Kapitulo - XXX

61 5 91
                                    

UMIIKOT na ang buong paligid sa paningin ni Dolorosa nang makarating siya sa Barrio Querrencia. Lubhang nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa pagod at paghihinagpis.

Iilang yapak na lang sana nang bigla na lamang siyang bumulagta sa damuhan dahil sa nanlalabo na ang kaniyang paningin. Napapikit na lamang siya at hinayaan ang sistema na bumagsak.

Sa kabilang dako, unti-unti at dahan-dahang gumagalaw ang galing sa hardin na mga baging patungo kay Dolorosa at dahan-dahan din ang pagbuo nito na tila isang higaan para sa dalaga upang maihatid ito sa harapan ng pintuan.

Pagkatapos ay unti-unting inilapag ng mga baging ang kawawang si Dolorosa na nawalan na ng malay. Bumalik din sa dating pwesto ang mga baging na tila nabuhay lamang upang pagsilbihan at tulungan ang tagapangalaga sa kanila.

Samantala, nang mabuksan ni Doña Araceli ang pintuan ng silid ni Dolorosa ay laking pagtataka na lamang niya na wala na ito sa higaan. "Mahal! S-si Dolor, wala na naman!" Nag-aaalalang tawag niya sa esposo.

Napatayo na lamang bigla si Don Xavier sa pagkakaupo na mag-aagahan na sana. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkabahala at agad na umakyat sa hagdan at tumungo sa silid ng unica hija.

Nagkatinginan pa si Marco at Adrian bago napatayo at makiusyuso sana nang marinig nila ang tunog na nanggagaling sa labas ng pintuan. Tila tinutuka ito, isang senyales na may nakaabang na misteryo sa labas.

Agad na tumungo si Marco sa pintuan pero bago pa man niya buksan ay sinilip muna niya ang bintana. Nagulat siya sa kaniyang nakita, isang uwak ang kumakatok sa pintuan gamit ang tuka nito. Nakita niya rin na nakahandusay ang kapatid, "Ama! Si Dolor, nasa labas at walang malay!"

Napatakbo si Adrian sa gawi ni Marco at agad na binuksan ang pintuan. Pagkatapos ay pinulsuhan niya ang kapatid, "Mahina ang kaniyang pulso," Saad niya pa, hinipo rin niya ang noo at leeg ni Dolorosa, "Lubhang napakainit niya!"

Walang ano-ano'y agad na binuhat ni Don Xavier ang anak. "Kailangan niyang magamot, masama sa ating lahi ang pagkakaroon ng lagnat," Seryosong saad niya pa. 

"Padre mia, ang aking unica hija!" Bulalas ni Doña Araceli, namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata at hinawakan ang isang kamay ni Dolorosa sabay hinalikan. Hindi niya maarok kung bakit ang dumi na ng damit nito.

SA mansyon ng mga Echeverria, ay naroroon si Liyong  na halos gibain na ang bakal na nakapulupot sa kaniyang paa. Umuusok na ito pero kahit anong gawin niya ay hindi nagigiba ang bakal.

"Leopoldo," Bigkas muli ni Alfonso sa pangalan ng anak na ngayon ay nakikita niyang nagpupumiglas na sa galit, "H-hindi ako makapaniwalang magkikita tayong muli,"

"Mas gugustuhin ko pang mamatay, hindi ka lang makita! Pero tunay ngang mapagbiro ang tadhana, tayo'y pinagtagpo sa hindi mabuting paraan! Sakim ka pa rin sa kapangyarihan! Makasarili at walang paninidigan!" Buwelta pa ni Liyong. Tagaktak na ang kaniyang pawis at ang luha sa mata'y umaagos na sa kaniyang pisngi, "Hindi mo man lang naisip si ina! Hindi ka naging mabuting ama at esposo, putangina mo!" Nanggagalaiting saad pa niya.

Hindi makakurap si Emilia sa natunghayan, hindi niya namukhaan ang binata dahil tatlong taong gulang pa lamang ito noong huli niyang kita bago siya tumungo sa Europa.

"Kumalma ka, Liyong! Tutulungan kita, hindi na sasakit muli ang iyong damdamin. Ito na ang pagkakataon na makabawi ako sa aking pagkukulang bilang ama." Kalmadong saad ni Alfonso habang seryosong nakatingin sa anak, "Patawad, anak. Nawa'y patawarin mo ako, pakiusap"

Via DolorosaWhere stories live. Discover now