Chapter 31

1.6K 101 17
                                    

~•[Chapter 31]•~

SEISHA:

This is a huge disadvantage. Hindi ko alam kung ano ang e-re-react ko nang biglang lumabas ang mga alaala na hindi naman akin. My scientific explanation ba ang mga ganitong sitwasyon?

Is this acceptable? Nasa pag-aaral na ba na may posibilidad magkaroon ng halo-halong ala-ala kapag ang isang kaluluwa ay napunta sa ibang katawan?

Reincarnation and transmigration can be seen in the dictionary, but the actual study of this theory was never in the limelight.

Hindi ko pinagtutuunan ang mga ganitong issue dahil masyadong mababaw ang impormasyon para maging totoo, at halos lahat ng mga bagay ay umiikot lamang sa teorya at ipotesis, at magkakaroon lamang ng kahulugan kung may karagdagang pag-aaral sa kanilang aspeto.

In my world, there are a lot of theories regarding this aspect. May movies, series, and even books about them. But is it true? Minsan kasi sa sobrang pagmamalabis natin sa siyensya, napupuno tayo ng kaliwa't kanan na impormasyon at hindi na natin alam kung alin ang totoo.

There should be an explanation to why I am having memories of the princess.

Is it because I am living in this world longer and if this continues, is there a possibility that Seisha and I will merge into one? Is this freaking possible?

Ayaw ko naman pangunahan muli ang isipan ko, pero ayaw ko naman din maging karakter ng mundong ito at sa katawan pa talaga ng isang prinsesa? There is no freaking way I will live as a Queen of Zegordia!

I need to sort this internal turmoil. Hindi pwedeng manatili ako dito ng matagal. Kailangan bumalik ang babaeng iyon. Masyado ng matagal ang panantili ko dito.

I need to know why these memories attacked me...perhaps, Seisha is communicating with me? Is there a chance that she wanted to make a connection with her own body?

Bakit ba ang daming posibilidad tapos kaunti lang ang impormasyon para malaman kung alin ang totoo?

Nakakainis ah, puro na lang ako tanong ng tanong, tapos ni isa sa kanila wala namang nasagot. A question under a pile of questions. They keep growing and will eventually make me insane. This is outrageously annoying.

"Sasha..."

Nag-angat ako ng tingin. Hindi ako praning o baliw para isipin na may kaibahan ang Lucius na una kong nakilala sa Lucius na kaharap ko ngayon.

His behavior changed when I got sick, and I thought it was because he does not want to put himself in a position to be questioned by the royal court.

Akala ko ang kilos na iyon ay panandalian, subalit nagkamali ako. After my unusual behavior when getting sick, to his sudden presentation of that prenuptial agreement, and now, to his intrinsic behavior.

Una kong napansin na hindi na niya ako tinitingnan na para bang papatayin niya ako, pangalawa ay sa uri ng pananalita niya.

Before, his voice was firm and full of disgust, but now, it was calm. Hindi na siya galit na parang gusto akong lapain dahil isa siyang nakawalang tigre. Pangatlong bagay na napansin ko ay ilang piling ekspresyon na nilalabas niya.

Unang pagkilala ko sa lalaking ito ay hindi siya mahilig maglabas ng emosyon, pero pagkatapos nga ng lagnat ko, doon ko napagtanto na marunong pa itong ngumiti. Sadyang ang galit niya sa lahi ko ang tumatangay sa sigla ng mga labi niya.

"Did your memory return?" He asked.

I parted my lips to spill the answer, but I left them hanging for a few seconds before I closed it back and shook my head. I would be lying if I said it came back, because I know these memories weren't mine.

✓ | The Clandestine Memoir (Fate's Transgression Series, #1) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now