71. You're My Wife

1.2K 28 0
                                    

Phenny's POV

Nakikita ko ang sarili ko na tumatakbo malapit sa isang bangin. Sa baba ay may nagngangalit na tubig na humahampas sa gilid nito.

'Phoenix... Bilisan mo wag kang lumingon!'. Narinig kong sigaw ng isang babae.

Hindi ako mapakali sa boses na narinig ko kaya lumingon ako at nakita ko ang isang babaeng kamukhang kamukha ko pero ang kulay ng mga mata nya ay abo samantalang ang sa akin ay halos dilaw na.

'Silver!'. Ang bigla kong nausal.

Isang malakas na tunog ng baril ang umalingawngaw sa paligid at naramdaman ko na lang na may likidong tumulo sa ulo ko. Dugo, may dugong tumutulo mula sa ulo ko.

'Phoenix!.... Jump!...'

Narinig kong sigaw nya at nakita ko na lang ang sarili kong pabagsak sa rumaragasang tubig.

'Silver!.......'. Sigaw ko.

Nakita ko pa ang pagtigil nya sa harap ng bangin at pagkatapos isang putok ulit ng baril ang umalingangaw sa kapaligiran. Kumislot ang katawan nya pero nakatayo pa rin. Nakita kong bumubuka ang bibig nya. Sa nanlalabo kong mata nabasa ko ang gusto nyang sabihin.

'Save yourself sis, be free and I love you'.

Sumigaw ako ng malakas at tinawag ko ang pangalan ng kapatid ko pero hindi ko na sya makita. Wala na sya sa tabi ng bangin habang ako naman ay tinatangay ng alon papalayo.

"Silver!...... Don't leave me!". Malakas kong sigaw pero wala na sya doon. Hindi ko na sya makita.

"Phenny... Wake up... Phenny!".

Isang yugyog sa balikat ko ang nagpagising sa akin. Nagmulat ako ng mata at nag umpisang umiyak.

"It's okay love.... I'm here, you're just having a nightmare". Halos pabulong nitong sabi sa akin.

Napatigil ako sa paghikbi ng marinig ko ang boses nya. Pagtungahay ko isang lalaki ang nasa tabi ko. Ang lalaking dapat na magbibigay sa amin ng kalayaan.

"Get off me you bastard!". Sigaw ko sa kanya at nakita ko ang pagkagulat nya.

"Phenny?". He said my nickname again. How did he know, no one knows my nickname except Silver. My thoughts at that moment.

Bigla akong tumayo at tatakbo na sana ako palabas ng kwartong iyon ng bigla nya akong hawakan sa braso. I took the initiative to fight back. I twist my body back kasabay ng paghagis ng paa ko sa mukha nya. But he caught it.

"Phenny what are you doing, baka makasama sayo yan!". Bulyaw nito sa akin.

Shit!.... Nahuli na ba nila kami?. Ang tumtakbong tanong sa utak ko.

I can't run dahil mahigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko. So I bit him at tsaka ko sya itinulak ng malakas. Tumama sya sa isang lamesita na may lampshade at baso natapon ang mga iyon at bumagsak sa sahig. It cause a sudden noise. Then biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. Si Ezra.

"Boss Cronus!". Sigaw nito kay Cronus na patayo na rin sa kinabagsakan nya.

"Seized her!". Ang mabilis na utos nito kay Ezra.

When she tried to catch me. Sinipa ko na agad sya sa mukha na nakapagpabagsak agad sa kanya. Muay Thai is my best combat style but I guess I'm a bit weak dahil mabilis din syang nakatayo.

"Shit!... I thought you're just a cute kitten, now you became a fierce cat!". Sabi nito habang pinupunasan ang ilong na dumugo.

We are about to exchange blows when Cronus shout.

"Stop!... She's pregnant!". Sabay kaming napatigil at napatingin kay Cronus.

Napatingin ako kay Ezra at sa tyan nya na flat na flat pa. Buntis si Ezra?... Sinong ama... Si Cronus?. Yun agad ang nasa isip ko pero may kudlit ng hapdi na nadama ang puso ko ng maisip kong si Cronus ang ama ng magiging anak ni Ezra. Why?.

"Sorry Boss.... Nakalimutan ko, buntis nga pala si Ma'am Phenny". Biglang sabi ni Ezra. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

What the hell!....

I'm pregnant?....

With whom?...

"Oh my God!.... Did you raped me?!". Nahihintakutan kong tanong kay Cronus.

"What are you talking about?... Why would I rape you?... You're my wife and that's our child, we did that!". Sabi nito na naka kunot ang noo.

Napatakip ang kamay ko sa bibig ko sa sobrang gulat. Ako asawa ni Cronus, kelan pa, bakit at paano nangyari?. Tanong ko sa sarili ko.

Naramdaman ko na lang ang pag ikot ng paligid ko at maya maya pa ay narinig ko na lang na nagsigawan na sila. Yun lang at nagdilim na ang lahat.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now