48. Nightmares

1.3K 30 0
                                    

Cronus POV

   Pareho kaming nagulat ni Troy sa sinabi ni Phenny.

   May amnesia si Phenny?...

   Nag alala akong bigla. Paano kung bigla syang maka recover at maalala nya ang lahat, will she leave me?... Tanong na ayaw kong masagot dahil baka iba sa ini expect ko.

   Naaalarma na ako sa mga naiisip ko.

   "Princess bakit di mo sinabi agad na may ganyan ka palang problema para nagawan ko kaagad ng paraan". Nag aalala kong sabi sa kanya.

   "Okay naman ako Cronus parang wala namang kulang kahit wala akong maalala. Tsaka... Ewan ko... Pakiramdam ko kasi ayokong balikan yung nakaraan ko... Para kasing nakakatakot tulad nung mga nightmares ko". Sabi nito ng naka ngiti.

   While I was wondering if she ever wonder or want to know who she really is.

   "Ibig sabihin nagsinungaling ka sa madre nung tinanong ka nila?". Tanong ni Troy na punong puno ng interest ang mga mata.

   "Opo!". Maikling sagot ni Phenny na parang hindi malaking problema ang pagkakaroon ng gap sa memory nya. Pero para sa akin, this problem is as big as mount everest.

   "Nakita ako nila Sister Luz na naglalakad sa highway nung pabalik na sila sa orphanage. Basang basa daw ako at duguan ang ulo. Nag alala sila nung bigla akong hinimatay sa kalsada kaya tinulungan na nila ako. Tinanong nila ako ng kung ano ano tapos sinasagot ko lang din sila ng kung ano lang ang sabihin ng utak ko at lumabas sa bibig ko. Iniisip ko nung una na baka mamaya bumalik din ang alaala ko tsaka na lang ako magpapaliwanag kaya lang inabot na ko ng two years sa orphanage walang alaalang bumalik. Except for those nightmares". Mabahang paliwanag nito kahit di pa kami nagtatanong.

   "What are your nightmares! ". Interesante kong tanong.

   "Maraming maraming tubig. Halos malunod ako at hindi na maka hinga. May naririnig din akong tumatawag sa akin pero hindi ko maintindihan yung sinasabi nya at hindi ko rin makita yung mukha nya". Napa kibit balikat pa ito.

   Now I know why she's so afraid of our swimming pool. She had a traumatic experienced with water.

   "My poor princess". I hugged her tight. I want her to feel that she is safe here with me.

   "Cronus".

   "Yes princess?".

   "Wag mo akong isusumbong kay Sister Luz ha!".

   "Of course!". Dahil wala akong balak mawalan ng girlfriend.

   After that talk. Hinatid ko na si Phenny sa room nya. I stayed for a while kahit ayaw nya dahil nahihiya raw sya kasi maglilinis pa daw sya ng katawan before she goes to sleep. Pero wala rin namang nagawa ang kakulitan nya sa tigas ng ulo ko. I only left her side ng makita kong mahimbing na syang natutulog. I gave her a peck on her forehead then leave. But tonight I left her room with a lot of worries in my mind.

   "Did a new secretary arrive?". I asked the person who was waiting for me outside Phenny's room. It was Troy.

   "He'll be there tomorrow".

   "Tell Ezra to let the other people train him. I need her here".

   Him.... My new secretary is a man. Ayoko ng maulit yung mga nangyari dati. I don't want any bitch to criticize or insult my princess.

   "Are you planning to give Phenny a bodyguard?". Troy asked seriously. Alam nya ang tumatakbo sa utak ko ngayon. No one knows me better than him.

   "Hanggang hindi ko pa alam ang tunay na lagay ni Phenny I want someone to stay beside her. Ayokong magulat na lang isang araw tinakbuhan na nya ako dahil naalala na nya ang nakaraan nya". My forehead creased. Kahit mag hire ako ng isang libong tao masigurado ko lang na hindi nya ako matatakbuhan.

   "I knew it!.... You have no plan on bringing her back to her family, if she still have a family". He chuckled.

   "No fucking way!... She's mine and she is only belong to me walang pwedeng kumuha sa kanya kahit sino pa sila!". Tiim bagang kong sabi.

   We went to my library/office and saw my people waiting for me. At parang hari akong umupo sa trono ko. While my cousin stands on my side.

   "Ben and Jun.... I heard your name from my girlfriend's mouth". I said without a hint of emotions.

   Biglang nagluhuran ang dalawang lalaki sa harapan ko. Pleading.

   "Boss Cronus patawarin mo na po kami. Nag papa lipas lang kami ng oras ng makita kami ni Ma'am Phenny. Sinabi naman po namin na bawal kaya lang po...." Naputol bigla ang sasabihin nya.

  "What did she do?". Alam kong may kalokohang ginawa si Phenny.

   "Tinakot po kami ni Ma'am Phenny Boss, isusumbong daw nya po kami sa inyo pag di namin sya pinasali at ipapaputol daw po nya ang mga kamay namin kasi ginalit daw namin sya". Si Jun ang sumagot na ikinatawa ng husto ni Troy.

   Di ko alam kung mapapangiti ako o mapapangiwi. Akalain mong gamitin ang pangalan ko para lang manakot ng tao at masunod sya.

   "Your princess is a very, very nice girl". Sabay hagalpak ng tawa si Troy. Napahawak pa nga sa tyan.

   Akala ko kelangan pang turuan ang prinsesa ko para katakutan ng mga tauhan ko yun pala mas matindi pa palang manakot kesa sa akin.

   "Anyway... Alam nyo naman ang rules ko di ba?". Binuksan ko ang drawer ko at kinapa ang laman nun.

   "Boss Cronus isa pa pong pagkaka taon. Hindi na po kami uulit". Si Ben na halos maglupasay na.

   "Boss maawa po kayo may asawa't anak pa po kaming umaasa sa amin". Iyak naman ni Jun bahang ang mukha ay naka halik na sa sahig.

   "Tumayo kayo dyan!". Sigaw ko pero hindi sila nagsikilos kaya itinayo na sila ng sapilitan ng iba kong tauhan.

   Habang nag iiyakan ang dalawa inilabas ko ang bagay na kanina ko pa kinakapa sa drawer ko at mabigat kong ibinagsak sa table ko. Napa lundag yung dalawa sa gulat.

   "Sa susunod na mag tong its kayo ng Ma'am Phenny nyo siguraduhin nyong mananalo sya palagi". Matigas kong utos sa kanila.

   Nanlaki naman ang mga mata ni Ben at Jun ng makita nila ang isang bundle ng perang tig i isang libo na ibinagsak ko sa lamesa. Akala siguro ng mga to baril ang ilalapag ko.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now