Kapitulo - XXVII

64 5 69
                                    

NANG makarating sila Don Xavier sa sementeryo ng San Fernando ay ang tanging nadatnan lamang nila ay ang nakakabinging katahimikan.

"M-mukhang nawala na ho ang sinasabi niyong berbalang, ginoo" Saad ng supulturero kay Liyong.

Napailing na lamang si Liyong sa pagkadismaya. Samantala, nakita niya naman si Don Xavier na dumiretso sa isang nityo na nakabukas na. Seryoso lamang ang mukha nito na tiningnan ang kawawang bangkay.

Si Don Mateo naman ay sumunod sa kaniyang amigo, "Nakakakilabot ang ginawa ng berbalang na iyon, nararapat lamang na mamatay ang lapastangang iyon!" Matigas na sambit niya.

Napahinga nang malalim si Don Xavier at napatingin kay Liyong, "May nalalaman ka ba sa katauhan ng berbalang, ginoong Leopoldo?"

Napalunok muna ng laway si Liyong bago magsalita, "Sa talaan ng aming almnaki ay naroroon ang nilalang na yaon. Isang daang taon na ang lumipas magmula noong naghasik sila ng kasamaan sa iba't-ibang kabayanan. Ang punterya nila ay ang mga bangkay, kasing wangis ho sila ng mga aswang at ek-ek pero mas lubhang malakas ho ang berbalang,"

Napakunot-noo si Don Mateo sa narinig na salita ng binata at napatingin siya muli sa kaniyang amigo na may malalim na iniisip.

"Kung iisipin niyo po, Don Xavier, ang punterya ay malamang ang pulang hiyas." Dagdag pa ni Liyong.

"Aking nahihinuha na ang pulang hiyas ay ang pinakapangyarihan sa lahat, kung kaya ay ito ang punterya ng bawat nilalang. Bakit hindi na lamang sila dumiretso sa akin at harapin ako?" Seryosong saad ni Don Xavier.

"Dahil nga siguro ay lubhang napakalakas ninyo, hindi ka nila kayang harapin po agad. Kapag nakuha nila ang pulang hiyas ay hindi malabo na haharapin ka na nila," Kalmadong tugon ni Liyong sa don.

"May punto ang iyong sinabi, Ginoong Leopoldo. Pero bakit ba nila kailangan ang pulang hiyas? Ang magagawa lamang niyan ay palitan ang umaga ng gabi?" Tanong pa ni Don Mateo.

Sandali silang natahimik lahat.

"Marahil po ay kaya ng hiyas na makita ang hinaharap," Basag pa ni Liyong sa katahimikan.

Natigilan si Don Xavier sa tinuran ng binata.

KINABUKASAN nagtungo si Dolorosa sa monasteryo. Siya mismo ang nagbulontaryo sa kaniyang tiyo Marcelo na kunin ang mga sariwang bulaklak na handog ng mga prayle.

"Via, mabuti at narito ka na" Nakangiting saad ni prayle Castillo.

"Opo, p-pero pasensya na ho, padre kung hindi po muna ako makakapag-trabaho rito. Ako pa po kasi ngayon ang ginawang katulong ni senyor Marcelo sa burol ng kaniyang ina," Pagsisinungaling pa ni Dolorosa.

Napataas nang bahagya ang kilay ng prayle, "Ikaw ba ang naatasan na kumuha ng mga bulaklak?"

"Opo, padre. B-baka bukas makalawa ho ay babalik na ako rito," Saad pa ni Dolorosa, yumuko siya nang bahagya.

"Wala ka na bang lagnat?" Tanong pa ng prayle sabay hapo sa noo ni Dolorosa.

Napailing lamang si Dolorosa kahit na naiilang na siya sa ginawa ng prayle.

"Bueno, may napagtanto lang ako na kamukhang kamukha mo ang kapatid ni Doña Amanda na si Doña Araceli, parehas kayong maganda at para kayong mag-ina" Ani Padre Castillo.

Biglang kinabahan si Dolorosa sa sinabi ng prayle, "Ah- g-ganoon ho ba, padre? M-may mga ganiyan po naman 'di ba? Sa dinami-daming tao sa mundo ay hindi maiiwasan na may kawangis ka,"

"Siyang tunay, Via. Bueno, hindi mo ba tatawagin ang iyo na kapatid na si Liyong?" Tanong pa ng prayle.

Napalinga-linga naman si Dolorosa sa paligid. Hanggang sa nakita niya si Liyong na kasama ang isang dalaga na panay sulyap dito at ngumingiti pa. "Hindi raw kayang makipag-usap sa iba" Anas niya sa sarili.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now