Kapitulo - XX

57 8 47
                                    

"PASENSYA na, Dolor. Mukhang ako pa yata ang may dahilan kung bakit napagalitan ka ni lolo," Bungad ni Kahimanawari sa pintuan papunta sa isang hardin.

Napangiti si Dolorosa nang makita ang pamangkin at agad na napayakap dito, "Ayos lang, mas lalo akong naging interesado sa mga hakbang na gagawin"

Napasulyap naman si Kahimanawari sa binibining kausap ni Marco ngayon. Namangha siya sa kinis ng balat nito na kasing puti ng labanos. Iniisip niya rin na may lahing mestiza de sangley ang panauhin, "S-sino ang mujer na iyan?"

"Ah- si binibining Edelmira. Kasapi ng Kongregasyon. Ayon nga, nais niya sanang magsaliksik sa amin dahil akala niya'y tayo'y nagmula sa lahi ng mga aswang," Ani Dolorosa at lumapit nang bahagya sa pamangkin sabay bulong, "Isa siya sa mga tagapuksa ng mga nilalang na may kinalaman sa aswang"

Umarkong pabilog ang bibig ni Kahimanawari sa nalaman, "Tapos? Anong nangyari? Bakit siya'y may pasa?"

Napahinga nang malalim si Dolorosa at sumulyap pa sa dalawa ngayon na nag-uusap at minsan ay nagtatawanan pa, "Parang hindi nagkasakitan ah? Ano, ganito kasi..." Napapansin niya na handang makinig si Kahimanawari sa kaniya, "Sumama si Kuya Marco sa mga cambiaformas noong isang gabi. Pagkatapos ay nakasagupa niya ang binibining iyan. Ayon, natalo si kuya Marco. Napakaarogante kasi, ayan tuloy nakahanap ng katapat"

Napailing na lamang si Kahimanawari at napatawa nang mahinhin, "Bagay sila."

"Siyang tunay, halika't ipakilala kita" Hihilain na sana ni Dolorosa ang pamangkin ngunit tila ayaw sumunod nito.

"Sandali, maiba tayo. Paano kung makakatulong din siya na magsaliksik ukol sa mga prayle sa monasteryo? Baka may kinalaman ang mga pari sa paghasik ng kasamaan ng mga taong-lobo na hindi natin kaanib?" Tanong pa ni Kahimanawari, nakita niyang napaisip si Dolorosa.

"Ako na lang, kaya ko na---"

"Paano kung sasama rin ako-"

"Hindi na, Wari. Ikaw ang magsisilbing tenga at mata ko rito sa balwarte," Saad ni Dolorosa at ngumiti sa pamangkin, "Halika na, ipapakilala na kita sa binibini"

Napatango si Kahimanawari at sumunod na lamang kay Dolorosa.

LAHAT ng puwersa ni Don Xavier ay naibuwelta niya sa aroganteng panauhin na nagngangalang Uno Valiente na kasapi ng La Orden De Las Espadas Sagradas.

Nabasag ang salamin na nilikha ni Uno na ginawa niyang tanggulan ngunit bigo siya, sapol ang kamao ng don sa kaniyang mukha at siya'y tumilapon. Kitang-kita niya ang mapupulang balintataw ni Don Xavier.

Tumayo siya na tila hindi natinag. Napapunas pa siya ng kaniyang ilong na ngayon ay dumugo resulta ng pagkakasuntok sa kaniya ni Don Xavier. Napaupo na lamang siya sa kabilang kabisera kasama ang lambanang si Bulawan na umupo sa kaniyang balikat, "Mahusay, mahusay! Bilang pa lamang sa daliri ng isang kamay ko ang nagawa akong patamaan sa mukha at dahil dito ay pinupuri kita, ginoong Xavier Sarmiento. Tunay ngang hari ka nga ng mga taong-lobo!" Saad ni Uno sabay ngiti at pumalakpak pa.

Tumugon si Don Xavier gamit ang malalim na boses, "Pinupuri rin kita, ginoong Uno. Matapos mong tanggapin ang suntok ko ay nakakasorpresang hindi sumabulat ang utak mo sa bawat sulok ng silid na ito. Ngunit huwag ka sanang magkaroon ng masamang isipin dahil sa marahas na pagtanggap namin sa iyo," Napasulyap pa siya sa kasamahan niyang nakabulagta ngayon sa sahig at walang malay, "Batay kasi sa mga sinabi mo ay isa kang banta sa kaligtasan ng mga nananahanan dito at bilang pinuno ay hindi ko rin hahayaan ang nais mong mangyari. Tungkulin kong protektahan ang aking nasasakupan at ang mga bagay na mahalaga sa akin. Ang aking kaibigan, ang buong angkan at higit sa lahat ang mahal kong pamilya."

Via DolorosaWhere stories live. Discover now