28. His Devil Side

1.4K 26 0
                                    

Manang Tacing's POV

   Habang pinapanood ko si Sir Cronus sa paghagupit kay Breena hindi ko maiwasang bumalik yung dating alaala ko tungkol sa naging paborito nyang ibon.

  Regalo yun ni Misis Montague sa ika labing isang kaarawan nya. Dinadala nya yung ibong naka hawla kahit saan ipinapakilala sa mga kalaro at kaibigan at halos itabi na sa pagtulog.

   Isang araw nakawala yung ibon sa loob ng kwarto nya at pinipilit nyang pabalikin sa kanya hanggang sa umiyak sya at nag sumbong na sa ina. Ipinatawag ni Misis Montague lahat ng kasambahay para lang mahuli yung ibon at ng nahuli binalian nya ng pakpak para hindi na makalipad. Ayaw rin nyang ipagamot para hindi na gumaling hanggang sa mamatay ang alaga nya. Umiyak sya ng umiyak dahil nawala ang mahal nyang ibon pero hindi nya naisip na sya ang may gawa kung bakit namatay at iniwan sya ng mahal nya.

  Si Sir Cronus Montague katulad ng mga naunang Montague ay possessive at na oobsses sa taong pinakamamahal nila. Ang sobra nilang kabaitan ay natutumbasan ng kademonyohan lalo na kapag ang mahal nila ang sinasaktan. They will kill anyone who will try to hurt or take away their love ones.

  At katulad ngayon dahil sa ginawa ni Breena, the devil sleeping inside Cronus Montague's blood is already awake. And it will never be satisfied hanggang nahinga pa ang babaeng yan.

   Kahit halos lupaypay na ang katawan ni Breena hindi pa rin tumitigil si Sir Cronus sa pag hataw. May bahid ng tuwa ang magandang mukha nya habang hinahagupit ito. His devil side surface again. Nakakatakot talaga ang isang Montague magalit.

  Iniisip ko si Miss Phenny. Paano kung malaman nya ang tunay na ugali ni Sir cronus at matakot sya. She's already inside the devil's mansion and her life will be at gate's hell once she refused to be his wife, to be the devil's wife. Sana lang matutunan ding matanggap ni Phenny si Cronus dahil si Cronus ay desidido na syang ikulong sa ginto nitong hawla.

  Luminga ako at nakita kong hawak ni Julio ang pamangkin nyang si Mika na nakasubsob sa dibdib nya. Hindi na halos tumitigil sa pag iyak. Tinatakpan naman ni Julio ang bibig ng bata kaya impit na pagak lang ang nagagawa nya habang magkayakap naman si Susan at Nenay. Pikit matang nag iiyakan ng mahina. Ako, sanay na ako sa ganitong eksena sinanay ko na ang sarili kong makita ang isang Montague na halos patayin ang kinamumuhian nila.

  Ito ang side na ayaw ipakita ni Cronus kay Phenny, his devil side. Dahil alam ni Cronus na matatakot si Phenny sa kanya at baka iwan siya at yun ang bagay na hindi nya matatanggap. At natatakot akong maging tulad ng dating alagang ibon ni Sir Cronus babalian din nya ng pakpak si Phenny para di na makalipad.

  "Tama na po Sir Cronus parang awa nyo na po wag nyo akong patayin!". Pagod na pagod at paos na ang boses ni Breena sa pagmamakaawa.

 
   Ramdam ko ang takot at pangangatal ni Breena pakiramdam ko ay mamamatay na sya. Pero sana inisip nya muna ang kahihinatnan ng mga nagawa nya bago pa nya ginawa.

  "Mika".

  Malakas na tawag ni Sir Cronus sa pamangkin ni Julio pero ang mga mata nya ay nakatutok pa rin kay Breena.

  Lumingon si Mika pero agad ding tumalikod sa sobrang takot. Punong puno na kasi ng dugo ang buong katawan ni Breena halos hindi na ito makilala.

  "Mika sumagot ka ng maayos kung ayaw mong mapahamak". Narinig kong sabi ni Julio sa pamangkin.

  "Po...bakit po?". Pautal utal na sagot nito. Tungong tungo ito sa takot.

  "Nagmakaawa ba ang prinsesa ko nung pinahirapan nya?". Malamig na tanong nito na parang nagpatayo sa mga balahibo ko. Ibang henerasyon na pala ng Montague ang kaharap ko mas nakakatakot na. Hinimas ko ang braso ko dahil nagtatayuan din ang balahibo ko sa takot sa boses palang ni Sir Cronus.

  "Hi--hindi po sir". Nangangatal na sagot ng dalaga.

  "Tiniis ng prinsesa ko yung pagpapahirap ng babaeng ito  diba?".

  "O--opo!".

  "See Breena". Iniluhod ni Sir Cronus ang isang tuhod sa tabi ni Breena at pasabunot na iniangat ang mukha nito.

  "Sir maawa po kayo, di na po ako uulit". Hagulgol na pagmamakawa pa nito.

  "Sshhh..."

   Itinapat ni Sir Cronus ang isang daliri sa labi nya.

   "My Princess never asked for your damn mercy right?... Then why are you asking for mine?". At ngumisi ito na parang nang aasar.

  "S-ir ma-a-wa na po kayo hi-hindi na po ko uulit". Halos mapugto na ang hininga nito sa pagmamakaawa.

  "You are so fucking annoying". At malakas na inihampas ni Sir Cronus ang mukha ni Breena sa semento.

  Isang malakas na tili ang pinakawalan ni Breena bago ito nahimatay.

  "Fucking bitch!". Galit na galit na sigaw nito dahil hindi na nagalaw ang laruan nya.

  "Oh well I think that's it. Ang bilis bumigay wala man lang thrill". Parang tinatamad na sabi ni Sir Troy. Nabitin ata ito sa panonood.

  "George clean this up, you know what you to do".

  "Yes Sir!".

   Agad na sabi ng malaking lalaki. Sumenyas ito at lumapit ang iba nyang kasamahan. Yung isa may dalang malaking plastik at ang isa naman ay naglabas ng kutsilyo. Sinimulan na nilang hubarin ang damit ni Breena na gawa ni Ma'am Coleen. Pag nalaman kasi nya na ganito ang nangyari sa damit na gawa nya siguradong magagalit yun.

   Hinubad ni Sir Cronus ang white long sleeve shirt nya na duguan at hinagis sa semento. Dinampot din yun ng isa sa mga tao nya. Alam kong susunugin na nila yun.

  Tumayo na rin si Sir Troy na kaninang pumalit sa trono ni Sir Cronus at sabay silang lumabas na ng warehouse.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now