40. Good Girl

1.2K 29 0
                                    

Phenny's POV

   "What is going on here?". Dinig kong tanong ni Cronus.

   Napakagat ako sa ibaba kong labi at marahang napapikit saglit. Di ako nalingon dahil alam ko kung gaano ka pula ang mukha ko ngayon. Isa pa baka masapok ako ng wala sa oras mahirap na.

  Lord naman, hindi mo man lang ako binusinahan. Sana naman po nag beep beep sign ka na parating na pala sya. Okay na sana yung performance ko nabuking pa. Lagot ako nito kay Cronus baka sisantehen na talaga nya ako di pa nga ako nakakasahod mawawalan na agad ako ng trabaho. Lakas pa naman ng loob kong sabihin na boyfriend ko siya. Juice colored talaga.

   "Cronus honey look what she did to me, your maid hurt me".

  Ang arte, wala namang sugat. Sarap umbagin. Maputi ka lang kutis kalabaw ka naman. Hmp.

  "Kitang kita ko po Sir Cronus kung paano nya itulak ng malakas si Ma'am Stacey. Hindi na po sya naawa ang fragile pa naman ni Ma'am Stacey ayan tuloy nasaktan sya".

  Isa pa tong bruha na to mapag gawang kwento. Fragile talaga eh mukhang kargador sa pier itsura ng Ma'am Stacey mo. Tuwang tuwa ka rin naman nung nag aaway na kaming dalawa, kala mo hindi ko nakita. Ito ang mga na takbo sa isip ko.

   Hindi na ako nagsalita sure naman akong pagagalitan na naman ako ni Cronus. Nag cause na naman ako ng trouble.

  "Princess tell me what happened?".

  Naku eto na... Anong gagawin ko magsisinungaling ba ako?... Pero ayaw kong magsinungaling sa kanya mas bad yun...

  Dahan dahan akong umikot pa harap kay Cronus at nakita ko ang seryoso nyang mukha. Kitang kita ko rin ang malapad na ngiti ni Sir Troy. Parang mas ninerbyos ako sa mukha ni Sir Troy kesa kay Cronus. May kakaiba kasi sa mga ngiti nya. Ngiting hindi mo pagkakatiwalaan.

  Napansin kong humakbang na si Cronus papalapit sa akin. Tina try kong ngumiti pero parang ngiwi lang ang nalabas.

  "Cronus.... Nag jo jo...."

  Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nyang tinakpan ng isang daliri nya ang mga labi ko.

  "We will talk later okay princess?". Mahina nyang bulong sa akin.

  Hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin kaya tumango tango na lang ako.

  "Good girl". Tapos hinalikan nya ang noo ko.

  OMG... Parang kinapos ata ako ng hangin dahil dun. Nag kiss na kami ni Cronus. Sigaw ng utak ko. Kahit sa noo lang yung kiss, kiss pa rin yun, period.

  Iginiya ako ni Cronus paharap ulit kina Stacey na ngayon ay nakatayo na. Nakaalalay naman ang secretary ni Cronus sa kanya.

  "Princess tell me what happened?". Tanong nya ulit sa akin na halos yakapin na ako habang nasa likuran ko siya.

  Nakita ko na naglakihan ang mga mata nung dalawang babae sa ginawa ni Cronus.

  "Pinalabas ako ng secretary mo sa office kasi di daw nya ako mababantayan baka daw magnakaw ako". Yun talaga ang sinabi ng secretary ni Cronus walang dagdag, walang bawas.

  Magsasalita sana si Miss Paguio at Stacey pero itinaas ni Cronus ang isang daliri nya at winagayway. Ibig sabihin bawal magsalita. Wow lintik ang powers, isang daliri palang yun shut up na sila.

  "Really she said that?".

  "Opo!". Mabilis kong sagot sa kanya.

  "How about Stacey... What did she do to you?". Mahinahon nitong tanong.

  "Sabi nya fiancé mo daw sya tapos sabi ko kung nasaan yung bigay mong singsing eh wala naman syang pinapakita kaya sabi ko...". Lumunok muna ako bago nagsalita ulit.. "Sabi ko boyfriend kita tapos bigla na lang nya akong sasampalin pinigilan ko sya tapos tinulak".

  Inaantay kong pagalitan nya ako o kaya kutusan man lang dahil sinabi kong jowa ko sya. Pero hindi naman nya ginawa. Naramdaman ko na lang na huminga sya ng malalim.

  Pinaharap nya ako sa kanya at tiningnan ang mukha ko, braso at kamay.

  "May poor princess muntik ka na namang masaktan, you really can't stay still". Malungkot nitong sabi.

  "Sorry".

   Hindi ko alam kung bakit ko biglang sinabi yun. Para kasing nasasaktan ako sa nakikita ko sa mata nya. Ano ba yun!... Bakit parang nasasaktan sya para sa akin?

  "Princess go inside my office and don't come out unti I say so, understood?". Malumanay nyang sabi at tumango lang ako.

  "Say you promise".

  Eto na naman kami, walang kamatayang pangakuan.

  "I promise!". Sabi ko na lang dahil hindi rin naman nya ako titigilan pag di ako nangako.

  "Good girl... Go!". Pagtataboy nito sa akin.
 

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now