Kapitulo - II

134 17 121
                                    

NAPAUNAT ng katawan si Marco bago lumabas sa kaniyang silid. Naabutan niya sa mesa na si Dolorosa lamang ang mag-isa na kumakain.

"Nasaan sila ama?" Tanong ni Marco sa kapatid.

"Naroroon silang lahat sa silid-pagamutan, kuya. Isinugod na naman dito si Luna." Tugon ni Dolorosa.

Hindi na lamang sumagot si Marco at kumuha na lamang ng pinggan at nilagyan ng maraming pagkain.

"Bakit ang dami niyan? Ikaw ba talaga kakain?" Usisa ni Dolorosa sa kaniyang kuya.

"Oo, Bakit?"

"Ang dami."

Napaismid si Marco. "Gutom ako." At tumalikod na upang pumasok sa kaniyang silid.

"Bakit ka sa iyong kuwarto kakain? Kapag nalaman ni ina 'yan tiyak magagalit 'yon!" Saad ni Dolorosa.

"Huwag ka na lang kasi magsalita. Sekreto lang natin ito!"

"Kuya---"

"Sshhh!" Pigil pa ni Marco sa kapatid at tumuloy na sa silid.

Nainis si Dolorosa sa inasal ng kuya niya sa kaniya. "Mamaya ka kay ina." Bulong niya pa sa sarili sabay ngiti ng nakakaloko.

Pagpasok ni Marco sa silid ay nilapag niya agad ang pagkain sa mesa at napalingon sa isang binibini na nakahiga ngayon habang pinagmamasdan siya. "Nilagay mo na ba iyong ibinigay kong likido sa iyong katawan?"

Napatango ng marahan ang dalaga. "Marco... P-para saan ang likido?" Tanong nito at napaupo na ngayon sa higaan.

"Para hindi ka nila maamoy. Malakas pa naman makiramdam at makaamoy ang aking bunsong kapatid."

"Ganoon ba? K-kailan mo ba ako ipapakilala sa kanila?"

"Sa tamang panahon, Corazon." Tugon ni Marco, ibinigay na rin niya ang pagkain sa dalaga.

"Alam ko naman na kagabi lamang tayo nagkakilala pero, nais ko na ako ay iyong seryosohin." Pakli ni Corazon.

Napahinga ng malalim si Marco sa naging litanya ni Corazon.

Si Corazon Ruiz ay isang anak ng isang don sa bayan ng San Fernando. Maganda ito at balingkinitan ang pangangatawan.

"I-ikaw ang unang ginoo na kumuha ng aking puri, sana ay may hustisya ang pagbigay ko sa'yo nito. Alam kong kasalanan pero ako'y nahulog sa bitag mo."

"Hindi ka ba natatakot sa pamilya ko?" Tanong ni Marco kay Corazon na ngayon ay nakakitaan ng kalungkutan sa mga mata.

"Ba't pa ba ako matatakot? May koneksyon kayo sa amin na mga pangkaraniwang tao."

"Kumain ka na muna. Ihahatid kita sa inyo mamaya kapag wala ng tao rito sa aming tahanan." Ani Marco sabay subo ng kanin.

Napatango na lang si Corazon at kumain. "Marco..."

Napatingin ulit si Marco kay Corazon at hinihintay ang susunod na sasabihin ng dalaga.

"Ako ba ang unang binibini na nakasama mo rito sa iyong silid?"

Napangisi si Marco sa naging katanungan ni Corazon. Hindi na bago sa kaniya ang ganitong tanong. Sa katunayan ay pang-pito na si Corazon sa mga binibini na nadala niya sa kaniyang silid at na siping. "Oo, naman." Sagot ni Marco at diretsong napatitig sa mga mata ni Corazon upang magmukhang totoo ang kaniyang sinasabi.

Napangiti naman ng marahan si Corazon kay Marco. Hindi niya mapagkakailang makisig talaga ang binata at hindi siyang magsasawang titigan ito kahit hibang man kung tutuusin.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now