43. Tong Its

1.3K 34 1
                                    

Cronus POV

   Nagbaba agad ng mga baril ang mga tauhan ko ng makilala si Phenny pero ako hindi agad ako nakakilos ng biglang lumitaw siya sa harapan ko kung saan may pinaparusahan pa naman ako. Tinanong nya kung sino ang lalaking duguan sa harapan namin pero parang nawalan ako ng boses. Hindi ako makapagsalita. Nakita na ni Phenny ang tinatago kong pagkatao. Siguradong iiwan na nya ako.

   "Tauhan namin ni Cronus". Narinig kong sabi ni Troy. Tumingin ako sa kanya, kalmado lang sya pero hindi katulad ng dati. Alam kong nag aalala din sya kay Phenny at sa akin.

  "Bakit nyo sinasaktan ang tauhan nyo?". Inosente nitong tanong.

  "Siniraan nya ang negosyo ng Montague. Nagsinungaling sya para magka pera at ninakawan nya kame". Si Troy pa rin ang sumagot ng tanong ni Phenny.

  Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ng prinsesa ko at napaatras sya mula sa kinatatayuan nya. Parang takot na takot na tumingin sa akin. Nasasaktan ang puso kong makita syang natatakot. Kahit alam ko at pinaghandaan ko na ang araw na to, iba pa rin pala pag nasa harapan mo na ang problema. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung pakakalmahin ko siya o papaliwanagan wala akong maisip na kahit ano.

  "Cronus". Tawag nya sa pangalan ko habang nakayuko at naka pamulsa ang isang kamay. Maya maya ay may hinugot sya at dalawang kamay na ini aabot sa akin. Isang libong pisong buo.

   "Princess, what is this?". Natanong ko sa kanya na litong lito. Sa wakas na hanap ko din ang boses ko.

  "Ibinabalik ko na, hindi ko sya ninakaw Cronus, promise. Napulot ko lang to sa kwarto mo, hihiramin ko lang sana kasi naubos na yung pera ko pero babayaran ko din naman, pangako". Mahaba nyang paliwanag na hindi tumitingin sa akin.

  Natatawa ako sa mga nangyayari. Nandito kami sa mapunong lugar ng lupain ko habang nasa harap ang lalaking duguan na tinutorture ng mga tauhan ko. Tapos ang babaeng mahal ko na akala ko ay natakot sa ginagawa namin nahingi ng sorry dahil akala nya magagalit ako dahil lang sa baryang papel na nakuha nya sa kwarto ko.

  "Sige ganito na lang, pwede bang buhok ko na lang ang putulin mo wag na yung kamay ko gagamitin ko pa kasi sila eh, yung buhok ko hahaba pa pag pinutol pero yung kamay ko hindi na".

  I can't believed na nakuha pa talaga nyang maki pag deal sa akin. Nakita kong bumukas ang isa nyang mata at sinisilip ang reaction ko.

  "Cronus... Pagod na ako di ka pa ba tapos mag isip?". Maktol na ni Phenny. Narinig kong napatawa si Troy at pagkatapos ay pinigilan din. Habang ang iba naman ay naka ngisi na. Si Dredd na laging seryoso ay napangiti rin pero biglang nag seryoso ng nakita nya akong nakatingin.

"Princess, who told you that I will cut this beautiful hands of yours?". Sabay kuha at halik sa mga kamay nya.

  Nagmulat ng mata si Phenny at ngumiti.

  "Hindi ka galit Cronus?". Tuwang tuwa nitong tanong.

   "I will never ever get mad at you". Lumapit pa ako sa kanya para mayakap sya. I love her intoxicating smell. So natural.

  "Kahit di ako nag paalam na kinuha ko yung pera mo, naubos na kasi yung sa akin eh". Tanong at paliwanag nya.

  "Bakit princess marami ka bang binili at naubos ang budget mo?... Di ba sabi ko pag may kailangan ka magsasabi ka lang kay Manang Tacing".

  Sa pagkakatanda ko ay hindi nya kinuha yung buong sweldo nya pinilit nyang ipakaltas yung mga utang daw nya. Hindi rin naman nya tinatanggap ang perang binibigay ko dahil madadagdag lang daw yun sa babayaran nya. Paano ko kaya mabibigyan ng pera si Phenny?. Yan ang pinoproblema ko ngayon.

  "Wala naman akong ibang binili natalo lang ako sa tong its".

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now