Kapitulo - XIII

85 9 46
                                    

"PASENSYA na ho talaga, binibini." Pakli ni Kahimanawari, hindi niya pinahalatang may napansin siya sa palad ng maestra.

Napangiti si Emilia at napatingin na ngayon kay Luna. May naaamoy siyang kakaiba sa bata na tila gusto niyang usisain kung ano ngunit hindi niya magawa dahil nasa balwarte siya ng mga taong-lobo. "Ayos lang, binibini."

"Binibining Emilia?"

Napangiti si Emilia sa presensya ni Dolorosa, sumunod din si Adrian at Don Xavier sa likuran. Nagbigay galang ang maestra, "Magandang umaga sa inyo. Pagpasensyahan niyo po at bigla ang aking pagdalaw dito..."

"Ayos lang naman, binibini. Nang dahil sa'yo ay nabuo ang aking araw," Hirit ni Marco.

Napaismid si Adrian at napairap lang naman si Dolorosa.

"Ah- nais ko lamang na ibigay ang mga kagamitan sa pag ga-gansilyo. Nais kong matuto ka,  Dolor habang wala pa ako. Ako'y hindi makakaturo sa iyo sa lunes hanggang sa miyerkules." Paliwanag ni Emilia.

"Ikaw ba ay magiging abala, binibini?" Tanong ni Don Xavier sa maestra.

Napatango si Emilia at napangiti, "Opo, kaarawan ho kasi ng aking kuya. Nais kong surpresahin at paghandaan. Siya'y nagiging abala na sa pagiging gobernadorcillo---"

Napakunot-noo  si Don Xavier nang marinig ang sinabi ng dalaga, "Isang gobernadorcillo ang iyong kuya? Hindi ba't ang sinabi mo sa akin ay isa kang anak ng haciendero sa San Fernando?"

Napakagat ng labi si Emilia at napahinga ng malalim, "Paumanhin kung ako'y nagsinungaling, Don Xavier, sapagkat kinakailangan kong itago ang tunay na kalagayan ko sa buhay."

"Bakit mo naman kailangan na itago, binibini? Ang iyong kuya ba ay iyong misteryosong gobernadorcillo na namumuno ngayon sa San Fernando? Sa aking pagkakaalam ay siya ang may mas pinakamataas na termino,"

Napatango si Emilia, "Siyang tunay, Don Xavier. Kailangan ho namin na itago ang aming mga sarili at hindi magsasabi kung ano ang antas namin sa buhay, dahil iyon ang patakaran ng aking kuya. Ngayon ay batid na ninyo, nawa'y maunawaan niyo po. Nais namin na mamuhay ng pangkaraniwan lamang, kung makikita niyo ho akong nakikihalubilo sa ibang tao ay alam niyo na po," paliwanag pa niya kay Don Xavier.

Napangiti si Don Xavier, "Naintindihan ko, binibini. Nawa'y makilala ko rin ang iyong kuya na si Alfonso,"

Napalunok ng laway si Emilia at napangiti na lamang sabay tango.

"SA lunes ay babalik na muna kami sa Europa ng aking asawa upang kuhanin ang ibang kagamitan. Nais kong maiwan na dito sina Kalayaan at Kahimanawari, ama." Ani Agustin kay Don Xavier.

Kasalukuyan silang umiinom ng mainit na tsokolate kasama si Adrian, Oliver, at Marco.

Napatango si Don Xavier bilang tugon, "Paano na ang naiwang pag-aaral ni Kalayaan sa Europa?"

Napahinga muna ng malalim si Agustin sa katanungan ng amain, "Alam kong sayang, ama. Ngunit nais ko lamang ang kaligtasan ng aking anak sapagkat hindi namin mawari kung nakakasalamuha pala niya ang mga bampira,"

"Bampira?" Sabay na bigkas ni Marco at Oliver. Nagkatinginan silang dalawa dahil parehas silang nagulat.

"Akala ko ay sa libro ko lamang iyan mababasa," Singit pa ni Adrian.

Ibinababa ni Don Xavier ang tasa na kanina'y hawak-hawak niya at inilagay sa maliit na mesa. "Totoo ang sinasaad sa libro, kahit na sa propesiya at sa almanaki ay naroroon ang mga nilalang na iyan, sila ay ating mga kaaway." Seryosong saad ng Don.

Napabuntong-hininga si Oliver sa narinig, "Sila ba ay nagiging mabangis na hayop? Nag-aanyong hayop? May matatalas na pangil?" Hindi mapigilang katanungan nito sa kanila.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now