Kapitulo - XL

51 6 73
                                    

BUMULAGTA at wala ng buhay sa lupa ang isang bampirang nagbabantay sa likurang bahagi ng mansyon ng mga Echeverria. Tuluyan itong naging abo na hindi man lang nababakasan ng ebidensyang may napaslang.

Dahan-dahan na hinakbang ni Don Xavier ang mga paa patungo sa mansyon. Nakasuot siya ng itim na talukbong at sinamantala ang katahimikan ng hatinggabi. Hindi alam ng kaniyang esposa at mga anak ang kaniyang mga plano. Isang buwan na silang nanahimik at hindi na niya maatim ang kalagayan sa bayan na ngayon ay mas lalong lumala na ang pagkawala ng mga dalaga, hindi lang sa sariling bayan kundi sa ibang nayon.

Naging tikom din ang bibig ng ibang mga opisyales sa ibang nayon at may awtoridad, marahil ay may pagbabantang ginawa ang gobernadorcillo.

"Mabuti at naisipan mong gumawi rito sa mansyon, Leopoldo."

Natigilan si Don Xavier sa narinig. Napatago siya sa isang pader at sinamantala ang pananatili upang makinig sa usapan. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman at wala siyang ideya kung bakit naririto ang binata na kung kahapon lamang ay masaya silang nag-uusap. "Mukhang tinatraidor ako ni Liyong?" Saad niya sa kaniyang sarili pagkatapos ay nakinig siyang muli.

"Ano na ba ang maging pasya mo, anak? Ikaw ay aking pinapatawad sa iyong naging kasalanan." Saad pa ni Alfonso sabay tayo sa pagkakaupo at nilapitan ang anak.

Hindi umimik si Liyong bagkus ay ngumiti ito ng nakakaloko.

"Kung nais mong umanib ay ipaghahanda ko ahora mismo ang mga ritwal para maging isang ganap kang bampira," Litanya muli ni Alfonso. "Alam kong pinagsawaan mo na rin ang anak ni Don Xavier. Masarap ba ang isang taong-lobo, Leopoldo?"

Napapikit si Liyong at pinipigilan na masukot sa sinasabi ng ama. Kailangan niyang manatili sa pagiging kalmado.

Samantala, sa narinig ni Don Xavier ay hindi niya maiwasan na sumilip at pagmasdan ang dalawa. Kumukulo na ang kaniyang dugo at nais nang sugurin ang mga ito.

"Magiging kaanib niyo ako." Biglang sambit ni Liyong sabay tayo, "Pero sa isang kondisyon..."

Napataas ang isang kilay ng gobernadorcillo sa tinuran ng binata.

"Ayaw kong maging bampira. Kung mamamatay man ako ay wala akong pakialam." Matigas na turan ni Liyong.

Naningkit ang mga mata ni Alfonso dahil sa sinabi ni Liyong, umarkong pababa ang kaniyang bibig at tumango-tango na lamang. "Bueno, kung iyan ang iyong nais ay tinatanggap ko. Anak pa rin kita kung kaya ay hahayaan ko ang iyong pagpapasya."

Napahinga nang malalim si Liyong at nanalangin gamit ang isipan na nawa'y tulungan siya ng Panginoon sa planong gagawin.

Mula sa itaas ay nakadungaw lamang si Celia habang may pagnanasang nakatingin sa binata. Lubos na nasiyahan siya noong gabing nahila niya ang buhok ng babaeng sinasabi ni Emilia na iniibig ni Liyong.

Sa kabilang dako, sobrang dismayado si Don Xavier sa nakita. Nais niyang balaan si Dolorosa na layuan si Liyong. Tinuring na nilang isang kapamilya ang binata pero ito ang naibalik sa kanila.

Tumayo na si Liyong at tinanggap ang kamay ng ama na ngayon ay nais magkamayan sa kaniya, "Salamat, ama." Saad niya pa rito kahit na sukdulan na ang kaniyang pagkasukot sa mga tinuran.

MADALING araw na nang makabalik ng balwarte si Don Xavier dala ang bigat na nararamdaman. Kahit na maginaw ang paligid dulot ng hamog sa madaling araw ay nangingibabaw ang init ng kaniyang ulo.

Nang makapasok sa tahanan ay mabuti na lamang at hindi pa nagigising ang esposa. Tumungo siya agad sa kaniyang silid-pagamutan at doon ay agad na hinubad niya ang itim na talukbong at tumungo sa isang tukador na naglalaman ng mga vino. Agad niyang nilagok ang likido sa isang bote at pabagsak na inilagay ito sa bakanteng mesa.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now