Chapter 47

1K 51 6
                                    

~•[Chapter 47]•~

OMNISCIENT:

Kaellius was facing back and forth in the tenth of the Zegordian General. Kulang lamang ang salitang siya ay nababahala dahil halos sumasayaw na ang mga butil ng pawis sa kanyang noo.

Kanina pa ito balisa at halos hindi na din makatulog sa gabi dahil sa kaliwa't kanan na problemang kinaharap nila ngayon.

Inatasan siya ni Lucius na hawakan pansamantala ang baraks habang nasa Suin ang prinsipe. Ngunit, ang problemang ito ay kailangan ng presensya ni Lucius.

"Sir!" A knight suddenly emerged inside the tent and kneel in front of him as his right hand formed into first and touched the open left hand. "The General has arrived, sir."

Tila nabunutan ng tinik si Kael sa anunsyo ng kabalyero at mabilis na lumabas ng tent para salubungin ang dumating. Sergeant Major Sebastian of Finburgh, and Crown Prince Lucius of Zegordia went out from the berserker.

Dahil naka full speed and sasakyan at nasa high power ang machine, nakarating sila sa barracks ng dalawampung minuto lamang. That is one of the main components of the berserker as it is powered with a powerful chip made by Prince Lurren when he was still the handler of L-Project.

The chip is important, kaya minsan naka-manual lamang ang sasakyan para maiwasan na may makaalam nito.

"Lucius, laking pasasalamat ko nang dumating ka na! Ayoko na dito, masakit sa ulo at halos binabangungot ako gabi-gabi!"

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ka nagpadala ng sulat? Para magmaktol? Alam mo ba na maraming problema sa Suin at sa kaharian, tapos idadagdag pa ba natin 'yang kadramahan mo!?" halos isigaw iyon ni Sebastian sa kaibigan niya. Hindi naman ito galit pero kung mang-inis naman ay parang papatayin sa kaba si Kael. "Biro lang, pare! Na-miss din kita!"

"Punyeta, Erique! Hindi ka nakakatawa!" inis na bulyaw naman ni Kael. "Hindi ako nagbibiro. Kahit pa sabihin na sinusunod ko ang plano na binigay ni Lucius, hindi maipag-kakaila na minsan may nangyari na hindi nakasunod sa nakasulat. I did my best to win each battle, pero napapaisip ako kung bakit!"

"Because we are changing the course," Lucius said without showing his emotions. "I will give you another plan, Kaellius. Make sure you follow the formation. I know Revenia has already realized why we are winning."

"Did they already know that the Golden Iris has descended here?" gulat na gulat na tanong ni Kael. "Alam ba nila kung sino? Is the princess' life in danger!?"

"Ang panget talaga ng reaksyon mo," banat ni Sebastian. "Pupunta na sila Lucius sa Palasyo sa susunod na linggo, kaya malamang nakarating na sa traydor na iyon ang anunsyo, at ipaparating niya sa Emperador ang balita."

"Why can't we kill that fucking traitor!?" giit ni Kael habang pinipigilan niyang magalit.

Alam niyang kapag nalaman ng Imperyo ang totoong pagkakakilanlan ng Prinsesa ng Henia ay magpa-plano na ito ng pagsugod anumang oras ngayon. Natatakot siya para sa prinsesa kahit alam niyang wala itong pagtingin sa kaniya at habang-buhay niya lamang itong makikita sa malayo.

Walang balak si Kael mamagitan sa pagmamahal ng dalawa, dahil sa umpisa pa lamang ng kwento ay wala na siyang papel, maliban sa pagiging matalik na kaibigan ng Crown Prince. All he wanted was for the Princess of Henia to be safe.

He is rooting for their love, despite being heartbroken in the process. Hindi lang din naman siya ang natatakot sa mangyayari, lahat sila sa katunayan ay nagagambala kahit alam nila ito, hindi naman nila mapigilan o wakasan.

"We cannot kill a minister, Kael. He will only be killed if we present evidence to his highness which we do not have now. Hindi naniniwala ang hari sa paratang natin kung walang ebidensya."

✓ | The Clandestine Memoir (Fate's Transgression Series, #1) [UNDER REVISION]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin