Kitang-kita ko ang pagtutulungan niyong dalawa ah?" Nakakalokong saad ni Andrus sabay palakpak mula sa likuran.

Napalingon si Liyong, biglang nagsalpukan ang kaniyang kilay sa nasilayan, "Ikaw?! Ano pa ba ang nais mo?! Tantanan mo na kami!"

Ngumisi nang nakakaloko si Andrus sabay lapit kay Liyong, "Syempre," Sabay wasiwas ng kaniyang mga mapipilantik na daliri.

Biglang lumitaw sa ere si Dolorosa pero wala pa rin itong malay.

"Dolor!" Akmang lalapitan ng binata ang iniirog pero biglang nawala ito sa ere na parang bula, "Anong ginawa mo sa kaniya?! Hindi ako papayag na makukuha mo siya sa akin!"

Humalakhak si Andrus, "Tapos? Ano? Magtatawag ka na naman kay Don Xavier? Para malaman mo, kasalukuyang nakatigil ang oras. Lahat ng ginagawa ng tao sa lugar na ito ay tumigil maliban sa atin."

Napayukom ng kamao si Liyong at mas lalong tumindi ang pagliyab ng kaniyang mga kamay, "Hindi puwede! Mamamatay ka!" Galit na saad niya, pagkatapos ay buong pwersa siyang bumuwelta gamit ang kamaong nagliliyab sa mukha ni Andrus.

Napaiwas si Andrus pero kahit nakatakas siya sa kamao ni Liyong ay ramdam niya ang pagkasunog ng kaniyang kilay dahil sa init na dumaan sa kaniyang mukha.

Sa kabilang dako, napapaigik si Marco sa sakit sa kaniyang katawan. Tumilapon siya dahil sa sobrang lakas ng pagkakawasiwas ng galamay.

Napadako ang kaniyang paningin kay Liyong na nilalabanan na ngayon si Andrus, "Puta, buhay pa pala ang traidor na iyan?!" Naiinis niyang saad, "Kahit kailan, hindi patas lumaban ang hayop na 'to! Kailangan may kasamang walang kwentang nilalang!" Pagkatapos ay napabangon siya sabay alulong. Sinikap niya muling lusubin ang kalaban. Mas nagkaroon pa siya lalo ng lakas ng loob na mapatumba ito para matulungan niya si Liyong na harapin at mapatay si Andrus.

Via DolorosaDär berättelser lever. Upptäck nu