46. Jowa

1.3K 29 0
                                    

Cronus POV

   I left as soon as I gave my order to them bahala na si Dredd he knows what to do. Si Troy naka buntot na sa akin papasok ng mansion. This person have no intention of leaving me alone.

   Malapit na ako sa dining area ng marinig kong masayang nagkukwentuhan si Phenny at Mika.

  "Talaga Mika ten thousand ang sahod mo dito?". Manghang tanong ni Phenny.

  "Opo Miss Phenny kasama pa nung ibang benefits na nakalagay dun sa kontratang pinirmahan namin. Kaya sobrang pasalamat ko nung kinuha ako ni Tiyo Julio sa amin at ipinasok dito. Mabait ang mga Montague basta wag ka lang gagawa ng kalokohan". May himig ng pasasalamat at tuwa ang boses ni Mika habang nagkukwento.

  "Bakit kaya ako hindi pa napirma ng kontrata natatakot tuloy ako baka bigla akong alisin ni Cronus sa trabaho". Nalulungkot nitong sabi.

   Narinig kong napatawa ng mahina si Troy kaya siniko ko sya.

  "Ha!.... Bakit mo naman iniisip na tatanggalin ka ni Sir Cronus eh girlfriend ka nun tsaka isa pa dapat nga hindi ka nagtatrabaho bilang isang maid kasi boyfriend mo yung amo natin". Bulalas ni Mika.

  "Boyfriend ko sya hindi ko sya tatay kaya wala syang responsibilidad na pakainin at gastusan ako. Isa pa ayoko ngang matawag na gold digger hindi ko naman minahal si Cronus dahil sa pera nya. Minahal ko sya kasi ang pogi nya tapos ang bait pa". At sabay pang nagtilian ang dalawa.

  Feeling proud boyfriend here. Naramdaman ko ang mahinang suntok ni Troy sa braso ko sabay abot ng kamay for a hand shake na tinanggap ko naman.

  "Congrats pinsan... Sumablay ka sa pagiging sugar daddy. Mukhang na scam mo ng husto si Phenny ah". Ngiting nakakaloko ang binigay nito sa akin.

  "Gago mo!". Sabay hagis ng kamay nya pabalik.

  Maya maya ay napansin ko ang paglabas ni Manang Tacing sa dining area.

  "Nandyan na po pala kayo Sir Cronus, Sir Troy". Magalang nitong sabi.

  "Phenny is gambling". Agad na sabi ko sa kanya. Hindi ko man lang nakita ang pagkagulat o pag aalala sa mukha nya.

   "Nalaman ko rin lang po iyon nung isang araw lang. Sasabihin ko po sana sa inyo pero nauna na po pala syang magsabi". Paliwanag nito.

  "And you let her because?". Alam kong may magandang dahilan si Manang Tacing kung bakit hinayaan nya si Phenny sa pagsusugal kahit alam nyang ipinagbabawal ko yun sa nasasakupan ko.

   "Hinayaan ko po si Ma'am Phenny kasi pag nandoon sya sa warehouse tumitigil po sya sa kalikutan nya. Madali po syang hanapin at napapakain po namin sya sa oras dahil hindi po sya naalis dun habang naglalaro. Pindagdagan ko na lang po ng taong magbabantay ang warehouse ". Mahaba nitong paliwanag.

  "So that's why she's silent for the whole week. Na miss ko tuloy yung misadventures ni Phenny". May bahid na disappointment ang tono ni Troy.

  Parang gusto kong bigawasan ang pinsan kong pinag lihi ata sa sadista. Sya ba naman ang numero unong tuwang tuwa sa kalokohan ng prinsesa ko.

  "Well if it makes Phenny behave I'll allow it pero hindi para sa lahat, yung makakalaro lang ni Phenny ang pwede. I still don't like gambling in my house".

  "Yes Sir Cronus". At yumukod na ito sa harapan namin at inilahad ang kamay nya bilang paanyaya na pumasok na kami ng dining area.

  "Cronus!". Masayang sigaw ni Phenny at sabay takbo sa akin na nakalahad ang dalawang kamay. Nakangiti naman akong tinanggap yun.

   "Sorry to keep you waiting". Sabi ko habang yakap ko sya at ginawaran ng halik sa noo.

  "Sabi mo saglit ka lang ba't ang tagal mo nagugutom na ang mga dragon ko". Naka pout pa talaga ang mga labi nito. Sarap halikan. Bulong ng utak ko.

  "Sorry princess and sorry din sa mga dragon mo na nagwawala na". Nakakatuwa para talagang bata. Pero mas gusto kong gawan ng bata.

  Inaya ko na syang kumain at pumuwesto na rin si Troy. At tulad ng dati sabay sabay na nagsilbi ang mga maids, in sync.

  "Cronus". Biglang tawag nito sa pangalan ko.

  "Yes princess?".

   "Nag resign na ba si Breena?... Hindi ko na kasi sya nakikita". Walang bahid emosyon na  tanong nito sa akin.

  Nagulat ako ng hinanap nya ang babaeng nag pahirap sa kanya noon. Naiisip kong hindi ata marunong magtanim ng galit ang prinsesa ko.

  "Natapos na yung kontrata nya dito kaya pinaalis ko na". Simple kong sagot. Hindi ko na pinaalam pa ang tunay na dahilan kung bakit nawala na ang babaeng iyon sa mansion ko.

  "Ahm.... Ako... Kelan ako pipirma ng kontrata ko?". Nag aalangan nitong tanong sa akin.

  "Soon princess... Pa pipirmahin kita ng kontrata when it's time". Then I devilishly grin. I looked at my cousin beside me and he showed me the same kind of smile. Alam na nya kung anong nasa isip ko.

   "Talaga!.... Salamat Cronus!". Tuwang tuwa ito sa narinig nya kaya biglang tumayo at humalik sa pingi ko.

  "Parang gusto ko na atang umuwi... Nakaka tooth ache na ang ka sweet-an nyo. Nakakatayo na rin ng balahibo". My pa kilig kilig pang komento ni Troy sa amin.

  "Eh bakit lagi ka nga palang nandito Sir Troy, pinalayas ka ba sa inyo o wala ka talagang sariling bahay?". Inosente ang dating ng tanong ni Phenny pero biglang nabilaukan si Troy.

  Na curious na rin ako sa tanong ni Phenny halos dito na rin pala tumira si Troy sa mansion ko. Hindi naman sa pinag dadamutan ko sya kaya lang paano kung kasal na kami ni Phenny at bubuo na kami ng pamilya. Balak ba nyang mag pa ampon na sa akin?.

  "Hindi ako pinalayas sa amin at may sarili akong condo. Kaya lang nabo bored ako mag isa kaya lagi akong nandito". Paliwanag nito na parang ayaw kong paniwalaan.

  "Ah ganun po ba?". Tatango tangong sabi ni Phenny.

  "Bakit ayaw mo na ba akong makita dito?". Tanong naman ni Troy sa kanya.

  "Hindi naman po sa ganun. Naisip ko lang na siguro kung hindi kayo pinsan ni Cronus at lagi kayong nandito baka balak nyong jowain ang jowa ko".

  Sabay na kaming napa buga ng sabaw ni Troy.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now