75. Gone

1.1K 29 0
                                    

Cronus POV

"Cronus wake up!..... Cronus!... For goodness sake wake up!".

I heard shouts and screamed sa paligid ko. Nahihirapan akong ibukas ang mga mata ko and my head parang binibiyak.

"Kuya where is my Phenny doll!". Sigaw ni Coleen halos sa tapat ng tenga ko.

Nang marinig ko ang pangalan ni Phenny ay biglang bumukas ang mata ko. Kinapa ko ang gilid ng kama, it was cold ibig sabihin matagal ng naka alis si Phenny sa tabi ko ng hindi ko namamalayan.

"Shit!". Sigaw ko at agad na napabangon ako sa kama.

Napatigil lahat ng tao sa paligid ko at napatingin sa akin.

"Sino ang nagbabantay sa labas simula kagabi?". Tanong ko agad pero wala akong ibang tinitingnan. Napasabunot ako sa buhok ko ng maalala ko ang mga huling sinabi ni Phenny kagabi. Find me when I get lost. Usal ko.

"Cronus wala na si Phenny nung dumating kami dito. Ikaw na lang ang natutulog dyan sa kama". Paliwanag ni Troy.

"Yung mga bantay sa labas?". I didn't bother to listen to him I want to know kung sino ang pwede kong patayin pag nawala si Phenny. I was massaging my head ang sama ng gising ko at gusto kong magwala but I need to calm myself first.

"Nasa labas pa rin. Hindi daw nila nakita si Phenny na lumabas". Sagot ni Troy na bahagyang lumayo sa akin. I am really in a bad mood.

Tumakbo ako sa CR after hearing him and I looked inside there pero walang tao.

"We look everywhere pero hindi namin makita si Phenny. She vanished like a ghost". Dugtong pa nito.

"Kuya!". Tawag ni Coleen na nakasimangot na.

Hindi ko na sya pinansin pa. I took my phone out and called someone.

[Ezra, Phenny is gone where's Nenji?]. Agad kong sabi ng mag on ang kabilang linya.

[Nenji is here].

[Tell him to find Phenny]. Utos ko kaagad.

[On it, I'll send you the result right away]. Yun lang at nag hung up na sya.

"Kuya what did she say?". Nag aalalang tanong ni Coleen. She knows I called Ezra because she's my right hand guy.

I just raised my hand and she didn't say anything anymore. I'm not in the mood to argue and she knows it. Maya maya lang ay tumunog na ang message tone ko. Binuksan ko kaagad ang mensaheng ipinadala ni Nenji.

Pagkabasa ko nun ay biglang kumilos ng kusa ang mga paa ko at tumakbo palabas ng kwarto ng ospital. Narinig ko pa ang mga tawag sa akin ng mga tao sa loob ng kwartong yun pero wala na akong pakialam all I want is to find my wife no matter what.

Ang mga bantay ko sa labas ay nagulat rin at biglang nagsiyuko.

"I'll deal with you later!". Sigaw na sabi ko sa kanila. Walang isa mang nag angat ng mukha para tingnan ako.

I use the VVIP private elevator para wala na akong ibang makasabay pa. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano kabagal ang pagbaba ng elevator dito. I sigh and pray na sana nandoon pa ang asawa ko. Hindi ko na talaga alam kong saan ko pa sya hahanapin pag nawala sya. Imagine nalusutan nya ang santambak na bantay sa labas ng kwarto namin. Now that she's outside no one can stop her if she choose to leave.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator door ay tumakbo na ako palabas ng hospital at tumawid ng kalsada.

Seven eleven store. Isang babaeng may ginger red hair na naka suot pa ng bathrobe ang walang tigil sa paglalagay ng mga siopao sa serving tray nya habang ang bibig ay may kagat kagat pang ubod laking siopao.

"May pangbayad ka ba dyan?". Tanong ko sa babaeng namamakyaw ng siopao ng tumayo ako sa likuran nya.

Napatingala sya at agad na tinanggal ang kagat kagat nyang siopao sa bibig.

"Cronus love". Malambing nitong tawag sa akin sabay ngiti ng matamis.

"Bakit hindi mo ko ginising ha?". Niyakap ko ang asawa ko ng mahigpit mula sa likod. I miss her so much. I miss her smile and her voice.

"Tulog na tulog ka kasi parang sobrang napagod ka sa kakabantay sa amin. Tsaka isa pa nagugutom na kami ni baby". Nagpapaawa ang tunog ng boses ni Phenny at hinimas himas pa ang braso ko. Mukhang alam nya na pagagalitan ko sya dahil sa ginawa nya.

Napabuntong hininga ako. Paano pa ako magagalit kung ganito naman kalambing ang asawa ko may kasamang pangungunsensya ang sinasabi.

"Next time pag hindi agad ako magising just ask my people. Ibibigay nila lahat ng gusto mo okay". I kissed her head at kinuha ko na ang dala nyang tray para mabayaran na sa counter.

Pumunta ako ng counter at binayaran ang mga kinuha ni Phenny ng may isang batang babae ang kumalabit sa likuran ko. Ngumiti ako ng humarap sa kanya.

"Kuya yung magandang babae na kausap mo kanina isinakay ng mga lalaki sa kotse". Inosente nitong sabi.

Napalingon ako at napatakbo sa labas ng convenient store at nakita ko ang isang van na papalayo mula sa akin.

"Phenny!.... Phenny!......"

Sigaw ako ng sigaw habang hinahabol ang van na mabilis na tumatakbo. Isang motor ang biglang tumigil sa tabi ko.

"Boss sakay!". Sigaw ng driver. Si Ezra.

Iniabot nya sa akin ang isang helmet.

"Don't worry sinusundan na sila ni Nenji ng isang drone. Hindi tayo pwedeng lumapit sa kanila mga armado sila. Heavy firearms mukhang pinaghandaan nila ang pagkuha kay Ma'am Phenny". Paliwanag ni Eazra habang sinusundan namin ang van.

Ilang sasakyan din ang layo namin sa van para hindi kami masyadong mahalata. Hindi ako nagsasalita hinahayaan ko lang si Ezra. She was trained for this.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako nag atubiling magdala ng mga tauhan ng puntahan ko si Phenny. I made them stay away from me not knowing na may ganitong eksena ang pwedeng maganap.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now