41. Trapped

1.3K 30 0
                                    

Cronus POV

  The meeting was postponed dahil biglang nagka emergency call ang isa naming investor. Nag decide na lang kami na sa ibang araw na lang ulit gawin ang business meeting na yun. I told Troy na babalik na ako ng office baka kasi naiinip na si Phenny. Sinabi naman nyang wala na rin syang ibang gagawin kaya sasama na lang sya.

  We've been gone for almost twenty minutes. Pag akyat namin ni Troy sa office floor ko nakarinig na ako ng pagtatalo. I saw my secretary and Stacey na parang pinagtutulungan si Phenny. Susugurin ko na sana kaya lang pinigilan ako ni Troy. He wants us to listen first but my rage for those two woman is at peak. Wala akong pakialam kung mga babae pa sila. No one can hurt my princess as long as I am here.

  Troy tried to stop me by force pero itinutulak ko lang sya hanggang sa marinig ko ang sinabi ni Phenny.

  "Sasampalin mo ko?... bakit dahil sinabi kong boyfriend ko si Cronus?... Bakit sino ka ba para mag react ng ganyan. Hindi ba katulad ka lang din naman ng ibang babae dyan sa tabi tabi na nagpapantasyang maging Montague but sad to say you will never be one as long as I am here Cronus will always be with me, by my side and not yours or anyone else! ".

  Napangiti ako. I never knew my sweet princess Phenny is a fighter. And from the situation they are in I saw an opportunity for something. Something very special and very important to me. Because I am a businessman and I know what is an opportunity means.

  I looked at Troy na may ngiting aso na naman sa mga labi. Alam na alam na nya ang ibig sabihin ng sitwasyon na to.

  After kong awatin ang tatlo pinapasok ko si Phenny sa office ko bago ko hinarap si Stacey at ang secretary kong si Miss Paguio. Nakikita ko ang mga takot sa mga mata nila na ikinatutuwa ko naman. I love seeing fear sa mga taong nagkakasala sa akin.

  "Cronus honey is it true?". Agad na tanong ni Stacey sa akin.

  "Stacey... Stacey... Stacey". Paulit ulit kong binanggit ang pangalan nya.

  "Ye--yes?". She replied trembling with fear.

  The smell of fear, nakaka adik din minsan. I smirked.

  "I tried to be nice to you but you really love to annoy me".

  "No of course not, why would I do that?". She said with a small trembling voice.

  "Your lying Stacey... You tried to hurt my girlfriend physically and  hurt her feelings by pretending to be my fiancée, right... That annoys me the most". I said in a very calm tone.

  "I'm sorry Cronus honey I..."

   "Didn't I tell you not call me with that disgusting endearment before?".

   "Yes you did....I'm sorry Cro..."

   "And you are not allowed to call me by my first name starting today. Also you are not allowed to come to my office anymore". Sabi ko na nakangiti pa rin.

  "But Cronus we are supposed to be engaged. That lying bitch in your office, whatever she tells you don't believe her, she's a gold digger!".

  What a spoiled brat. Nawala na ang ngiti sa mga labi ko at tumahimik na ako. Troy knows what it means.
I saw the women flinched because of the cold aura I'm emitting. These dumb bitches knows nothing but to be... What else, bitch.

  "Wrong choice of words Stacey... No one can curse at the future Mrs. Cronus Montague and get away with it". Troy said and laughed.

  I saw confusion on Stacey's face then suddenly her phone rings.

  "Dad I'm in Cronus offi....". Bigla syang napatingin sa akin with her eyes wide open. Isaw how she open and close her mouth like a fish. Then suddenly tears fell from her eyes.

  "Mr. Montague please you can't do this to us. Our family were friends for a long time". She complained and cry.

  "Your right, our families were friends and you took advantage of it. I am a businessman Stacey and your family's debt is overdue. It's time to pay me back". In other words pinabagsak ko na ang negosyo nila. Nothing was left at kulang pa nga.

  And on cue my men came and took Stacey out. Nagwawala sya dahil gusto pa daw nya akong kausapin. But I don't want to. Hindi naman ako nag alala kung magsisigaw pa sya hindi naman yun maririnig sa loob ng office ko because it's sound proof.

  "Miss Paguio".

  "Sir Cronus it's all Miss Stacey's fault... Wala po akong kinalaman sa mga nangyari". Biglang paliwanag nito sa akin na nanginginig pa.

  "Miss Paguio you know I hate liars".

  "Hindi po ako nagsisinungaling Sir Cronus.... Yung kinukwento po nung maid nyo gawa gawa lang po nya yun kasi nagalit sya kanina sa akin".

  "Miss Paguio, Phenny is not my maid she is my girlfriend. The future Mrs. Montague do you know what that means?".

  Hindi na sya nakapagsalita pa at umiyak na lang. She knows na kahit ilang kasinungalingan ang gawin ni Phenny I will still believe her at alam ni Miss Paguio na wala syang ilalaban dun.

" I'm sorry Sir Cronus.. It was all my fault please wag nyo po akong tanggalin I need this job". Halos maglumuhod na ito sa akin but do I need to care. Pagkatapos nyang pagbintangan ang prinsesa ko na magnanakaw.

  "If I were you Miss Paguio, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho. Let's just say, out of the country. Kasi baka wala ng tumanggap dito sayo sa Pilipnas. You know what I mean, do you?". At ngumiti si Troy na parang tuwang tuwa sa mga nangyayari. Lalo namang nag ii iyak ang babae.

   Troy really loves mental torture. Hindi na ako magtataka kung may mabaliw na tao na sa mga pinaggagagawa nya.

" Call Ezra.... I need a temporary secretary ". I said as I stride towards my office.

  Pag bukas ko ng pinto ay biglang tayo naman ni Phenny sa sofa.

  "Cronus... Joke lang yung sinabi ko wag ka na pong magalit". Bungad nito sa akin.

  I use a poker face and took a deep breath. This is a golden opportunity to me. Hindi ko to pwedeng palampasin.

  "Princess... Do you know what you just did?". Mahinahon kong tanong sa kanya.

  "Opo... Nagsinungaling po ako kay Miss Stacey, sinabi ko po na jowa ko kayo eh hindi naman". I saw how she bit her lower lip and I wonder what it taste like.

  "Okay lang sana kung hindi mo kay Stacey sinabi yun. Kaya lang sa kanya mo sinabi eh". Pinutol ko muna ang mga susunod kong sasabihin to see her reaction. But she spoke again.

  "Kakausapin ko na lang po si Miss Stacey tapos sasabihin ko na lang po na misunderstanding lang ang lahat. Hihingi na rin po ako tawad kung kailangan". Sunod sunod na sabi nito.

  "The problem Phenny is not about you lie... Ang problema is pag binawi mo yung sinabi mo siguradong mapapahiya ako. Sinabi mo ng girlfriend kita tapos bigla mong babawiin baka isipin ng mga ka business ko nanloloko lang ako ng tao or worst, binawi mo yung sinabi mo kasi tinakot kita. Hindi ba parang magiging masama naman ako sa paningin nila". Mahaba kong paliwanag sa kanya.

  Nakita kong bigla syang napa isip ng malalim. Napatingin ako kay Troy na tahimik na naka ngiti. I also smirked.

  "Ano pong dapat kong gawin Cronus?... Ayoko naman pong mapasama ka dahil sa kalokohan ko". Malungkot ang mga matang sabi nito sa akin.

  "Then how about you take responsibility".

  "Po?". Naguguluhan nitong tanong.

  "Simple lang naman kailangan mo lang na panindigang boyfriend mo ako".

   "Po!". Gulat na gulat na sabi ni Phenny.

  She was trapped.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now