15. My Princess

1.4K 36 0
                                    

Cronus POV

  Para akong binuhusan ng malamig na tubig at napahiya. Pero okay lang wala namang nakaka alam maliban siguro kay Manang Tacing na biglang tumingin sa kisame. Kung hindi uubra ang mysterious grin kailangan ko ng ibang strategy para mahulog ang loob ng prinsesa ko.

  "From now on I will call you Princess and everytime I say that name you will come to me or talk to me, got it". Sinsero kong bilin sa kanya.

  "Ah... Okay po Sir Cronus at pasensya na po hindi ko po alam na pinapalitan nyo po pala ang pangalan ng mga nagtatrabaho sa inyo". Nahihiya nyang tugon.

  "Not all Princess only you at ayokong may ibang taong tatawag sayo nyan ako lang understood!". Mariin kong bilin sa kanya at tumango tango lang sya. Alam kong nagtataka sya pero hindi na lang sya nagtanong.

  "Sige po Sir Cronus Tatandaan ko po".

  "And Princess stop calling me Sir... Just Cronus".

  "Just Cronus?.... Bakit po Sir Just Cronus po ba ang buo mong pangalan?". Inosente nyang tanong na mahinang ikinatawa ng ibang maid. Pagtingin ko sa kanila ay bigla silang nagyukuan.

  "Cronus... Tawagin mo akong Cronus, ayoko ng may Sir... Understood?". Tagalog na talaga ang ginamit ko para maintindihan nya. Kailangan ko atang maghanap ng tutor mukhang mahina ang ulo ng prinsesa ko.

  Thumbs up na lang ang sagot nya na kina iling ko.

  "Manang Tacing how about the room?".

  "Okay na po Sir Cronus pwede nyo na pong puntahan para makapag pahinga".

  "Ihahatid ko lang si Phenny sa room nya then babalik din ako". Iyon lang at inaya ko na si Phenny paakyat sa hagdan.

  It was a grand staircase at naaliw akong panoorin si Phenny na manghang mangha sa inaakyatan nyang hagdan. Maybe the distraction help me para mas matagal kong hawakan ang kamay nya. I held her hand and drag her gently baka kasi sa sobrang kalilinga nya madapa na sya.

  Sa hallway ng second floor ay hindi pa rin nawawala ang paghanga nya sa mansion ko and I am so proud of myself dahil hindi nasayang ang effort ko at ang babaeng gusto kong itira dito na kahit di nya pa alam ay na appreciate lahat ng hirap ko.

  "Princess, this will be your room". At binuksan ko ang malapad na pinto ng kwartong uukupahin nya.

  "Wow!".

  I chuckled, seeing her bright wide eyes and that cute O shape on her mouth means she really is satisfied.

  "You like your room?". I asked her habang nakasandal sa hamba ng pinto.

  Sunod sunod na tango ang ginawa nya along with her wide smile.

  "Tama na baka mabali na ang leeg mo nyan". At napatawa ako ng malakas habang pinipigilan ko ang ulo nya para kasing magkaka stiff neck na sya kaka tango but man!... I am so damn happy.

  I saw how her expression change and how her cheeks blushed. She gave me a smile that i thought the most beautiful I've ever seen in my life. Parang ako naman ata ang magba blushed kaya tumikhim ako at napatingin sa sahig.

  "You can use that closet". Turo ko sa built in cabinet ng kwarto.

  Napatingin sya sa lugar na itinuro ko at dun tumakbo. Nakita nya kasi na nasa tabi nun ang bag na dala nya. Gusto ko na sanang ipatapon yun kaya lang baka may mahalaga pa syang gamit na iniingatan. Besides ayoko syang magalit sa akin.

  Agad agad nyang binuksan ang cabinet at bigla ding napatigil sabay tingin sa akin.

  "Sir..."

  Itinaas ko ang index finger ko then wave it. Mukha namang nakuha nya agad ang ibig kong sabihin. Napangiti sya at napatakip sa bibig nya.

  "Cronus... Puno na yung cabinet oh". Sabay turo sa mga damit na nakasalansan.

   Napangiti naman ako sa pagkakasambit ni Phenny sa pangalan ko sobrang lambing. I feel like I want to kiss those soft lips tuwing babanggitin ang pangalan ko.

  "It's all yours Princess". Buong yabang kong sabi na ikinagulat nya.

  "Akin lahat po ito?". And there it is again the beautiful amazement in her eyes.

  "Aha!... Di pa ako nasahod ang dami ko ng utang!". Bulaslas nya.

  Akala ko mahuhulog ako sa kinasasandalan ko. My smile fade instantly ng marinig ko ang sinabi ni Phenny. I did said that those clothes are for her... Did I?. When my bitches received expensive things from me kulang na lang halikan nila pati talampakan ko. But why did Phenny think na lahat ng binigay ko eh utang. I really need to teach her how to become a spoiled princess. I need to spoil her rotten.

 

 

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now