1.Warning Advice

4K 46 0
                                    

This is a work of FICTION any name, business, places or events similar to the story are coincidental and not related.

May contain voilent words and profanities readers discretion is advice.

Might also have a lot of typo errors, sorry in advance.

My not so first book.
Happy reading.



1. Awake

Phenny's POV

I opened my eyes and kept staring at the white ceiling. Sobrang sakit ng ulo ko parang binibiyak.

"Gising na siya sister!!!". Narinig kong sigaw ng isang batang babae.

Ipinilig ko ang ulo ko at nakita ang mga taong papalapit sa akin.

"Thank the God at nagising ka na". Masaya nitong sabi sabay antanda ng krus sa dibdib nya. Isa itong madre.

"Nasaan po ako?". Hirap na tanong ko sa kanya.

"Nandito ka sa Saint Therese orphanage anak, nakita ka naming naglalakad na duguan ang ulo sa gitna ng highway mabuti na lang at hindi ka nasagasaan nung bigla kang tumawid at nahimatay. Ano ba ang nangyari sa'yo?". Nag-aalala nitong tanong.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa totoo lang wala akong maalala kahit ano, kahit ata ang pangalan ko hindi ko matandaan. Sinapo ko ang ulo ko dahil sobrang sakit pa rin nito.

"Ate anong pangalan mo?". Narinig kong tanong ng isang bata sa akin at agad naman akong sumulyap sa kanya. Wala akong maisagot.

"Phenny na may h, yun yung sabi nya di ba habang nakapikit yung mata nya!". Sigaw ng batang lalaki sabay takbo lapit sa amin.

"Ate Phenny okay ka na po ba?". Kumurap kurap pa sya pagkatapos magtanong. Natawa ako at umoo na lang.

"Ah!". Napatango tango ang madreng kaharap ko at nagsalita ulit. "Nasaan ang pamilya mo Phenny, para naman matawagan na namin at malaman nilang ligtas ka".

Tumingin ako sa mukha ng madre at mabilis na namang gumana ang utak ko. Dahil wala akong maalala gagawa na lang ako ng kwento.

"Wala na po akong pamilya. Namatay na po ang mga magulang ko at kung saan saan na lang po ako nakikitira. Nadisgrasya po ako nung pinalayas ako ng dati kong tinitirhan hindi ko alam ang pupuntahan ko kaya nagpalakad lakad na lang po ako". Nagulat ako sarili ko. Wala akong matandaan kahit ano pero bakit ang galing kong magtahi ng kasinungalingan.

"Naku nakakaawa ka namang bata ka. Ulila ka na pala at mukhang napakabata mo pa, ilang taon ka na ba?". Kitang kita ko ang awa sa mukha ng madre habang kinakausap ako pero ang pansin ko ay hinatak ng tanong nya, maganda ang tanong niya, ilang taon na nga ba ako?.

"Sixteen po". Mahina kong sabi. Ewan ko kung maniniwala sila.

"Ah sixteen ka na pala, akala ko mga kinse ka lang o katorse napaka amo ng mukha mo, napaka ganda mong bata ka buti at hindi ka napahamak sa kalye". Iiling iling nitong sabi. "Ako nga pala si Sister Luz ang Head Nun dito sa orphanage. Minor ka pa naman kaya mag stay ka muna dito. Ahm, hanggang saan pala ang naabot mong grado?".

"Hindi po ako nakapasok ng eskwelahan tinuturuan lang po ako ng nanay ko sa bahay". Saludo na talaga ako sa sarili ko ang galing kong magsinungaling.

"Ah, ganun ba... Hayaan mo at meron tayong institusyon sa gobyerno para makapasa hanggang high-school ang mga hindi nakatuntong ng eskwelahan na mga kabataang nagka edad na. ALS kung tawagin yun habang nandito ka matuturuan ka namin". Napabuntung hininga na lang si Sister Luz pagkatapos magsalita.

"Salamat po". Yun lang ang nasabi ko sa kanya. Napapikit ako para mag isip pero ano ba ang dapat kong isipin kung wala tala akong maalala.

"Phenny magpahinga ka na ulit. May dala pala kaming pagkain at gamot kung kaya mo na iiwan na lang namin dito".

Inilahad nya ang maliit na mesita sa tabi ng higaan ko at nilingon ko yun.

"Maraming salamat po". Nagsukli na lang ako ng ngiti sa kabaitang ipinakita ni Sister Luz.

"Halina kayo mga bata, wag nyo ng guluhin si ate Phenny nyo dyan". Pagtataboy nya sa mga batang kanina pa nanonood sa amin.

"Ba-bye ate Phenny magpagaling ka tapos maglaro tayo ha!".

"Ate Phenny dun ka sa kwarto namin pumunta ha pag magaling ka na!".

"Hoy Isko pang boys yung kwarto nyo girl kay si Ate Phenny!".

"Naku magsi tigil nga kayong mga bata kayo, sya labas na". Saway ni Sister Luz sa kanila.

Napangiti ako sa mga batang nakaway habang palabas ng kwartong inuukopa ko.

"Shit!... Bakit wala akong maalala". Naiinis kong sambit sa sarili ko.

I'll stay here hanggang sa maalala ko kung sino ako. I need to know what happened and who I am.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now