•Capítulo Especial•

31 3 24
                                    

FILIPINAS, 1897
-----

"AMA, maari niyo po ba akong kwentuhan?" Paglalambing ng apat na taong-gulang na babaeng anak ni Dolorosa at Liyong.

"Sige ba, ano ba ang nais mong ikwento ko sa iyo, anak?" Nakangiting katanungan ni Liyong sa unica hija.

Napaisip naman ang bata sabay dampi ng hintuturo sa baba na tila nag-iisip talaga nang husto.

Maagap na naghintay si Liyong sa maging kasagutan ng anak. Napapangiti siya dahil sa pagiging inosente nito, katulad ng kaniyang ina noong bago pa man sila nagkakilala.

Maganda si Lumina. Ang hubog ng mukha'y nakuha sa ina at ang mga mata'y nakuha sa ama. Talagang anghel ito sa kanilang paningin lalo na at kulot ang maitim nitong buhok na hanggang balikat lang. May kakayahan itong magpaliyab ng mga bagay-bagay gamit lamang ang isipan kung kaya ay nakahinga nang maluwag si Liyong dahil hindi namana ang kaniyang kakayahan na makakapaglabas ng apoy sa kamay.

Ang nag-iisang anak nila ang nagsilbing ilaw sa kanilang mga buhay. Kahit na maselan ang pagbubuntis ni Dolorosa sa anak at muntikan pang ikinamatay ay maituturing pa rin nila itong isang biyaya at himala para sa kanilang dalawa.

"Ay, naku! Ba't hindi ka pa nagbihis, sinta? Ay tiyak na mahuhuli tayo sa bapor." Biglang bungad ni Dolorosa sa esposo. Abalang-abala siya sa paglalagay ng payneta sa buhok.

"Ako'y nakabihis na kanina pa. Sa katunayan ay ikaw na lamang ang aming hinihintay." Natatawang saad ni Liyong.

Natigil naman si Dolorosa at agad na tinapunan ng tingin ang mag-ama, "Ganoon ba? O siya sige, kukuha lang ako ng aking balabal."

"Masyado talagang mabagal ang iyong ina ano? Parating nagpapaganda, kahit naman na hindi na niya gawin iyon ay siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa," Litanya pa ni Liyong.

Tumawa naman si Lumina, "Mamaya niyo na lang ho ako kwentuhan, ama. Nais ko sana iyong patungkol sa unggoy at pagong," Aniya.

"O siya sige, nawa'y agad kang makatulog." Nakangising tugon ni Liyong.

"Bakit po? Kukunin ho ba ako ng mga kataw?"

Binuhat ni Liyong ang anak at hinalikan ito sa noo, "Siyang tunay. Kung kaya ay dapat matulog ka nang maaga kung tayo'y nasa barko na."

"Sí, ama." Tugon ng bata at napayakap sa leeg ng ama.

"O? Paano magsusulatan na lang ba tayo nito?" Tanong ni Marco sa mag-asawa, "Mukhang ako na lang yata ang naiwan dito sa San Fernando ah? Si ama at ina, nasa Hongkong na, si Adrian naman ay nasa Pransya kasama ang esposang si Aina tapos naroroon din sila Luna. Sila Kalayaan, bumalik sa Espanya. Kayo? Pupunta kayo ng Guam. Talagang mangungulila ako sa inyo nang lubos."

Napasinghap sa hangin si Dolorosa at napapunas ng luha, "Kailangan ka ng San Fernando, kuya. Kung wala ka ay hindi ganito kaganda ang bayan. Marami ka nang naidesenyong imprastraktura na talaga namang makapigil-hininga." Aniya.

Kailangan na sa Guam muna mamalagi si Dolorosa dahil na rin sa kontrata ni Liyong doon bilang isang Bulkanologo (Volcanologist), nagsasaliksik ito ng mga bulkang aktibo at hindi aktibo.

"Baka sa susunod din na buwan ay bibisita ako kina ama at ina, baka doon ko na rin mahanap ang aking kabiyak." Pabirong saad pa ni Marco, tinatawanan na lamang niya ang lahat upang ibsan ang pangungulila.

Hindi man sila nagkatuluyan ni Immaculada ay masaya pa rin siya sa dalaga dahil ang pangarap na inaasam nito mula noong mga bata pa sila na maging madre ay nakamit na.

Maya-maya pa ay narinig na nila ang pagtunog ng barko na tutungo ng Guam.

"Tiyo Marco, magsusulat ako nang marami sa'yo tapos guguhit ako ng gusto kong bahay tapos ipapadala ko, sana pagbalik ko rito ay nagawa na." Malungkot na saad ni Lumina sabay halik sa pisngi ng tiyuhin at kasabay ang yakap nang mahigpit.

Tinapik ni Marco ang balikat ni Liyong sabay tango dito na tila nagpapasahan lamang sila ng mensahe sa pamamagitan ng tingin, "Mag-ingat kayo, Liyong, ikaw na bahala sa kapatid at pamangkin ko ha," bilin niya pa.

"Masusunod, mi amigo." Pakli ni Liyong.

"Paalam, kuya." Saad ni Dolorosa at mahigpit na napayakap sa kapatid.

Napahinga nang malalim si Marco habang pinagmamasdan silang lumalayo. Napakaway pa siya nang magsimula nang umandar ang barko.

Pagkatapos ng ganoong eksena ay bumalik na siya sa kalesa. Bago pa man siya makaapak sa bukana ng pintuan ay may nahagip siya sa kaniyang mga mata.

Si Emilia. May dalang dalawang bata, ang isa'y babae at ang isa'y lalaki. Abala ito sa pamimili ng gulay sa talipapa.

Hindi mapigilan na ihakbang ni Marco ang kaniyang mga paa patungo sa talipapa.

"Ginoo!" Sigaw ng isang kutsero, "Tumingin ka sa magkabilaan nang ikaw ay hindi mapuruhan."

Agad na napayuko si Marco, "Pasensya na po, manong. Maaari na po kayong dumiretso."

Pagkatapos ay ibinaling muli ang paningin kung saan nakita si Emilia at ang dalawang bata ngunit nawala na ang mga ito.

May kakaiba siyang naramdaman sa kambal, tila isang lukso ng dugo kung iisipin.
----

Via DolorosaWhere stories live. Discover now