34. Red Alert

1.3K 29 0
                                    

Phenny's POV

  Hindi ako pinapaalis ni Cronus sa tabi nya kahit hanggang hapunan na. Parang natakot syang mawala ako bigla. At natakot naman akong mawala sa sarili pag di nya tinigil tong ka sweet-an nya sa akin (joke lang). Sa gitna ng pagkain nagpaalam si Cronus na balik trabaho na sila bukas.

   Si Sir Troy naman ngiting ngiti tuwing tinitingnan kami ni Cronus. May sira ata to sa ulo, nakakatakot tuloy baka biglang mangagat.

  Hinatid pa ako ng kwarto ni Cronus at inantay ako makatulog bago umalis. Nasabi ko kasi wala na sya sa tabi ko nung magising ulit ako. Iniisip ko kung bakit kaya sobrang bait nya sa akin. Wala naman akong maisip na ginawang kabutihan sa kanya noon kasi halos ngayon ko lang talaga sya nakilala. Si Cronus, my love at first sight or second sight?.
 
   Isip... Isip at isip pa hanggang sa papikit na ulit ng bigla kong maisip ang hindi ko dapat iniisip.....

   OMG to the highest at max level ng biglang nagmulat ang mga mata ko...
 
  Balak ba akong ampunin ni Cronus at gawing anak.

  Oh no!!!!...

   JUICE COLORED NA RED ALERT!!!

  Lord wag naman ganun ayaw kong maging tatay ang lalaking pinag nanasaan ko. Ipatikim nyo naman po sya sa akin. Magbabait na ako promise.

   Ngayon ko lang napagtanto na baka kaya sobrang bait ni Cronus sa akin kasi gagawin nya akong anak. Kaya ba princess ang tawag nya sa akin kasi tingin nya little girl na nya ako. Ganun kasi yung mga nag aampon sa orphanage sobrang babait minsan princess din ang tawag sa mga batang babaeng aampunin nila. Parang gusto kong umiyak ah.

  Waahhhh... Ayokong maging anak ni Cronus gusto ko anakan nya ako.

  Teka... Wait.... Kalma ka lang Phenny baka kasi nag o over think ka lang pero.... Anong gagawin ko pag nagkatotoo nga?.

   No this can't be happening. Malala pa to sa syam na buhay ni Kardo Dalisay... Ayoko....

  Inumaga na ako kakaisip kung ano nga bang gagawin ko pag in-offer-an ako ni Cronus na ampunin. Hindi talaga ako makakapayag hindi ko papayagan ang sarili ko na ampunin nya, asawahin pwede pa.

  Nakarinig ako ng mahihinang katok sa pintuan ko pero di ko pinansin nagtulog tulugan ako. Maya maya ay nadinig kong  bumukas iyon at may maiingat na yabag ang lumapit sa akin.

  "Princess are you awake?".

  Hindi ako kumilos. Kunwari tulog pa rin. Nagpakawala sya ng malalim na paghinga.

  "I'm sorry for scolding you yesterday my princess, I was afraid that you might get hurt again under my roof. You have no idea how scared I was. Please don't get hurt again because it hurts me more to see you in any pain. I'm leaving but I'll be back tonight take care of yourself... I love you princess my future queen ".

   Eto talaga yun eh... Yung moment na dumudugo ang ilong ko. Ang haba ng english ng loves ko.

  Isang halik sa ulo ang naramdaman kong iginawad nya bago marahang umalis at isinara ang pinto.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakiramdam saglit. Dahan dahan akong umupo sa kama ko at marahang hinaplos yung lugar kung saan nya ako hinalikan.

  Tang ina...

  Aasawahin pala hindi ampunin... Yessss...

  Tumili ako ng walang tunog, syempre baka biglang magtakbuhan sina Manang Tacing dito at akalain nababaliw na ako.

   May gusto ba sya sa akin?...
   May gusto si Cronus sa akin!...
  Gusto ba ako ni Cronus?...

   Pero bakit di nya ako nililigawan? Shit!!!...

  Okay binigyan ko na naman ang sarili ko ng problema.

  Unang problema hindi ko talaga ma gets kung gusto nya ako..

   Pangalawang problema hindi pwedeng ako ang unang manligaw sa kanya so kailangan kong mag antay kung liligawan nya nga ako, ang tanong hanggang kailan ako mag aantay baka tuyo na ang matris ko wa pakels pa rin sya sa byuti ko.

  Pangatlong problema mayaman sya mahirap na dugyot lang ako. Baka sabihin gold digger ako.

  Pang apat na problema....
Tsaka ko na po problemahin kasi hindi ko pa alam kung ano pang problema ang dadating.

  Humiga ulit ako at tumitig sa kisame. Natuwa ako dahil kahit papano nalaman kong may slight na gusto pala sya sa akin pero bakit kaya kinakabahan naman ako.

  Ano ba yan, akala ko pag na in love na si my loves sa akin diretso kasal na agad tulad sa mga tele serye at k-drama bakit parang pakiramdam ko madugo muna ang pagdadaanan ko.

  Napasabunot tuloy ako sa sarili ko.

 

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now