37. Humps

1.3K 34 0
                                    

Phenny's POV

   Nagulat ako ng biglang dumating si Cronus na hangos na hangos. Wala man lang pasabi na uuwi pala sya. Naabutan tuloy nya kaming nakaluhod sa tapat ng pinto. Akala ko kasi mag no novena kami may dala pa ngang rosary si Susan kaya pati tuloy ako napaluhod at napadasal. Tapos biglang nag iyakan ang tatlo na lalong ikinagulat ko talaga. Kaya pala kami nakaluhod at nananalangin ay para hindi sila pagalitan ni Cronus dahil nadisgrasya na naman ako.

   Tuwing nadidisgrasya ako laging napapagalitan ni Cronus ang lahat ng tao sa paligid ko, eh ako naman ang may kasalanan kung bakit ako nasusugatan.
Naku baka magtanim ng galit sila Mika sa akin, kung bakit naman kasi napakalapit ko sa aksidente.

  Pero sulit din naman kasi may free hug na ako pag dating nya may free kiss pa sa kamay. Nakaka nginig ng tinggelengs. Buti na lang nag hugas ako ng kamay kanina pagkatapos kong magbanyo, naku baka kung anong ma smell nya sa aking trembling hands imbis na yakapin ako ihagis bigla ako sa kalsada at pasagasaan sa pison. Mabuti na lang talaga laging clean ang two hands at ten fingers ko.

  Sabay na kaming kumain ni Cronus pero halos subuan naman nya ako dahil may sugat daw ang kamay ko. Pakiramdam ko sing pula na ako ng siling labuyo sa init ng mga pisngi ko. Ngingiti ngiti ang brain ko at napapagod na ata si heart ko sa pagtambol pero kailangan kong magpaka dalagang pilipina kahit gusto ko ng maging magdalena para kay Cronus. Baka isipin nya chipipay ako at gutom na aso pag bigla ko syang sinunggaban dito mukha na nga akong dugyot ibababa ko pa yung level ko sa talampakan ng taong grasa. Kaya kalma lang Phenny pagsubok lang to ni Lord alam nating masarap na ulam si Cronus kaya damihan mo na lang ang kanin.

  "After nating kumain, take a bath and dress up, isasama kita sa office".

   Bigla nyang sabi na nagpasamid sa akin. Binigyan nya agad ako ng tubig, ubos ko ang isang baso. Bakit parang gusto akong patayin ni my loves di muna bumusina drive agad agad.

  "Bakit po?".

  "Baka sakaling pag isinama kita makakaiwas ka na sa disgrasya". Direkta nitong sabi. Sabay subo ulit sa akin ng pagkain.

  Oh ano ka Phenny tanong pa more, kalikutan mo kasi itatali ka na tuloy ni Cronus sa pundyo nya.. Ay gusto ko yan brain.

   So ganun nga ang nangyari, kaya ngayon hatak hatak nya ako papuntang office nya and take note sya pa ang namili ng isusuot ko. White dress na mahaba ang sleeve at mataas ang neckline tapos abot hanggang tuhod sa ibaba, medyo hakab sa katawan ko kaya nagdalawang isip muna sya bago ibigay sa akin pero ibinigay din naman sa huli tapos inabutan din ako ng manipis na cardigan, napa isip tuloy ako kung sa baguio ba ang opisina ni Cronus kasi balot na balot ang suot ko parang ayaw nya akong lamigin.

   Nalula pa ako sa elevator kasi ba naman nasa eighty sixth floor daw yung office nya at sakop daw nya yung buong floor. OMG hindi ba nahihilo si Cronus sa pag akyat baba dito?.. Kasi ako parang susuka na.

  Akay nya ako sa braso papuntang office ng may sumalubong sa aming matangkad na babae. Napansin ko kaagad ang pagtingin nya sa akin mula ulo hanggang paa sabay angat ng isang kilay. Ang taray....

  "Sir Cronus you're back!". Malapad na ngiti nito sabay irap sa akin. Hindi na ako pinansin pa.

  Isnaberang frog din?...

  "Where's my idiot cousin?". Pagalit na tanong sa kanya ni Cronus.

  Napangiti ako hindi kasi sya pinansin ni Cronus... Ano ka ate pahiya ka noh!

  "He's in your office Sir". Malandi nitong sabi at halos mag one hundred eighty degree ang palo ng balakang. Pini flex nya talaga yung malaki nyang pwet.

  Hindi kaya mabali ang katawan neto kaka kembot?... Naiinis ako kaya ikinapit ko ang kamay ko sa braso ni Cronus. Ngumiti naman sya.

  Binuksan nung babae ang pinto habang binibigyan si Cronus ng malagkit na tingin at matamis na ngiti. Pagdating sa akin umismid sya na halos tumirik ang itim ng mata nya papunta sa likod ng ulo nya. Habang papasok ako tinititigan ko naman sya at pagtapat ko sa harap nya inilabas ko ang dila ko para i belat sya.

   Nakita ko si Sir Troy na nakatingin sa akin ngiting ngiti. Nahuli nya pala ako. Namula tuloy ang mga pisngi ko.

  "Oohh... I can smell a cat fight!". Tuwang tuwa nitong sabi. Tumingin si Cronus sa babae at sa akin. Niyakap ko na ng tuluyan ang braso nya sa hiya.

  "Miss Paguio bring me a coffee and a snack for my princess". Ma otoridad na utos nya. Nakita ko na parang nagulat saglit yung babae pero maya maya lang ay ngumiti rin.

  "Anything else Sir? ".

  Hindi sumagot si Cronus nakatingin lang sa akin habang hinihimas ang braso ko.

"Then I'll be back in a jiffy". At dere derecho na syang lumabas.

  "Sino ba yun Cronus?".

  "Just a secretary". Matipid na sagot nya.

  "May sakit ba sya?".

  Napakunot noo si Cronus.

  "Not that I know of, why?".

  "Akala ko kasi pilay hindi pantay ang lakad parang laging may humps yung sahig nyo".

  Humagalpak ng tawa si Sir Troy.
 
  

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now