2. To Prepare

1.7K 37 0
                                    

Phenny's POV

   Two years.

   Two years had passed at nandito pa rin ako sa Saint Therese orphanage. Walang maalala pero masaya. Masaya kasama ang mga batang iniwan ng magulang at di na binalikan, mga napulot sa lansangan at mga nailigtas sa kamay ng mga sindikato. Minsan malungkot na masaya dahil yung iba swerteng naampon pero yung iba dito na sila nagsisilakihan.

  "Phenny ayusin mo na yung mga ibinigay sa ating grocery donations at mga damit ng MGC Foundation. May mga bagong tsinelas dun palitan mo na yung sirang tsinelas nung ibang bata". Sunod sunod na utos ni Sister Myra sa akin.

   Eto na ang naging trabaho ko dito sa orphanage. Taga ayos at taga lista ng mga donations. Pati perang donations ay ako na rin ang naghahandle dahil malaki ang tiwala nila sa akin. Okay kahit minsan nakupit ako. Nakatapos naman ako ng high-school sa tulong ng ALS kaya hindi ko na kailangan pang pumasok ng public school para lang mag aral pa. Tuwang tuwa si Sister Luz sa akin dahil matalino daw ako at nanghihinayang rin dahil hindi ako nabigyan ng pagkakataong makapag aral man lang hanggang kolehiyo. Pero okay lang naman dahil feeling ko nakakabagot ng mag aral mas gusto ko ng magtrabaho para makatulong sa kanila.

   "Phenny!".

  Napalingon ako ng marinig ko yung malakas na pagtawag sa pangalan ko. Si Sister Lourdes na kumakaway kaway pa.

  "Sister Lourdes bakit po?". Tanong ko habang patakbo sa kanya.

  "Tawag ka ni Sister Luz, pumunta ka daw sa office nya". Nakangiti nitong sabi.

  "Sige po". Lapad ang ngiti kong tumakbo sa opisina ni Sister Luz. Bakit kaya. Yun ang nasa isip ko habang papunta kay Sister Luz.

  Pagtapat ko sa pinto ng opisina nya ay kumatok agad ako. Narinig ko ang pagpapatuloy nya sa akin kaya hinawakan ko na ang seradura at pinihit yon para makapasok.

  "Sister Luz, pinatawag nyo daw po ako?". Magalang kong sabi na naka ngiti.

  "Oo anak, lumapit ka dito". Ikinampay pa nya ang kamay para lumapit ako sa mesa nya.

  Nagtataka at nag aalangan ay sumunod na lang ako. Nakayuko akong humakbang palapit.

   "Phenny sa makalawa ay a-attend ako ng charity event, alam mo naman na siguro kung anong ibig sabihin nun". Tipid ang ngiting sabi nya sa akin at napatango lang ako.

   Ang tanong na bakit kailangan pa nyang ipaalam sa akin ang tungkol sa event ay hindi kaagad nawala sa isip ko. Ang mga may katungkulang madre lang ng orphanage ang pwedeng pumunta sa mga ganong event pero bakit kaya nya sinasabi sa akin ito ngayon.

  "Nagtataka ka ba Phenny?".

   Tumango lang ako.

   "Isasama kasi kita dun". Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Sister Luz.

  "Po!.... Bakit po?". Nagtataka kong tanong.

  "Phenny ilang buwan na lang disi otso ka na, ibig sabihin nasa tamang edad ka na at hindi ka na menor. Ang gusto ko ay... Bakasakaling maipasok kita kahit kasambahay man lang sa isa sa mga nag ii sponsor ng orphanage natin". Mahaba nitong paliwanag.

  Gusto kong matuwa dahil sa wakas pwede na akong makatulong kina Sister Luz pag natanggap ako sa trabahong kasambahay pero parang nalukungkot ako dahil ibig sabihin ay kailangan ko ng umalis dito at iwan ang mga batang napamahal na rin sa akin.

  "Alam kong nalulungkot ka hija pero dun talaga papunta ang lahat. Malaki ka na at darating ang araw magkaka pamilya ka na rin. Isa kang mabuting bata at nasaksihan ko ang kabutihan mo nung napatira ka dito. Kaya ang gusto ko ay hindi ka mahirapan sa paghahanap ng trabaho pag labas mo dito".

  Tama naman si Sister Luz hindi ako pwedeng nandito habang buhay. Sapat na yung dalawang taong tinulungan nila ako at grateful ako dun. Oras naman na siguro na ako naman ang tumulong sa kanila.

  "Sige po Sister Luz sasama po ako sa event. Marami pong salamat sa opportunity". Tipid ang ngiti ko habang nagsasalita.

  "Mabuti naman at naiintindihan mo. MGC or Montague Group of Companies ang pupuntahan nating charity event dun kita ihahanap ng employer tutal halos lahat naman ng taong nandun ay nag ii sponsor sa atin". Maaliwalas ang pagkaka ngiti ni Sister Luz na parang nabunutan sya ng tinik habang nagsasalita na ngayon.

  Salamat at may Sister Luz na lagi akong naaalala.

  Tumango na lang ako tutal wala na rin naman akong magagawa.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now