Kapitulo - IV

109 17 85
                                    

MAINGAT na binuksan ni Marco ang pintuan ng mansion upang hindi makalikha ng tunog. Pagkagaling sa paaralan ay dumiretso sila ng kaniyang mga kaibigan sa bahay-aliwan.

"Napakasipag mo yata mag-aral at inabot ka ng hatinggabi?" Seryong saad ni Don Xavier sa anak. Nakaupo lamang siya sa isang silya at humihithit ng tobacco.

Parang naging tuod si Marco nang marinig ang boses ng ama. Hindi niya agad namalayan o naramdaman ang presensya nito.

"Umupo ka." Kalmadong pakli ni Don Xavier.

Walang nagawa si Marco at napaupo sa isang silya. Magkaharap na sila ngayon ng ama. Walang anong salita ang lumabas sa bibig niya.

"Samahan mo ako rito uminom."

"M-may pasok pa ho ako bukas, ama."

"Ganoon ba? Ayaw mo ng serbesa? Hindi ba't paborito mo ito?" Tanong ng Don at inalog ang bote na may lamang serbesa. "Pagbigyan mo ako kahit ngayon lang." Seryosong saad ni Don Xavier.

Napahinga ng malalim si Marco at kinuha ang baso at nilagyan agad iyon ng kaniyang ama ng serbesa.

"Iyan ang gusto ko sa'yo, sumusunod."

Lumipas ang isang oras ay halos hindi na maaninag ni Marco ang paligid sa sobrang hilo, para siyang nahihirapang huminga.

"Hindi ko gusto ang nagsisinungaling sa akin." Seryosong wika ni Don Xavier sa anak na ngayon ay napapapikit sa hilo. Nilagyan niya kanina ang serbesa ng isang kakaibang katas ng halaman na kung may taong nagsisinungaling at nainom iyon ay mahihilo. Kapag hindi naman, ay walang talab ang katas ng halaman.

"T-tulong... ama, h-hindi na ako m-magsisinungaling." Pagmamakaawa pa ni Marco. Sa palagay niya ay bumabaliktad ang lahat sa kaniyang paningin.

Nagising naman si Adrian sa ingay ng kapatid at naisipang lumabas.

"Tulungan mo ang iyong kapatid na papasukin sa kaniyang silid." Ani Don Xavier at tumungo na agad sa malaking kwarto.

Agad naman na tinulungan ni Adrian si Marco para makapasok na rin sa sariling silid.

KINAUMAGAHAN ay wala sa kalooban ni Dolorosa ang bumangon, naaalala niya pa rin kahapon ang manggang inu-uod.

Naiinis siya kapag sumasagi sa kaniyang isipan ang ganoong eksena.

"Don Xavier!"

Napabalikwas ng bangon si Dolorosa nang marinig ang nagmamakaawang boses ng isang Ginang sa labas ng kanilang tahanan.

Sa nakikita ni Dolorosa ay akay nito ang anak na babae na walang malay.

Agad na napalabas si Dolorosa at gustong maki-usyuso.

"Don Xavier, tulungan niyo ho kami!"

Agad naman na pinapasok ng don ang Ginang at anak nito. Napahanda rin si Doña Araceli sa loob ng silid-pagamutan ng mahihigaan ng dalaga.

"K-kumakalat po ngayon ang hindi namin alam na karamdaman, Don Xavier. Ikaw na agad ang aking pinuntahan dahil ito ang sinabi sa akin ni Ginoong Himala."

Napalingon si Doña Araceli sa sinambit na pangalan ng Ginang.

"Himala La Del Barrio, ba kamo?" Pagkukumpirma pa ni Don Xavier.

"Opo. Kaninang madaling araw, halos lahat ng dalaga sa San Fernando ay nagkaganiyan! Tapos nang makita ako ni Ginoong Himala ay agad na ikaw ang kaniyang binanggit, tapos nang makarating kami rito, maraming nagturo sa akin kung saan ang inyong mansyon." Ani Ginang.

Nahahalintulad ni Xavier ang kalagayan ng dalaga sa naging kalagayan ni Immaculada noong isang araw.

Natunghayan ni Dolorosa ang ganoong eksena. Pumasok siya muli sa kaniyang silid at kumuha ng papel at pluma.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now