Kapitulo - IX

78 8 45
                                    

HALOS mataranta si Doña Araceli nang makita ang mga anak na duguan at walang malay sa loob ng kalesa.

"Ano ang nangyari, mahal?"

Hinawakan ni Don Xavier ang kamay ng esposa at pinapakalma, "Kumalma ka, mahal. Magigising lang 'yan sila."

Bumaba na rin si Dolorosa sa kabayo.

"Dolorosa!" Tawag ni Doña Araceli at napayakap sa anak. "Mabuti na lamang at maayos ka, naku! Hindi ka man lang nagpaalam, paano na lang kung may nangyaring masama sa'yo!"

Napatitig lamang si Dolorosa sa mga mata ng ina habang sinasapo ang kaniyang mukha. Kitang-kita niya ang pangingilid ng luha nito.

Napahinga na lang siya ng malalim bago magsalita, "Ina, ayos lamang ako."

"Pumasok na tayo." Seryosong saad ni Don Xavier.

Ginamit naman ni Dolorosa ang kakayahan na magtawag ng hangin para lumutang ang dalawang nakakatandang kapatid papasok sa mansion.

"Mag-uusap tayo mamaya, Dolor." Wika ni Don Xavier gamit ang malalim na boses nito.

Napatango na lang ng marahan si Dolorosa at pumasok sa silid. Nakita niya ang kaniyang sarili sa salamin na may bahid ng dugo ang palda at maging ang kaniyang mukha na tila ba natalsikan ng maliliit na putik.

Nagbihis siya agad. Pagkatapos ay napahiga sa kaniyang kama. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya ang karumaldumal na pagpatay sa kalaban. Hindi niya makontrol ang galit na tila walang kinikilalang tao kapag nasa kaanyuan siya bilang taong-lobo.

"Dolor, tama na." Pigil ng kaniyang ama sa kaniya.

Natauhan na lamang siya sa pagpigil. Nang mahimasmasan ay agad siyang napayakap sa kaniyang ama.

"Kumalma ka na, anak." Ani Don Xavier at hinahagod ang likuran ng anak habang yakap niya ito.

Napansin naman nila ang isang Binibini sa isang sulok na nakatulala lamang at tahimik na tumatangis.

Nilapitan ito ni Don Xavier at tinulongan itong makatayo. Nanginginig man ang mga kamay nito ay pinapakita ng Don sa kaniya na magiging kalmado.

"Ipapahatid kita sa inyong bahay."

Wala sa sariling napatango si Aina.

Sa tulong ng kakayahan ni Dolorosa ay pinalutang niya ang mga kapatid para maihatid sa kalesa.

May mga prayle at mga madreng nakiusyuso sa taong nahulog galing sa mataas na tore sa gilid ng paaralan kung saan naroroon ang batingaw.

Nilapitan iyon ng Don at nagimbal sa nakitang katawan ng prayle. Kahit si Dolorosa ay nakita ang prayleng nagkalasog-lasog ang katawan at may mga maliliit na alupihan ang lumalabas sa tenga nito at sa bunganga.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now