Chapter 22

2.2K 143 36
                                    

~•[Chapter 22]•~

SEISHA:

Para akong ibon na lumilipad nang magdilat ako ng mga mata. My head is so light that I can really feel like I was flying.

Hindi pa nakatulong ang mabigat na katawan ko, hindi ko nga magalaw ng maayos ang aking paa dahilan para mawalan ako ng balance.

The moment I woke up, I immediately took off from bed and how I wished I didn't do that. Wala akong lakas bumangon kaya nagkamali ako ng apak.

Bukod sa ramdam na ramdam ko talaga na para akong lumilipad, ramdam na ramdam ko din na may brasong yumakap sa akin para hindi ako magkaroon ng face to face battle sa carpet at dumi nito.

"Careful," rinig kong wika niya.

Sino ba 'to?

"Sino ka? Bitawan mo nga ako— ooh, shit, ginawa mo naman!"

Binitawan niya nga ako kaya sinalo muli ako ng aking kama. Iyon din ang dahilan ng pag-ikot ng aking paningin, kaya napahawak ako sa aking ulo.

"Give me some Tylenol. My head is ripping apart," wika ko sabay gulong sa kama ng nakapikit.

Masyadong mina-martilyo ang ulo ko sa sakit para tingnan kung sino ang narito sa kwarto ko.

"What is Tylenol?"

"Boang ka ba? Saang lupalop ng planeta ka ba belong pati paracetamol hindi mo alam?"

Hindi ko mapigilan mainis sa tanong niya. Para na kasi akong niyuyugyog ng todo dahil halos mamulupot ako sa sakit.

"Whoever you are, call Gwen. Ang sakit ng ulo ko, para akong nag-marathon habang 50 degrees 'yong init ng araw!"

"Who's Gwen?"

Dang it!

I used my knees to give my body some raise to level with this man's height, but my vision only reached his chest.

"Hoy, kung sino ka man. Paano ka nakapasok sa unit ko? Magnanakaw ka ba? Kung ako sa 'yo, nakawin mo na lahat habang wala akong kalaban-laban dahil kapag naging matino ako, itatapon kita gamit ang bintana! Marunong ako ng konting martial arts—"

Naputol ang sasabihin ko dahil sa ginawa ko. I was throwing some punches in the air, but my vision was cluttering hindering me to see things clearly. Isama pa na nahihilo ako kaya bumagsak lang ang katawan ko. Wala akong energy gumalaw.

"My credit cards are inside my Dior pouch, kunin mo na lang ang laman, 'wag lang 'yong school ID ko dahil papatayin ako ng Dean kapag nawala ko na naman 'yan!"

Wala akong narinig na boses o kahit anong kaluskus pagkatapos kung ibigay sa kanya kung saan naroon ang pera ko. Ang bait ko naman, hindi na siya mahihirapan manira ng gamit kakahanap, sinabi ko na.

"Hoy, Kuyang magnanakaw. Paki-abot naman ng tubig, please."

I extended my right hand into the air and waited for someone to give me some water. Hindi ko naman kilala kung sino ang lalaking ito. If he is a literal robber, he must spare me.

Instead of giving me water, he grabbed my hand and let me sit on my bed. Pumiglas pa ako ng biglaan niya sana akong bubuhatin.

"Manong, tubig ang hinihingi ko, saan mo ako dadalhin? Ilulunod mo ba ako sa bathtub? Naku! Naku! Mahirap akong patayin dahil nakailang lunod na ako sa sarili ko, tingnan mo, I'm still alive and kicking!"

"What got into you?"

The man has a serious voice and a deep tone. Napangiti naman ako kahit kanina pa ako nakapikit. I can't open my eyes because once I will, the whole place will dance again.

✓ | The Clandestine Memoir (Fate's Transgression Series, #1) [UNDER REVISION]Kde žijí příběhy. Začni objevovat