Kapitulo - VIII

72 9 47
                                    

KANINA pa pabalik-balik sa pagtugtog ng piano si Dolorosa. Lubos siyang nahihirapan sa pag pi-piyano ng Fur Elise ni Beethoven.

"Kaya mo 'yan. Ang bilis mo ngang matuto." Saad ni Binibining Emilia.

"Wala po bang mas madali?" Tanong ni Dolorosa. Namamawis na ang kaniyang mga kamay sa pagtipa sa piyano.

"Sa katunayan ay 'yan ang pinakamadali... Ganito, sundan mo ako."

Napatingin si Dolorosa sa mga mapilantik na mga daliri ng kaniyang maestra. Napansin din niyang walang guhit ang palad nito.

"Binibini, maari ba akong magtanong?" Pagbakasakali niya pa pero nahihiya siyang magtanong kung bakit walang guhit ang palad ng babae.

"Ano 'yon, Dolor?"

"W-wala lang."

"Dolor? Magtanong ka na."

Napabuntong-hininga si Dolorosa. "B-bakit po walang guhit ang iyong palad?"

Nagulat ng bahagya si Binibining Emilia sa tanong ni Dolorosa. "Ah, ito... Sa katunayan ay ito ang aking mali sa katawan. Sa pamilya ko, ako lang ang walang guhit sa palad."

"Nakakamangha."

"Bakit? Lagi akong napagtatawanan nito."

"Ang mga tao talaga, hinahanapan ka ng mali para maging lamang sila." Saad ni Dolorosa. "Ako nga, namangha ako sa palad mo, Binibini. Hindi naman iyan kapintasan. Ang kahulugan lamang niyan ay naiiba ka sa lahat."

Napangiti ng tipid si Binibining Emilia. "Salamat, Dolor. Ikaw lamang ang nakapagsabi sa akin ng ganiyan."

Napangiti na rin si Dolorosa. Nagpatuloy na siya sa pagpi-piyano.



"GINOO, bakit mo sinabi sa kanila na t-tayo ay m-magkasintahan?" Nauutal na tanong ni Aina kay Adrian.

Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa maalikabok na daan ng San Fernando. Pabalik na silang dalawa sa Unibersidad.

"Para kapag nakita ka nila ulit, hindi ka na nila pagpipintasan." Sagot ni Adrian sa dalaga.

"Ganoon ba, salamat nga pala rito." Ani Aina, tinutukoy ang mga nabiling pagkain at pangangailangan sa kanilang tahanan.

"Walang problema, Binibini. Tulong ko 'yan sa'yo." Tugon ni Adrian.

Alam niyang may kasalanan din siya. Nang dahil sa pagiging taong-lobo nila ay sinusundan sila ng gulo o mga kakaibang nilalang.

Nang makapasok sila sa paaralan ay nakasulubong nila ang isang prayle na tila namumutla na. Nagtama ang paningin ni Adrian at ng prayle.

"Alam mo, yung madreng pinagsisigawan ako ay wala na."

Napatingin si Adrian kay Aina ng may halong pagtataka. "Anong ibig mong sabihin sa wala na?"

"Natagpuang patay sa sarili nitong silid. May bakas ng pagkasunog ang katawan."

Parang bumagal ang takbo ng mundo ni Adrian sa narinig. "K-kailan pa?"

"Kaninang madaling araw. Nakalimutan kong ikwento. Ngayon lamang sumagi sa aking isipan, nakakita kasi tayo ng prayle." Saad ni Aina.

Pilit inaarok ni Adrian ang mga pangyayari. Nakukutuban na siyang may kinalaman ito sa babaeng alupihan. Pero hindi niya pa maarok ang pangyayari.

"Nakakatakot na talaga rito manirahan sa San Fernando. Hindi naman ganito dati, hindi ba?"

Natauhan si Adrian sa katanungan ni Aina.

"Ang lalim ng iniisip mo, Ginoo."

"Ha? Ah, pasensya na. Papasok na ako. Mag-ingat ka." Ani Adrian.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now