55. My Queen

1.2K 32 1
                                    

Phenny's POV

  I was shocked ng malaman kong kasal na pala si Cronus, ang lalaking mahal ko. Gustong mag unahan sa pagtulo ang luha ko pero pinigilan ko. Ayokong umiyak sa harapan ng pamilya ni Cronus.

  "May I excuse myself". Sabi ko pero tumayo na agad ako kahit di pa nila ako binibigyan ng permiso. Ang bigat ng dibdib ko ngayon kahit cup C lang ako.

  "Phenny let me explain!". Agad na hinawakan ni Cronus ang braso ko para pigilang umalis. Pero iwinaksi ko lang iyon.

  Pilit akong pinipigilan ni Cronus na umalis. Pilit rin naman akong pumipiglas sa mga kamay nya. Hindi ko kayang makipag usap ngayon baka masapak ko lang sya sa harapan ng tao dito.

  "Phenny please let me explain!". Matigas ang pagkakasabi nya sa word na please.

  "Wag ngayon... Wag mo muna akong kausapin ngayon!". Tinigasan ko rin ang mga binitawan kong salita.

  "You don't understand, you really need to hear me out".

  Napatigil na ako sa paglalakad at humarap na sa kanya. Tila sasabog na talaga ang dibdib ko sa galit. I need to say something.

  "What do you want to explain?... That you don't love that woman and you fall for me. That you can't live without me because I'm the only woman you ever love... Is that it?". Mahinahon kong tanong sa kanya. Kahit kinopya ko lang sa wattpad yung mga sinabi ko pero totoong masakit sa puso yung nalaman kong niloko na pala ako ng taong sobrang minahal ko. In fairness english lahat yun. Sayang magaling si Cronus mag english di tuloy dumugo ang ilong nya. Sapakin ko na lang kaya para magdugo.

  "Yes!.... I fall for you since the first day I saw you and you are right I can't live my life without you now but I also love the woman I married". He said sincerely.

  My teardrops fell like rain ng marinig kong mahal din pala nya yung babaeng pinakasalan nya. He loves me and he loves her at ang masakit kasal na sila. Samantalang ako girlfriend pa lang nya. Ayaw kong manira ng relasyon at pamilya kaya mabuti na lang sigurong ako na lang ang magpa ubaya, ako na lang ang umalis.

  "Phenny please don't go, we still need to talk. Hindi mo pa naiintindihan. We need to clarify things between us". He said as if he is begging.

  "There's nothing to talk about". I said in a calm voice. Hangga't maaari ayokong magalit sa kanya.

  "No we really need to talk!". He said firmly.

  I think my patience is on it's limit. He makes me loose it.

  "What the hell do you still want from me!... What else do you want to talk about... You're a fucking liar. I trusted you. I love you with all my heart. If you want me to die I'll die for you. I've been honest ever since I met you. What more do you want. I already gave you all I have!". I shouted every word dahil gusto kong maramdaman nya ang galit ko.

  He just looked at me with those loving eyes. I always thought that I see myself in them. I guess I was wrong. I was about to turn when he held my arms tight.

"Phenny!".

  Mag asawang sampal ang isinagot ko sa kanya. I heard some gasp but I don't care. Hindi lang ako niloko, napahiya pa ako. He deserves it.

  A smirked form on his face. Then he touched his reddish cheek.

   "That's a hard slap but I know I deserved it". Sabi nya na nakangisi pa. Lalo tuloy akong nainis. Aalis na sana ako ng niyakap na nya ako ng mahigpit mula sa likod.

  "Cronus, parang awa mo na pakawalan mo na ako pagod na ako". Sabi ko habang natulo ang mga luha ko. Pagod na akong magalit, pagod na akong manakit at pagod na rin akong masaktan.

  "No, you're not leaving me... Hindi ko hahayaang iwan na lang ako basta ng asawa ko".

  Nagulat ako sa sinabi ni Cronus. Hindi daw nya hahayaang iwan sya ng asawa nya. Yun yung nagregister sa utak ko. Ako ba yung sinasabi nyang asawa?.

  "Tumigil ka na Cronus hindi na ako natutuwa sayo. Parang awa mo naman lubayan mo na ako". Halos magmakaawa na ako sa kanya.

  "Sorry princess. You can ask for anything pero ang pakawalan ka hindi pwede. Hindi ko hahayaang mawalan ako ng asawa dahil sa misunderstanding".

  "Nasisiraan ka na ba talaga!... Hindi ako ang asawa mo!". Sigaw ko sa kanya.

  "Of course you are".

  "At kelan mo pa ako naging asawa?". Sigaw ko ulit sa kanya habang nagpupumiglas sa pagkakayakap nya sa akin pero walang magawa ang lakas ko laban sa kanya. This brute. I mumbled.

  "The day of your birthday, yung araw na pumirma ka ng contract sa akin".

  Naestatwa ata ako sa narinig ko habang ramdam ko naman ang mahinang pagtawa nya.

  "I told you to read the contract didn't I?... But you just simply signed it away and from that day onwards you're not my princess anymore, you are my queen, my love, my wife".

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now