Kapitulo - III

119 17 112
                                    

TAHIMIK lamang si Dolorosa habang kumakain ng hapunan. Tinitingnan na rin siya ni Adrian dahil alam nito na nagtatampo pa rin ang kapatid sa ama.

"Bukas na pala ang unang pasok ninyo sa paaralan." Ani Doña Araceli kay Adrian at Marco.

"Opo." Ikling tugon ni Adrian.

Samantalang si Marco naman ay patuloy lamang na kumakain.

"Kayo ay magtino, huwag bigyan ng sakit sa ulo ang inyong maestro. Malapit ka na rin magtapos, Marco." Pakli ng Doña.

Pagkatapos ay bumalik sa tahimik ang pagitan nila.

Napatikhim si Don Xavier dahil hindi niya matiis ang anak na si Dolorosa na hindi kausapin. "Patungkol kanina, anak..."

Dinampi ni Doña Araceli ang kaniyang palad sa kamay ni Dolorosa, senyales na kinakausap siya ng ama. Napatingin naman agad si Dolorosa sa gawi ng ama na nasa dulong gitna ng mesa.

"...ipagpaumanhin mo kung ika'y aking napagalitan. Sana sa susunod ay huwag na kayo pumunta sa gubat."

Napatango ng marahan na lamang si Dolorosa sa sinabi ng ama.

"Hindi maiiwasan ang mga galang engkanto na nais mag hasik ng sakit sa bawat tao." Saad pa ni Don Xavier. "May kakayahan ang mga engkanto na gayahin ang iyong replika."

Napangisi naman si Marco sa narinig. "Ang swerte naman ng engkanto kung gagayahin niya ang aking mukha."

"Hindi iyan biro. Paano kung isang araw gayahin ka nga? Tapos mag-aakala kaming ikaw 'yon." Seryosong tugon ni Adrian.

Napailing na lang si Don Xavier sa nasabi ni Marco. Kung pilyo siya noon, mas pilyo ang kaniyang ikalawang anak ngayon.

Si Dolorosa naman ay naaalala ulit ang hindi magandang asal ng kaniyang Kuya Marco kaninang umaga ngunit pinagsawalang bahala na lamang niya iyon dahil kahit anong pangaral ang sabihin ng kaniyang mga magulang ay hindi pa rin ito makikinig.

HINDI makatulog si Dolorosa dahil sa pagkabagabag sa naging pangyayari kanina. Hindi niya rin nakausap si Immaculada dahil na rin sa nakatulog siya.

Binuksan na lamang niya ang bintana at sumalubong sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin. Marami ring huni ng kuliglig ang kaniyang naririnig.

"Haaay...napakaaliwalas ng kalangitan." Ani Dolorosa sa sarili.

Napapikit lamang siya at pinakinggan ang bawat huni sa paligid.

Nang iminulat niya ang kaniyang mata ay bahagya siyang nagulat nang makita si Joaquin sa ilalim ng puno.

"Magandang gabi, binibini!"

Nagtataka man si Dolorosa ay pinilit niyang ngumiti at bumati rin sa binata pabalik. "Bakit ka pa nasa labas? Gabi na." Halos pabulong na sabi ni Dolorosa.

"Hindi ako makatulog. Nakita rin kita, kaya binalak ko na lamang na puntahan ka."

"Baka kung ano ang mangyari sa'yo, madilim pa naman ang daanan."

"Hindi 'yan. Nais ko lang magliwaliw. Mas maaliwalas, walang sagabal."

"Mag hunus-dili ka, Ginoo. Kakasabi lang ng aking ama ay may engkanto raw. Si Immaculada kasi kanina, biglang nawalan ng malay. Kagagawan daw iyon ng engkanto."

Ngumiti si Joaquin. "Naririnig ko na 'yan. Hindi naman sila totoo, baka may sakit talaga iyan si Immaculada."

"Manggagamot ang aking ama, alam niya ang pinagkaiba ng sakit galing sa elemento at ang sakit na pangkaraniwan."

Ngumiti ulit si Joaquin. "Tama, naririnig ko na isang magaling na manggagamot ang iyong ama."

"Alam mo, palangiti ka pala." Ani Dolorosa. Hindi na niya pinahalata na naiinis siya kay Joaquin dahil nakangiti pa rin kahit may masama siyang balita na sinabi.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now